Chapter 06

11.3K 466 18
                                    

PUTING dress na umabot hanggang sa may tuhod ni Marquine ang suot niya nang gabing iyon para sa anibersaryo ng HFV. May flower print din iyon na kulay itim.

Nakalugay ang kanyang buhok na medyo kinulot niya ng malalaki. May manipis din siyang bangs na nagdagdag lalo sa kanyang ganda ng gabing iyon. Light lang din ang make-up sa mukha niya. Sabi nga ng mga make-up vlogger sa YouTube, no make-up look ang peg niya. Fresh lang.

Kung hindi lang sa pamimilit ni Ma'am Lauraida ay hindi siya a-attend ng naturang party.

Sa Nagusami Hotel sa Pagbilao City ginanap ang anibersaryo ng HFV. Sakto lang din ng dumating siya roon. Bago pa lang magsisimula ang party. Una niyang hinanap ay ang mga ka-department niya. Nasa bandang gitna nakapuwesto ang mga taga-accounting department.

"Hi, Marquine," ngiting-ngiti pa nang kinawayan siya ni Mary Jhoy, isa sa palaging kasama ni LJ.

Sa isip ay nagtaka siya dahil animo napaka-friendly ng approach ng mga ito sa kanya na napaka-unusual kung tutuusin. Ganoon pa man ay gumanti siya ng ngiti sa tatlo.

"Hi."

"Dito ka na maupo," iminuwestra pa ni Hannielyn ang bakanteng upuan sa tabi nito.

"Oo nga. Para naman maka-jamming ka pa namin," segunda ni LJ.

Bahagyang ipinilig ni Marquine ang ulo nang maalala ang sadyang pananapid sa kanya ni LJ sa canteen noong isang linggo. Baka naman totoo ang ipinapakita ng mga ito sa kanya ngayon? Ipinagkibit-balikat na lang niya iyon at naupo sa tabi ni Hannielyn.

"Close ba kayo ni Sir Markian Vega?" biglang bulong sa kanya ni Mary Jhoy na nasa kaliwa niya.

"Hindi," aniya ng balingan ito. Hindi naman talaga sila close ng binata.

Huling pagkikita pa nila ay sa may Narras Park kung saan sinamahan siya nito hanggang sa maging okay ang pakiramdam niya. Matapos niyon ay hindi pa niya uli ito nakikita sa kumpanya ng mga ito.

"Talaga lang, ha?" ani LJ.

"H-Hindi naman talaga."

"Eh, si Flynn?" muling tanong ni Mary Jhoy.

Umiling si Marquine. Hindi pa niya nakakausap si Flynn dahil na rin sa banta ni Markian.

Lihim na nagpalitan ng tingin ang tatlo. Tahimik lang si Marquine na kinuha ang baso na may lamang tubig at uminom ng kaunti.

Hindi rin naman nagtagal at nagsimula na rin ang party. Tahimik lang siya habang nakikinig sa speech ng Presidente ng kumpanya. Nagbalik tanaw rin ito kung paano nagsimula ang HFV Robotic Company at kung paano ito nakipag-kompitensiya sa malalaki ring kumpanya sa Asya.

"Ang suwerte ng mapapangasawa ng anak ng Presidente. For sure, buhay reyna 'yon parang asawa ni President Hans." Nag-dreamy sigh pa si LJ.

Napasulyap si Marquine sa kanyang sling bag nang mag-vibrate ang kanyang cellphone. Pasimple niyang sinilip sa loob niyon kung sino ang nag-text.

Bakit kasama mo ang mga 'yan?

Napakunot ang noo ni Marquine. Message iyon galing sa numerong ginamit ni Markian pang-text sa kanya. Napasulyap siya kina LJ na tutok ang mga mata sa unahan. Ang mga ito siguro ang tinutukoy ni Markian.

Pasimple niyang inilibot ang paningin sa paligid. Maraming tao. Hindi niya makita kung nasaan si Markian. Medyo madilim din ang paligid dahil nasa unahan ang mga nakabukas na ilaw. Naka-highlight sa mga taong nagbibigay ng speech.

Sumandal siya sa kinauupuang bangko at bahagyang napangiti. Naroon si Markian at nakikita siya nito nang mga sandaling iyon. At ang kaalamang iyon ay nagdudulot ng kakaibang kilabot sa katawan niya. Lalo siyang nakaramdam ng lamig.

A Love To Last A Lifetime | Published Under LifebooksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon