Chapter 13

9.7K 425 12
                                    

"SAAN mo planong mag-part time job? May nahanap ka na ba?"

Mula sa binabasa ay umangat ag tingin ni Marquine kay Meah. Katatapos lang nilang kumain ng tanghalian sa Cafeteria ng Mori High. Dalawang linggo na rin ang matuling na lumipas matapos magbukas ang klase sa Mori High University.

"Wala pa, Meah."

"Katulad ng sabi mo masyadong matrabaho kapag sa fast food ka mag-a-apply. Kita ko naman sa mga crew kapag kumakain ako sa fast food chain. Parang ang hirap ng trabaho nila. Tho, wala naman talagang trabahong madali. Kung sa cafe ka na lang kaya mag-apply? 'Yong chill lang ang mga customer at hindi nagmamadali."

Napaisip siya sa sinabi ng kaibigan.

"Four hours lang naman ang tatrabahuhin mo kung sakali. Katumbas ng half day salary. Dito ka na sa main City para mataas ang rate. Saka puwede ka pang magkaroon ng tip. How about, Pagbilao Avenue? Maghanap tayo doon ng Cafe o kahit Coffee Shop. Shop na fit sa oras mo."

Alas tres y media ang labas niya sa university. Maaari siyang mag-umpisa ng trabaho mula alas kuwatro hanggang alas otso ng gabi. May oras pa siya para gumawa ng assignment o project niya kung sakali. Time management lang talaga ang kailangan niya.

"Sige sa weekend samahan mo akong maghanap," sang-ayon niya kay Meah.

"Great!"

"Meah!"

Parehas silang napalingon ni Meah. Palapit si Abi.

"Bakit ngayon ka lang? Kanina pa kita hinihintay," sita rito ni Meah.

"Nag-retouch pa kasi ako. Tara?"

"May pupuntahan kayo?" Wala namang nabanggit si Meah sa kanya.

Tumango ang dalawa. "Yes. Ngayon kasing Lunes ang start ng klase ng ini-stalk namin. Sama ka, Marquine? Para naman hindi puro fictional character lang ang guwapo sa paningin mo. Hello! Marami rin naman dito sa Mori High at totoong humihinga sila sa mundo."

"Hindi na. Magbabasa na lang ako," tanggi niya.

"For petes sake, Marquine. Get out on your shell. See? Twenty ka na pero kahit boyfriend ay hindi ka pa nagkakaroon. Kahit yata puppy love or crushes ay wala ka dahil mas mahal mo 'yang mga bida sa libro na binabasa mo." Inagaw ni Meah ang binabasa niya at sinilid sa bag pack niya. "Sumama ka sa amin. At wala kang karapatang tumanggi."

"Meah naman!" angal niya ng hilahin siya nito at hindi pakawalan ang braso niya. Natatawa na lang si Abi habang nakasunod sa kanila.

Humantong sila sa Physics Department na may sampung palapag. Iyon ang pugad ng mga future scientist ng Mori High University. At sobrang exclusive ng building na iyon. May malaking laboratory iyon na di basta-basta ang mga equipment para sa ginagawang research.

"Ano'ng ginagawa natin dito?" taka pa niyang tanong.

"May hahanapin," sagot ni Meah na hawak pa rin siya sa braso niya. "Saan bang floor, Abi?"

"Sa fourth floor ang pagkakaalam ko."

Nagpatianod na lang siya sa dalawa. Nang makarating sila sa fourth floor ng naturang building ay napapailing na lang si Marquine sa palitan ng usapan nina Meah at Abi. Sa totoo lang ay hindi siya maka-relate. Maraming code name ng crush ng dalawa na nabanggit.

Napasunod ang tingin ni Marquine sa grupo ng mga kalalakihan na mga nakasuot ng laboratory gown na kulay puti. Ang cool tingnan. Parang ang tatalino talaga ng mga estudyante sa building na iyon.

"Dito tayo, Marquine," untag sa kanya ni Meah. Hinila siya nito sa isang palikong pasilyo.

"Ano ba'ng gagawin natin dito?"

A Love To Last A Lifetime | Published Under LifebooksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon