Chapter 15

9.8K 423 16
                                    

"DI BA, siya 'yong pumunta sa may laboratory last week? Hmmm, if I'm not mistaken."

Napatingin si Markian kay Jayzam nang sikuhin nito si Chase. Wala sana siyang plano na sumabay sa mga ito na kumain ng lunch sa cafeteria. Napakamapilit lang.

Napangiti si Chase. "Ah, si Marquine. Oo siya nga. Tanda mo pa rin?"

Napahinto sa pagnguya si Markian nang marinig ang pangalan na binanggit ni Chase. Humayon ang tingin niya sa tinitingnan ng dalawa. Natanawan niya sa bandang dulo ang dalaga.

"Bakit kilala mo si Marquine?" hindi tumitinging tanong ni Markian kay Chase. Ibinalik niya sa pagkain ang tingin.

"Bestfriend ng kapatid ko si Marquine. Dati bumibisita siya sa bahay. Pero ngayon, ewan ko lang kung bakit hindi na pumupunta sa bahay. Paborito ko pa naman siyang asarin."

Muling dumako ang tingin ni Markian sa kinaroroonan ni Marquine. Sakto naman na napatingin din ito sa dereksiyon niya. Mabilis itong nagbawi ng tingin nang magtama ang mga mata nila. Napangiti siya na mabilis ding nabura dahil sa sunod na sinabi ni Chase.

"Kung 'di lang dahil sa kapatid ko ay matagal ko ng niligawan 'yan."

Napatawa si Jayzam. "Bakit ayaw ng kapatid mo?"

Nagpatuloy sa pagkain si Markian habang tahimik lang na nakikinig. Kunway patay malisya lang siya kahit na ang totoo ay gusto niyang sakalin si Chase dahil sa mga pinagsasabi nito.

"Dahil wala raw akong seneseryosong babae. Saka mas gugustuhin pang magbasa ng libro ni Marquine kaysa sumamang makipag-date sa kahit na sinong lalaki. Imagine, mas mahal pa 'yong mga fictional character sa librong binabasa niya. Weird, ayaw yata niya sa totoong lalaki," napapalatak pang sabi ni Chase.

Naalala niya noong samahan niya si Marquine na bumili ng libro nito. Priceless ang saya sa mga mata nito.

"Ibig sabihin sa ganda niyang iyon ay hindi pa siya nagkakaroon ng boyfriend?"

"Exactly."

"Wow," tila amaze pang bulalas ni Jayzam. "Bibihira 'yong ganyan. Samantalang karamihan ng babae ngayon ay nagbibilang pa ng mga boyfriend."

"Puwede bang kumain na lang kayo?" napalakas pa niyang saway sa dalawa dahilan para magtinginan sa kanila ang ibang kumakain.

"Ikaw, Markian, sino'ng girlfriend mo ngayon?" tila hindi natitinag na tanong ni Chase. Naitikom lang nito ang bibig nang tingnan ito ng masama ni Markian. "Kakain na," nangingiti pa nitong wika bago isinubo ang kapirasong karne sa plato nito.

"Pero marami talagang curious kung sino ang girlfriend ng isa sa top student ng Mori High," nakangisi pang pahabol ni Jayzam bago tinapalan ng pagkain ang sariling bibig.

Hindi na niya pinansin pa ang dalawa at tahimik na lang na kumain. Ito talaga iyong isa sa ayaw niya kaya mas gusto niyang mag-isang kumain. Ang magkaroon ng kasamang maiingay at makukulit.

Tama na iyong isang tao na maingay na kasama. Noisy but kinda cute.


PAGKALABAS ni Marquine sa House of Milk Tea na siyang pinagtatrabahuhan niya ngayon ay saka lang niya nagawang mag-inat ng mga kamay.

Nang mag-apply siya roon ay hindi naman siya nahirapan. Pumayag ang may-ari sa schedule na nais niya. Natutuwa pa si Misis Sol dahil pursigido siyang makahanap ng trabaho kahit nag-aaral pa siya. Mula alas kuwatro ng hapon hanggang alas otso ng gabi ang oras ng trabaho niya.

Nasa Pagbilao Avenue ang House of Milk Tea at isang kanto lang ang layo mula sa HFV Robotic Company.

Matapos mag-inat ng mga kamay ay naglakad na siya papunta sa bus stop kung saan may dumadaang City Bus. Naupo siya sa bench na naroon. Nasa may Monterey Mall pa kasi ang terminal ng jeep papunta sa Middle Town ng Pagbilao City. Mahal naman masyado kung magta-Taxi siya. Hindi katulad sa bus na mura lang ang pamasahe.

A Love To Last A Lifetime | Published Under LifebooksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon