CHAPTER 27

2.5K 138 8
                                    



KUYA

NASH's POV

Masaya si Stanley ng magkita kami kanina sa cafeteria, simula nong kahapon lagi na lang syang nakangiti. Mababase mo din sa itchura nya na unti-unti ng nakakalimot sa nakaraan, not her mom of course. Ito ang gusto ko para sa kanya yong lagi lang syang masaya, para ko na siyang kapatid kung ituring.

"Kindly say your opinion in my question. Anong masasabi mo kung may taong mahalaga na nagkasala sayo may ginawang bagay na hindi mo gusto at nasaktan ka ng sobra, mapapatawad mo ba sya? What is your answer with that Mr.Villigas?..." tumingin si Ms. Faith sa pwesto ni Silver.

"No..." deretcho nyang sagot.

Hinintay namin ang explinasyon nya at hindi naman kami nabigo ng magsalita na siya.

"Kung alam nyang masasaktan ka bakit parin niya ginawa..." sabi nya tyaka umupo.

Ramdam kong may ibig sabihin yon..... Stanley.

I raise my right hand to protest on his answer.

"Yes Ms. Ortega..."---Ms. Faith.

Lahat ng atensyon ay nasa akin. Naghihintay ang bawat isa sa isasagot ko. Tumayo ako tyaka nagsalita ng sarili kong opinyon.

"Everyone deserves second chance. Gaano man kaliit o kalaki ang kasalanan niya. Kung makikita ang pagsisisi sa kanyang mata, kung ipinapakita o ginagawa na nagsisisi sya. Pero sigurado ka bang sya ang gumawa, may proweba ka ba na siyang gumawa? Kung naghihirap ka dahil sa sakit na binigay niya, sa tingin mo anong nararamdaman niya. Sakit, sakit na dinanas mo rin. Kung ikaw nasaktan lalo na siya, lalo na kung hindi naman niya ginusto na saktan ka. Ang tanong siya ba ang gumawa?..."bhuminga ako ng malalim tyaka tumuloy sa aking sasabihin.

"Mapanlinlang ang mga mata. Akala mo totoo ang mga nakikita mo, paano kong hindi talaga sya gumawa ng bagay na yon para saktan ka. Lahat ng bagay na nakikita natin may rason mali man o tama. Kung mahalaga siya bakit hindi mo subukang kausapin tanungin kung ano ang totoo. Hindi yong ang bilis mo siyang husgaan. Malaman mo ang katotohanang hindi nya sinandya, hindi niya gustong saktan ka. Lagi na lang kasing galit at pagkamunghi ang inuuna, pwede bang pakibabaan ang pride na kausapin siya. Hindi natin alam sa mga oras na to umiiyak sila dahil sa kasalanang yun na di tiyak kung ginusto. Hindi natin alam sa mga oras na to nasasaktan sila na balikan ang mga alalang dapat ng kalimutan. Hindi natin alam na sa mga oras na to maari na silang sumuko sa paniniwalang may pagkakataon pa para mapatawad niyo sila..." kusa na lang tumulo ang mga luhang kanina pa nagbabadya.

Ang sakit, sobrang sakit na sa mga oras na to at sa mga susunod pang oras mararamdaman nya ang sakit at ala-ala ng kahapon.

Nakita ko ang iba sa mga kababaihan na pinunasan din ang mga luha. Ang iba'y naka-ngiti.

"Kakausapin ko nga si Mitch mamaya"

"Naku Maine, maguusap tayo"

"Dapat ko na siyang kausapin"

"Kailangan ko na ata syang patawarin"

Ilan sa mga komentong narinig ko.

"Beautiful Nash. And you're right, we deserve second chance..." naka-ngiting sabi ni Ms. Faith na halatang umiyak din.

Tinignan ko si Silver, saktong nakatingin din pala ito sakin. Mas nagulat pa ako ng ngumiti ito, parang may pumitik sa kanya para gawin ang dapat gawin na dapat ay matagal na nyang ginawa.

Pagkatapos ng klase namin.

"I'm so proud of you Nash..." nakangiting sabi ni Aika, ganon din ang iba.

NIGHT ACADEMYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon