Chapter 19

9.4K 381 10
                                    

NASUNDAN ni Chase ng tingin si Markian habang nakaawang ang bibig.

"Bakit parang galit sa mundo ang isang 'yon?" usisa pa ni Chase kay Jayzam.

Nagkibit-balikat si Jayzam. "Ilang araw na 'yang ganyan. Hindi malapitan. Titingin pa lang sa iyo, mapapalayo ka na. Daig pa ang may pinagdadaanan."

Kumunot ang noo ni Chase. "Pinagdadaanan? Baka may problema sa pamilya nila? Imposible naman na ma-broken hearted 'yan, eh, wala namang nababalita na may girlfriend 'yan."

Pinagmasdan ni Chase si Markian na abala ngayon sa pagsilip sa microscope. Nilapitan ni Germaine si Markian pero hindi pinansin ang dalaga.

"Hmmm. Ano kaya ang nangyari diyan?"

"Pansin ko kay Germaine, interesado rin 'yan kay Markian. Pero ni minsan hindi man lang sinakyan ni Markian ang team up sa kanilang dalawa." Napaisip si Jayzam habang hinihimas-himas ang baba. "Hmmm. Baka naman may girlfriend 'yan hindi lang showy sa public?"

"Right all eyes si Germaine kay Markian. Hindi nga pinapansin ang pagpapa-cute ko." Humalukipkip si Chase. "Nakaka-curious din talaga 'yang si Markian."

"Curiosity kill," biro pa ni Jayzam na lumapit na sa kinaroroonan ni Markian.

Sumunod na rin dito si Chase. Pinagmasdan ni Chase si Markian na seryoso lang ang mukha. Sanay naman sila na hindi ito ngumingiti sa kanila. Pero kakaiba lang talaga ito nang mga lumipas na araw.

"May problema ka ba sa family mo?" hindi napigilang itanong ni Chase kay Markian.

"Wala."

"Kung ano mang problema mo 'wag mong dalhin dito sa school. Nadadamay kaming mga ka-grupo mo."

Itinigil ni Markian ang ginagawa at sinulyapan si Chase na medyo napalunok pa.

"Nakakailang ka kasing lapitan," mabilis na dagdag ni Chase. "Kalimutan mo na nga 'yong sinabi ko. Back to experiment, Jayzam."


NAPAHINTO sa paglalakad si Marquine nang makasalubong si Germaine na tulad niya ay huminto rin sa paglalakad.

"Can I talk to you?" walang ligoy nitong tanong sa kanya.

Binalingan niya si Meah na kasama niya nang mga sandaling iyon. Pupunta sana sila sa susunod nilang klase. "Mauna ka na sa room. Susunod ako."

Tumango si Meah. "Sige."

Nang makalayo si Meah ay muli niyang hinarap si Germaine. "Ano'ng kailangan mo?"

"May relasyon ba kayo ni Markian?"

Kumunot ang noo niya. Bakit kailangan nitong itanong iyon? Gusto tuloy niyang tumawa ng pagak.

"Wala kaming relasyon."

"Alam kong ikaw ang kausap niya sa cellphone noon. Dahil nakita kita sa labas ng department namin habang may kausap din sa cellphone. At nakatingin siya sa dereksiyon mo habang nagsasalita. Kaya hindi mo puwedeng itanggi na hindi kayo related sa isa't isa."

"Pero hindi ibig sabihin niyon ay may relasyon kami," sansala niya sa gusto pa nitong sabihin. "Ano ba'ng gusto mong malaman? May klase pa ako."

"May gusto ka ba kay Markian?"

Mataman niya itong pinagmasdan. Maging ang puso niya ay mabilis na tumanggi sa tanong nito. "Wala." Wala naman talaga siyang gusto kay Markian. Dahil hindi lang pagkagusto ang nararamdaman niya para dito. Alam niya na mas malalim pa sa salitang 'gusto'. "Maiwan na kita," aniya bago ito nilampasan.

A Love To Last A Lifetime | Published Under LifebooksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon