Kinahapunan na isipan ni mitch na pumunta sa private attorney nila para magpatulong kong ano ang dapat niyang gawin sa nangyari sa kanila ni ced. Si deanna naman ay nagpasya na pumunta sa hospital. Nakita niya si jema na wala nang dextrose at naglalalakad lakad na. Bigla namang may kumatok sa pintuan kaya binuksan ito ni deanna na kita niya si doricel kaya di niya napigilan na masuntok ito dahil sa ginawa nito kay jema.
Deanna : walang hiya ka, kapal din ng mukha mo at nagpakita ka pa dito ah.
Doricel: at sino ka naman para gawin yun sa akin? Diba nga iniwan mo siya kaya wala ka nang pakialam sa kanya.
Deanna : so ikaw pa talaga may lakas ng loob magsabi niyan? Bakit ka magpapakita sa kanya para ba saktan mo ulit siya huh? Alam mo praning ka rin eh no? Ayusin mo yang sarili mo kung ayaw mong ipapakulong kita ulit.
Doricel: di pa tayo tapos deanna wong.
Deanna : ang lakas mo rin magbanta ah, kung gusto mong taposin na to ngayon na. Akala mo natatakot ako sayo. Pwes dapat ikaw ang kailangan na matakot.
Jema: dean sino ba siya? At tsaka tatawag na tayo ng police para makulong na yan.
Deanna : ano huh?Umalis nalang si doricel at isinara naman ni deanna ang pinto.
Jema : sinoba yun dean.?
Deanna: siya yung nanakit sayo noon kaya ka nandito sa hospotal. Naging magsyota kayo. Pero palagi ka niyang sinasaktan pati si baby jedean.
Jema : eh bakot di ko siya hiniwalayan?
Deanna : di mo siya hinawalayan dahil malaki ang naging utang ng pamilya niyo sa pamilya niya. Kaya kahit na naghihirap ka at sinasaktan ka niya, at kahit na anong sabihin namin sayo na iwan na siya di mo siya kayang iwan dahil sa utang na nakakabit sayo. Pero nabayaran na namin yun lahat na mitch kaya di na siya kaylan man makakalapit sa iyo.
Jema : ganun ba karami ang nakalimutan ko? Nakakahiya naman sa inyo ni mitch kung kayo pala nagbayad sa mga utang namin.
Deanna : jem kahit na naghiwalay tayo reponsibilidad ko kayo ng pamilya mo. At tsaka kahit na papano ay di namin kaya makita ka na naghihirap. Kung nalaman lang namin ng maaga di sana darating sa ganito na kailangan ka pang masaktan.
Jema : dean, nasaan ba si mitch? Di na siya pumupunta rito ah, galit ba siya sa akin?
Deanna: hindi naman sa ganun. May problema silang dalawa ni ced.
Jema: huh? Anong problema nila?
Deanna : naaalala mo ba si tots?
Jema: wala akong maalala na tots, sino ba yang tots na yan?
Deanna: si tots ang exgf ni ced. Nagkahiwalay sila noon dahil ipinakasal si tots sa iba. At ngayon na wala na ang pamilya ni tots at naaccidente din ang asawa ni tots bumalik siya rito sa pinas dahil gusto niyang balikan si ced.
Jema : ngayon ba laging magkasama sina tots at ced?
Deanna : simula nong bumalik si tots dito sa pinas lagi ng nagkikita si ced at tots at kagabi nakita namin dun mismo sa bahay ni mitch na naghahalikan sina ced at tots, kanina ding umaga sinundan namin sila ni mitch nagtungo sila sa condo na pag-aari namin ni mitch at may ginagawang kalaswaan ang dalawa kaya di na nakapagtimpi si mitch at sinuntok niya si tots. Pero mas kinakampihan pa ni ced si tots, dahil nagsasawa na daw siya kay mitch.
Jema : anong gagawin ngayon ni mitch?
Deanna: sa tingin ko makikipag-annul si mitch, at kukunin niya lahat ng share niya at sa pamilya niya sa business nila. Malaki ang naging share ng pamilya tan sa mga domingo. Kaya malamang maghihirap sila pagnawala ang share nina mitch sa pamilya nina ced.
Jema : kung ganun eh, maghihirap si ced dahil sa ginawa niyang pangloloko ni mitch?
Deanna : oo ganun na nga. At tsaka di ko pala nasabi sayo na may share ka pa pala sa mga negosyo namin huh. Kahit na naghiwalay tayo di ko tinanggal ang share mo sa amin jem. Kaya yung ibinayad namin sa utang niyo sayo yun di yun sa amin ni mitch.
Jema : akala ko wala na akong share sa mga negosyo niyo eh.
Deanna : di namin yun magagawa, sabi kasi ni mitch sa akin na kahit magkahiwalay daw tayo di niya daw ibabalik sa iyo yung share mo para magamit mo rin yun pagkailangan mo.
Jema: iba din to mag-isip si mitch eh. Tayka lang, may share din ba si mitch sa pag-aari nang pamilya nina ced sa Airport.?
Deanna : oo malaki share niya dun kasi dumaan kasi sa pagkabagsak ang negosyo na yun nina ced. Kaya nag-invest si mitch ng 75% sa negosyo na yun. Halos si mitch ang nag papabangon sa mga negosyo nila, kaya malapit si mitch sa pamilya ni ced dahil malaki ang naitulong nito sa kanila. Kaya pagdarating ang araw na kukunin na ni mitch ang kanyang share sa mga negosyo ng mga domingo sa malamang ay babagsak lahat ito.
Jema : eh kung ganun pala sana pala di nalang nagloko si ced.
Deanna : sabi kasi ni ced nagsasawa na daw siya kay mitch eh. Ang tangi lang namang naibigay ni mitch ay yung pagmamahal na kailangan ni ced at anak niya. Alaga., lahat na yata binigay ni mitch kaya lang nagsawa si ced kaya bumalik siya ni tots.
Jema : kawawa naman yung kaibigan natin. Malaki pala ang problema. Dean diba makakalabas na ako.?
Deanna : oo, bakit?
Jema: gusto ko nang lumabas para matulungan natin si mitch.
Deanna : eh kung ganun dito ka muna magbabayad lang ako sa hospital bill mo tapos lalabas na tayo.
BINABASA MO ANG
Rest of My Life (book 2)
Fiksi PenggemarSana po maenjoy ninyo ang pagbabasa nito.. God bless po sa inyo..