Chapter 09

10.2K 456 11
                                    

"MARKIAN, sandali," pigil ni Marquine sa braso ni Markian nang akmang bubuksan na nito ang pinto ng suite. Paalis na sila ng mga sandaling iyon.

Bukod sa binili nitong underwear niya ay may dala rin itong pagkain na siyang inalmusal nila sa suite.

"Bakit?" anito nang humarap sa kanya.

Bumuntong-hininga siya. "Sa totoo lang hindi ako matatahimik hanggat hindi ko alam kung ano ang nangyari kagabi sa akin. Please, Markian, sabihin mo na sa akin kung ano ang alam mo," nagsusumamong pakiusap ni Marquine sa binata. Baka mabaliw pa siya kaiisip kung ano nga ba ang nangyari kagabi.

"Ang mahalaga ay safe ka. Kalimutan mo na 'yong nangyari."

Umiling siya. "Kailangan kong malaman dahil hindi ako matatahimik. Dahil kahit ano'ng pigil ko, isang malaking katanungan pa rin sa isip ko 'yong nangyari kagabi."

Nagpakawala ng isang buntong-hininga si Markian. Sandaling katahimikan ang namagitan bago ito muling nagsalita. "Siguradong nilagyan ng mga kasama mo kagabi ng pampatulog ang ininom mong ladies drink. Kaya nakaramdam ka ng pagkahilo," simula ni Markian bago ikinuwento kung ano ang narinig nitong usapan nina LJ kasama si Flynn at ang ginawa nitong pagpunta sa kinaroroonan niyang suite para hindi matuloy ang masamang balak nina LJ para ipahamak siya. "Totoo lahat ng narinig mo," pagtatapos ni Markian sa pagkukuwento nito. "Kung nagising ka man na magkatabi tayo sa iisang kama, walang malisya roon. Hindi naman kita puwedeng iwan na lang dito. Nakatulog ako dahil na rin sa pagod at iyon lang iyon. Hindi ako nag-take advantage at wala akong pinakialaman sa iyo o sa katawan mo. Lalo na 'yong underwear mo. So that's it. Puwede na ba tayong umuwi?"

Dahil sa mga narinig ay halos ma-speechless si Marquine. Hindi makapaniwala na magagawa iyon sa kanya ng tatlong babae. Wala naman siyang ginagawang masama sa mga ito.

Paano kung hindi dumating si Markian? Baka kung ano na ang nagawa ni Flynn sa kanya na nabilog nina LJ ang ulo.

Hanggang sa makasakay sa kotse ni Markian ay tulala at wala pa ring imik si Marquine. Bagay na ipinag-alala ni Markian.

"Say something, Marquine," anito na umupo paharap sa kanya.

Lumunok muna siya upang alisin ang tila bara sa kanyang lalamunan. "Iniisip ko kung ano ang nagawa kong mali sa kanila para pagplanuhan nila ako ng masama."

"Mga taong inggit sa kapuwa lang ang nakakagawa ng ganoon."

Inggit? Bakit naman maiinggit sa kanya ang tatlo? Ni hindi nga siya kinakausap ng mga ito sa trabaho na tila may sariling mga mundo.

"Bakit naman sila maiinggit sa akin?"

"Sa lahat ng SA sa Accounting Department ay ikaw ang pinaka-nagugustuhan ni Miss De Guzman ang trabaho. Siguro ay isa 'yon sa dahilan."

Isinandig niya sa headrest ng passenger seat ang kanyang ulo at napatingin sa may unahan. "Sisirain nila ang buhay ko ng dahil lang doon?" Mariin siyang pumikit. Pasalamat ang mga ito dahil hindi siya marunong gumanti sa kapuwa ng kasamaan. Ipagpapasa-Diyos na lamang niya ang mga ito.

God sees the truth but waits.

Bahala na ang Diyos sa mga ito.

"Paano na lang kung wala ka kagabi?" Nakagat ni Marquine ang ibabang-labi pagkasabi niyon. Hayon at uminit na naman ang bawat sulok ng kanyang mga mata.

Hindi agad makapagsalita si Markian. Tumiim ang labi nito.

"Ihahatid na muna kita. May kailangan pa akong asikasuhin ngayong araw," ani Markian nang muli itong magsalita.

"Salamat," nakapikit pa rin niyang sabi.

"Hindi mo kailangang magpasalamat. Idadagdag ko na lang sa utang mo sa akin."

Doon na napamulat si Marquine. Animo umurong ang luha niya sa sinabi nito. Napatingin siya kay Markian na nakatutok na ang mga mata sa daan habang nagmamaneho. Hindi nakaligtas sa kanyang paningin ang munting ngiti sa mga mata nito.

Bakit mukhang seryoso ito sa pag-iipon ng kuno utang niya rito?

"Utang na loob?" bulalas niya.

"Hindi."

"Saka ka na maningil kapag mapera na ako."

"Marami akong pera kaya hindi ko kailangan 'yon."

"Kung ganoon ano naman ang ibabayad ko sa iyo?"

Sandali siya nitong sinulyapan. "Actually, hindi ko pa rin alam."

Hindi niya maiwasan na hindi mapangiti. Unang ngiti niya para sa araw na iyon. Salamat sa lalaking kasama niya ngayon. Ni hindi siya nito iniwan sa alanganing sitwasyon.

Nang makarating sa tinitirhan niyang apartment ay hindi na niya pinababa pa si Markian sa sasakyan nito.

"Salamat sa lahat. Ingat pag-uwi," nginitian niya ito. A genuine one.

"Kalimutan mo na 'yong nangyari kagabi. Ang mahalaga ay okay ka. Don't stress yourself too much."

Tinanguan niya ito. "Salamat sa concern."

"One more 'thank you' from you and I will shut your mouth," seryoso nitong saad. "Dare?"

Napakurap siya sa sinabi nito lalo na ng sulyapan nito ang labi niya bago ibinalik sa mga mata niya ang tingin. Seryoso ba ito? Kumabog ng husto ang puso niya nang muling magtama ang mga mata nila. Bakit pakiramdam niya pati pag-inog ng mundo niya ay huminto nang mga sandaling iyon? Ramdam din kaya iyon ni Markian? O, siya lang ang nakakaramdam? Weird.

Siya ang unang nagbawi ng tingin. Malakas pa rin ang kabog sa dibdib niya.

Tumikhim si Markian ng makahuma. Mabilis itong bumaba ng kotse nito para pagbuksan siya ng pinto kahit na sinabi niya rito kanina na 'wag ng bumaba pa.

Nang makababa ay nirendahan na niya ang sarili na magpasalamat dito.

"Ingat ka," sabi na lang niya bago hinayon ang gate ng apartment. Nilingon niya ang kinaroroonan ni Markian. Pasakay na uli ito sa kotse nito nang kawayan niya.

Tinanguan lang siya nito bago ito tuluyang sumakay sa loob ng kotse nito.

Napangiti siya pagkapasok sa may gate. Sinong mag-aakala na matapos ang nangyari sa airport almost two moths ago ay magiging malapit sila ni Markian?


A Love To Last A Lifetime | Published Under LifebooksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon