Chapter 08

10.3K 456 32
                                    

NANG TULUYANG magising ang diwa ni Marquine ay hindi naman niya agad magawang maimulat ang mga mata. Medyo nangingirot ang sentido niya. Umangat ang kamay niya at hinilot iyon.

Medyo nanibago siya sa kanyang kinahihigaan dahil ang lambot niyon. Hindi naman ganoon ang kama niya sa tinutuluyan niya.

Oo nga. Malambot ito masyado, sang ayon niya sa kanyang isip.

Unti-unti niyang iminulat ang kanyang mga mata. Heavy curtain ang una niyang nakita. Nangunot ang noo niya. Wala namang ganoon sa apartment niya.

Bigla ang pagkabog ng dibdib niya ng malakas nang ilibot niya ang tingin sa paligid. Mukhang nasa loob siya ng isang hotel suite. Pigil ang paghinga niya nang bumaling siya ng higa sa likuran niya.

Doon na tila tumigil sa pag-inog ang mundo niya nang makita niya ang guwapong mukhang iyon. Payapang natutulog habang nakatagilid ng higa paharap sa kanya.

"M-Markian..." halos anas niya sa pangalan nito.

Ano'ng ginagawa roon ng binata? Bakit magkasama sila nito sa silid na iyon? Baka naman nananaginip lang siya? Muli siyang pumikit at nagbilang ng hanggang sampu sa isip bago uli nagmulat ng mga mata. Ngunit sa muli niyang pagmulat ay naroon pa rin ang binata. Hindi nawala sa paningin niya. Pinisil niya ang pisngi. Masakit iyon.

Lalo yatang sasakit ang ulo niya. Marahan siyang umupo pagkuwan ay sinapo ng dalawang kamay ang kanyang noo. Pilit inaalala ang nangyari kagabi.

Huling mga naaalala niya ay noong nagpaalam siya na pupunta siya sa powder room kina LJ. Pero nagpumilit ang mga ito na samahan siya. Hanggang sa unti-unti ay nakaramdam siya lalo ng pagkahilo.

"Nalasing ba ako kagabi?"

Bahagya siyang umiling. Imposible naman iyon. Ladies drink lang ang ininom niya.

Tanda pa rin niya na sumakay sila sa elevator. At nang mga oras na iyon ay nanlalabo na ang paningin niya. Pagkatapos niyon ay...

Pumikit siya ng mariin. Wala na siyang iba pang maalala.

Nakaramdam siya ng panlalambot dahil wala na siyang iba pang maalala. Muli niyang sinulyapan si Markian. Tulog pa rin ito. Nakasuot na lang ito ng T-shirt nito na kulay dark gray.

Paano ito nakarating doon? At bakit sila nito magkasama sa lugar na iyon? Maraming tanong sa isip niya at parang mababaliw yata siya kung hindi niya makakausap si Markian.

Muli siyang kumilos. Pero sa pagkiskisan ng binti niya ay may kakaiba siyang naramdaman sa pagitan ng mga hita niya. Parang may kulang...

Mabilis niya iyong kinapa.

Ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata niya nang hindi niya makapa ang suot na panty o kahit ang suot niyang itim na cycling short. May nangyari ba sa kanila ni Markian? Umawang ang mga labi niya sa isiping iyon.

"Imposible,' mabilis niyang kontra bago ipinilig ang ulo.

Hindi naman nananakit ang kahit na anong parte ng katawan niya lalo na sa ibabang parte niyon.

Sa pagkakaalam niya, sa unang karanasan ng isang babae sa mga nababasa niyang pocketbook, lahat ng mga iyon ay masakit ang pagkababae. Wala namang masakit sa kanya maliban sa medyo nangingirot niyang sentido.

"Pero nasaan ang undies ko?" she almost cried.

Nanginginig pa at nanlalambot ang kanyang mga tuhod noong bumaba siya sa kama. Maingat ang mga naging kilos niya habang hinahalughog ang suite. Umaasa na makita ang panloob niya. Pero bigo siya.

Tila nauupos na kandila na naupo siya sa sahig malapit sa kinahihigaan ni Markian. Mangiyak-ngiyak na tinitigan niya ang likod ng binata.

Ano'ng nangyari kagabi?

Nasa ganoon siyang tagpo ng kumilos ang katawan ni Markian. Pupungas-pungas nang magmulat ng mga mata. At nang makita na wala siya sa kama ay tuluyan na itong bumangon mula sa pagkakahiga.

"Markian," naluluha na niyang bulalas sa pangalan nito nang lumingon ito sa kinaroroonan niya.


MABILIS NA bumaba sa kama si Markian para dulugan si Marquine na nakalugmok ng upo sa sahig. Mangiyak-ngiyak ang hitsura nito kaya ganoon na lang ang kaba sa dibdib niya.

"Ano'ng nangyari?"

Kumibot ang labi nito. "Ako ang dapat magtanong niyan. Ano ang nangyari? Bakit ganito? Bakit nandito tayo?" naguguluhan nitong tanong.

Bumuntong-hininga siya. Mukhang wala itong alam sa nangayari kagabi. Mataman niya itong pinagmasdan. "Wala ka bang natatandaan?"

Umiling ito. "Maliban sa uminom ako kagabi ng ladies drink na pinainom ng mga kasamahan kong SA at samahan nila ako sa CR... wala na akong iba pang maalala. Sobrang nahihilo na 'yong pakiramdam ko noon." Tinitigan siya ni Marquine. "'Di ba, wala namang nalalasing sa isang basong ladies drink lang?"

"Wala. Unless may nilagay sila sa inumin mo para mahilo ka ng ganoon at makatulog."

Nagbaba ito ng tingin. "Kung ganoon, baka sila ang nagdala sa akin dito. Tanda ko rin kasi na sumakay kami ng elevator. Pagkatapos noon, wala na talaga akong iba pang maalala. Pero bakit nandito ka rin?" anito na muling nag-angat ng mukha.

Sasabihin ba niya? Sa isip ay napailing siya. "You owe me a lot last night," sabi na lang niya. Aalalayan sana niya si Marquine sa pagtayo ngunit tinabig nito ang kamay niya.

"M-May ginawa ka ba sa akin k-kagabi?" hindi kumukurap nitong tanong. Halos pigil din ang paghinga.

Sandali siyang natigilan sa klase ng tanong nito. Hindi niya alam kung matatawa ba siya o ano.

"Wala," tanggi niya. "May problema ba?"

Nang tumango ito ay ganoon na lang ang pagtiim ng bagang niya. Muli siyang nag-squat sa tabi ni Marquine. Nahuli ba siya ng dating kagabi?

"Ano'ng problema?"

Malilintikan talaga sa kanya ang mga kasama nito kagabi kapag may iba pang nangyari kay Marquine.

Nanatiling tikom ang mga labi ni Marquine na bahagyang nanginginig. Unti-unti itong nagbaba ng tingin.

"Marquine, hindi ako manghuhula. Ano'ng nangyari?"

"S-Sigurado ka ba na..." napalunok ito. "Na wala kang... wala kang ginawa kagabi?"

"God knows na wala, Marquine."

"Kung wala, bakit wala 'yong underwear ko?!"

That make him stun for a couple of seconds. Tila naglo-loading pa kung ano man iyong sinabi ni Marquine sa kanya.

"Pardon?" tanong niya para makasigurado na tama ang narinig niya. Namumula na ang pisngi ni Marquine at hindi na rin magawang tingnan siya sa mga mata.

"'Y-Yong underwear ko nawawala," animo hiyang-hiya nitong sabi na isinubsob ang mukha sa dalawang kamay.

Nang makahuma ay bahagya siyang nagbuga ng hangin. Akala naman niya ay kung ano na ang nangyari.

"'Yong undies mo lang ba ang problema mo? Walang," tumikhim siya. "Walang ibang masakit sa iyo?"

"Wala. 'Y-Yon lang."

Tinapik niya ito sa balikat. "Kumalma ka dahil hindi ko kinuha o pinag-interesan. Hindi naman kasya sa akin 'yon para itago ko." Tumayo na siya.

"Kung wala sa iyo. Bakit... bakit wala dito sa buong suite?"

"Hindi ko rin alam. Siguro may alam 'yong mga kasama mo kagabi. Anyways, bababa ako para bilhan ka kung hindi ka kumportable na wala iyon."


NASUNDAN na lang ni Marquine ng tingin si Markian nang hayunin nito ang pinto ng suite.

Tuluyan ng pumatak ang luhang kanina pa niya pinipigilan.

Bakit sa mga ganitong alanganing pagkakataon ng buhay niya ay palaging naroon si Markian para tulungan siya?

Para itong si Doraemon na handang tumulong sa kaibigang si Nobita. Napahikbi siyang lalo nang maalala ang paborito niyang cartoon character na si Doraemon.


A Love To Last A Lifetime | Published Under LifebooksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon