Chapter 07

10.1K 456 17
                                    

BAWAL ang KJ, Marquine," susog ni Mary Jhoy kay Marquine na pilit inaabot sa dalaga ang isang ladies drink.

"Minsan lang tayong makapag-jamming," segunda ni LJ.

"Inumin mo na. Hindi naman 'yan nakakalasing."

"True."

Lumunok si Marquine. Kahit kailan ay hindi siya tumitikim ng kahit na anong alcoholic beverage.

Inakbayan siya ni LJ. "Mamaya pagkatapos ng party dito, continue tayo sa suite na binayaran ko para mas makapag-jamming tayo nina Hannielyn. Gusto ka pa naming makilala, Marquine. Ang tahimik mo kasi sa office, eh."

Nagkanya-kanya ng hawak ng ladies drink ang mga ito. Napipilitang hinawakan ni Marquine ang baso ng ladies drink.

"Cheers!"

Nagpingkian ng mga baso ang tatlo. Dahil hindi siya gumagalaw kaya ang mga ito na ang nakipagpingkian ng baso sa kanya.

"Cheers, Marquine."

Nagtatalo ang isip niya kung iinumin ba niya ang ladies drink na hawak o hindi.

"Marquine, hindi 'yan mauubos kung tititigan mo lang," untag ni LJ sa kanya.

"Tama si LJ."

Napatingin siya sa tatlo na animo naghihintay na inumin na niya iyon. Hindi nakaligtas sa kanya ang tila pagkainip sa mukha ni LJ.

Siguro naman ay tatantanan na siya ng mga ito kapag nainom na niya iyon.

"Hindi talaga ako mahilig uminom. Pero ngayon, sige, pagbibigyan ko kayo pero isa lang ito."

Tumango nang sunod-sunod si Hannielyn. "Sure."

Nang inumin niya ang ladies drink at ubusin iyon ay lihim pang nagngisian ang tatlo.

"Great," ani LJ na inubos na rin ang ladies drink nito.

"Mukhang nag-e-enjoy kayo masyado," bigla ay wika ni Flynn na tumabi kay Marquine.

"Yes we are," sagot ni Mary Jhoy. "Sayang ang drinks kung hindi ii-enjoy. Saka minsan lang naman 'yong ganitong chance kaya bawal ang KJ. Right, Marquine?"

Kimi lang siyang ngumiti kay Mary Jhoy. Napalunok siya mayamaya. May kakaibang dinulot sa kanya ang ininom. Hindi niya maipaliwanag kung ano. O, baka naman pagod lang siya? Pero imposible naman kung iyon nga ang dahilan.

"Okay ka lang?" pansin pa sa kanya ni Flynn.

Tumango siya. "Oo. Okay lang ako." Ipinatong niya sa lamesa ang baso. "Girls, punta lang ako sa powder room." Bahagya siyang napapikit.

"Samahan ka na namin," ani LJ na ipinulupot sa isa niyang braso ang kamay nito. "Tara."


"NASAAN na si Marquine? Kanina lang magkakasama pa kayo. Umuwi na ba siya?"

Napahinto sa akmang paglalakad si Markian nang marinig ang tanong na iyon. Bahagya niya iyong nilingon. Si Flynn ang nakita niya na kausap ang tatlong babae na kasakasama ni Marquine kanina sa table. Nagbawi siya ng tingin at lihim na nakinig.

Dinukot niya ang kanyang cellphone sa bulsa ng pants niya at d-in-ial ang numero ni Marquine. Nag-ri-ring iyon pero hindi nito sinasagot.

"Actually, Flynn, hindi pa siya nakakauwi. Nandito pa siya sa Nagusami Hotel," malambing na wika ng isang babae. "At hinihintay ka niya."

Kumunot ang noo ni Markian sa narinig.

"Hinihintay?"

"Oo," segunda ng isa pang boses babae.

"Bakit naman niya ako hinihintay?"

"Well, hindi mo ba alam na interesado siya sa iyo una pa lang? Hindi lang niya pinapahalata. Kaya kung kami sa iyo, 'wag mo ng sayangin ang chance na ito na makapag-solo kayo. Hinihintay ka niya sa suite na binayaran niya."

"Room 1012, Flynn. Heto ang susi."

Nagtagis ang bagang ni Markian sa narinig. "1012," anas pa niya bago ibinalik sa bulsa ang cellphone at may pagmamadali na lumabas ng pavilion. Halos takbuhin niya ang papunta sa receptionist ng hotel.

"Miss, kailangan ko ng duplicate key sa Room 1012," humihingal pa niyang bungad sa receptionist na saglit na natulala sa kanya.

"Sir-"

"Naghihintay ang girlfriend ko doon. At siguradong tulog na iyon ng ganitong oras. Late na nga ako sa usapan namin. Hindi ako makakapasok sa suite namin dahil siguradong ni-lock niya ang pinto. Ganoon 'yon kapag nagagalit. Kaya ang last option ko ay ang duplicate key," nginitian pa niya ito para pumayag.

"ID niyo po, Sir."

Mabilis niya ritong binigay ang ID niya. Ch-in-eck lang iyon ng receptionist bago ibinalik sa kanya. Pagkabigay nito ng susi ay nagmamadali na niyang hinayon ang papunta sa may elevator matapos magpasalamat. Nagpapasalamat siya dahil hindi na inusisa kung sino ang naka-check-in sa naturang silid dahil nakakasiguro siyang hindi pangalan ni Marquine ang nakasulat doon.

Kailangan niyang maunahan si Flynn.

Pagkasara na pagkasara ng elevator ay nakita pa niya si Flynn. Nayukom niya ang kamao.

"Jerk," anas pa niya.

Pagbukas ng elevator sa tenth floor ng hotel ay naroon pa rin ang pagmamadali sa kilos niya nang hanapin ang suite na kinaroroonan ni Marquine.

Nang makita ang naturang suite ay mabilis niya iyong binuksan gamit ang dala niyang duplicate key. Hindi niya alam pero abot langit ang kaba niya ng mga sandaling iyon.

Mabilis siyang pumasok sa loob nang mabuksan ang pinto. Ini-lock din niya iyon gamit ang double lock buhat sa loob ng suite. Kaya kahit mabuksan ni Flynn ang main lock niyon ay hindi pa rin nito mabubuksan ng tuluyan ang pinto.

Hindi kalayuan sa pinto ay naroon ang isang queen size bed. Naroon nga si Marquine. Nakatihaya ng higa. At tila tulog.

Naglakad siya palapit doon at naupo sa gilid ng kama. Tulog na tulog nga ito.

Tumiim ang bagang niya nang maalala ang usapan sa baba kanina. Mukhang set up iyon. Dahil imposible na magbayad ng hotel suite si Marquine dahil ito na rin ang nagsabi na nagtitipid ito. At isa pa ay imposible rin na ito ang mag-initiate para papuntahin sa suite na iyon si Flynn. Maybe to do nasty thing.

Isa lang ang sinisigurado niya. Hindi niya palalampasin ang nangyaring iyon.

Napatingin siya sa may pinto nang mag-unlock ang seradura niyon. Mukhang naroon na si Flynn.

"Isa ka pa," sabi pa niya habang masama ang tingin sa may pinto.


A Love To Last A Lifetime | Published Under LifebooksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon