✅
Good news for me and to the group. Nag-update na sa akin si Jack. Ayon sa report niya may magaganap na illegal business bukas ng gabi si Demon King sa labas ng school at sa isang bar ito magaganap.
Dahil sa natanggap naming balita ay agad kaming pumunta sa Royale Room at saktong kumpleto ang Dark Royalties.
"Anong ganap Nash" bungad ni Kaito.
"May balita na ang tao ko. May illegal business na magaganap bukas ng gabi sa isang bar sa labas ng school."
"Ano namang illegal business yon?" tanong ni Keira.
"I don't know yet. Malalaman pa lang natin kung tayo mismo ang pupunta doon." sagot ko.
"Paano tayo lalabas eh hindi naman pwedeng lumabas ng school?" -Thea.
"Kami ng bahala jan" sagot ni Deus.
"Eh anong plano?" -Sam.
"Pwedeng chill. Kaya nga andito kami baka may idea kayo?" tanong naman ni Aika.
"We need to disguise for our protection. I have a plan" sabi ni Deus kaya agad kaming nakinig sa plano niya.
We're preparing para sa pag-alis namin ngayong gabi. At gaya ng sinabi ni Deus siya na ang gumawa ng paraan para maka-alis ng school. Buti na lang at pumayag si Mrs. Tuazon-the principal if you can't remember.
Si Shawn ay may dalang kotse ganon din si JD para sa aming lahat. Kaming girls except kay Keira ay nakasakay sa kotse ni JD. Habang ang iba naman ay sa kotse ni Shawn.
After 2 hours and 30 minutes ay bumaba na kami malayo sa naturang bar. Ang plano ay may magpapanggap na mag-asawa na haharap kay Mr. Wang-lider ng isang sindikato. Ang ka-transaksyon ngayon gabi ni Demon King.
At ang napag-usapang gaganap bilang mag-asawang Valdez ay si Deus at Keira na naka-suot ng american attires. As if papayag si Keira na iba ang gumanap bilang Mrs. Valdez.
Habang sinasagawa ang plano. I, Thea and Trixie wearing a sexy clothes para magkunwaring dancers sa bar. JD and Shawn are back-ups kaya naiwan sa kotse. And the others ay look-outs.
Naghiwalay hiwalay kaming pumasok sa bar. 'Girlxy Bar'
Ang mag-asawang Valdez ay humanap ng tyempo para masolo si Mr. Wang. Kami naman tatlo ay sinimulan na ang trabaho.
"So hot" sabi ng lalaking may pulang buhok. Hindi bagay sayo dude!
Pasayaw sayaw sa dance floor
Kembot dito
Kembot doon
Nakakainis!
At sino ang may plano nito? Of course it's Keira, eh mas bagay sa kanya tong trabahong ito eh.
"Kinakausap na nila si Mr. Wang" sabi ko ng may saktong boses para marinig sa earpiece na nakatago sa tenga ko malamang.
Do the job again and again and again.
Painom inom din kami ng alak para hindi halata. Lumalapit din ang dalawa sa ibang lalaki na akala mo ay flirt.
Nakakahilo ang mga tao dito. Amoy alak at sigarilyo. May mga nagsha-shabu pa ata dahil sa dami ng adik. May mga nagsusugal, casino eh.
"Maglalaro sila?" tanong ko sa sarili ng umupo sila sa isang table ng casino... Aba malay ko kung anong tawag don hindi naman ako sugalera. Duh!
Tumingin tingin din kami sa baligid at may mga tao si Mr. Wang na nagbabantay sa kanya. May ibang patingin-tingin sa pwesto niya. Sa tancha ko ay nasa 25 silang lahat kung bibilangin.
BINABASA MO ANG
NIGHT ACADEMY
Teen FictionNIGHT ACADEMY: "NAMI SHANELLE "NASH" ORTEGA'' Inakala ng marami na syang perpekto. -maganda -sexy -mayaman - -mabait -at isang GANGSTER?! Papasok sa paaralang matagal ng isinara dahil sa nangyareng insedente 2 years ago. Makikilala ang lalaking: ...