Chapter 17

9.6K 446 15
                                    

KATATAPOS lang magsampay ni Marquine ng mga nilabhan niyang mga damit niya nang makarinig ng mga katok sa pinto ng apartment niya. Araw iyon ng linggo at wala siyang pasok sa House of Milk Tea. Nakalaan kasi ang araw na iyon para sa paglalaba niya ng mga damit niya. General cleaning na rin niya sa apartment.

Naka-bun ang buhok niya pero may mga hibla ng buhok niya na nakalaglag na. Maluwang na baby pink na over size t-shirt ang suot niya na umabot hanggang sa may tuhod niya.

Pagbukas niya sa pinto ay muli niya iyong naisara nang makita ang fresh na fresh na si Markian. Naamoy niya ang sarili. Hindi naman siya amoy pawis o ano pa man pero bigla siyang na-conscious sa hitsura niya.

Muling kumatok si Markian. Ni hindi man lang ito nag-abeso na pupunta doon ngayon. Huminga muna siya ng malalim at kinalma ang naghuhurumintadong puso bago binuksan ang pinto.

"Ano'ng ginagawa mo rito?" tanong niya na hindi niluluwagan ang pagkakabukas sa pinto.

Itinaas nito ang dalang dalawang eco bag. "Kakain."

Bigla ay umalingasaw ang mabangong aroma ng pagkain na dala nito. Sinaway niya sa isip ang tiyan na mag-behave lalo na at nagkape lang siya kaninang umaga pagkagising niya.

"Hindi mo ba ako papapasukin sa loob?"

Sinulyapan niya ang loob ng apartment niya. May hugasin pa sa lababo. Hindi pa rin siya nakakapagwalis,

"Hindi pa ako nakakapaglinis sa loob. Katatapos ko lang kasing maglaba. Kaya—"

"Whatever," anito na bahagyang itinulak pabukas ang pinto kaya napaatras si Marquine. Pumasok na ito sa loob.

Maang na sinundan ito ni Marquine ng tingin. Ipinatong ni Markian sa may mesita ang dala nitong eco bag bago naupo sa may sofa. Kakain lang ito at talagang doon pa sa apartment niya? O baka naman dahilan lang nito iyon para makita siya?

Sige lang, Marquine, mangarap ka lang, kantiyaw ng kanyang isipan.

Isinara na lamang niya ang pinto. Binuksan din niya ang bintana bago itinutok dito ang electricfan. Naupo siya medyo malayo kay Markian. Hindi siya kumportable na lumapit dito dahil pakiramdam niya ay nanlilimahid siya kahit hindi naman.

Hindi niya mapigilan ang sarili na hindi ito pagmasdan habang inilalabas nito ang pagkaing dala nito. Napakaguwapo talaga nito. Iyong tipong parang isang aparisyon na kapag kumurap siya ay maaaring mawala ito anumang sandali.

Katulad ng gusto ni Markian ay sinusundo siya nito sa gabi sa House of Milk Tea at inihahatid pauwi. Parang routine na nito iyon. Kahit tutulan niya ay hindi naman siya manalo rito.

"Treat kita mamayang dinner," bigla ay bulalas niya.

Napatingin ito sa kanya. "Bakit?"

Nginitian niya ito. "Nakuha ko na 'yong huling sahod ko sa company ninyo."

"No need. Idagdag mo na lang sa allowance mo."

Sinimangutan niya ito. "Minsan lang akong manlibre." Ang dami-dami na nitong nagawang pabor sa kanya. At gusto niya na kahit sa simpleng dinner lang ay makabawi siya rito.

"Kumain na tayo habang mainit pa itong mga pagkain," sa halip ay wika nito. Nang hindi kumibo si Marquine ay hinarap siya ni Markian. "May pupuntahan ako mamayang hapon kaya hindi rin tayo makakapag-dinner ng sabay."

"Saan?"

"May research kami."

Gusto niyang itanong kung kasama ba nito si Germaine sa group research nito... ngunit wala naman siyang lakas para isatinig iyon.

A Love To Last A Lifetime | Published Under LifebooksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon