CHAPTER 55

2.1K 104 11
                                    





After one week

Masasabi kong naging close lalo ang DR kay Keira meron pang time na kapag niyaya sila nila Aika ay agad silang tumatangi dahil sa kailangan nilang samahan si Keira.

Keira there, Keira here

Napka-protective nila kay Keira. Kahapon sinubukan daw nilang yayain ang DR kasama si Keira sa garden pero umayaw sila dahil sasamahan nila si Keira na kumuha ng gamit niya. Nawalan na sila ng time sa'min. At kahit hindi sabihin nila Aika they are jealous sa ipinapakitang pagpapahalaga ng DR kay Keira.

"I heard wala sila dahil may family dinner ang Knightly at imbetado ang family ng DR. I hope kasama tayo d'on...",malungkot na sabi ni Alexia,

I smiled bitterly.

Ganon ganon na lang 'yon? After nilang makisama sa amin, mang-iiwan na lang sila sa ere? Wow hugot!

"Hayaan niyo na baka later on samahan na nila tayo...",how I wish.

"Pero Nash paano kung hindi na? Ano yon mang-iiwan na lang porke meron si Keira. Hindi naman ata tama yon...",inis na sabi ni Thea.

"Sshhh huwag kayong mainis kay Keira wala naman siyang ginagawang masama...",pagtatanggol ko kay Keira na agad naman nilang pinaburan.


Tuesday Afternoon

Lunch time kaya dumeretcho na kami sa cafeteria. Naabutan pa naming nagtatawan ang DR kasama si Keira sa table nila.

Masaya na sila jan?

"Oy dito na kayo may extra pa naman...",biglang yaya ni JD ng makita nila kaming naghahanap ng table.

"So kapag extra tayo ganon?...",rinig kong bulong ni Thea na ikinatawa namin dahil sa pagmamaldita niya. Nakataas kilay niyang hinarap si JD pero bago pa siya magsalita ay agad ng tinakpan ni Trixie ang bibig niya dahil baka kung ano pa ang lumabas d'on.

"Ah hindi na doo na lang kami...",sagot ko naman kay JD at agad na hinila si Thea papunta sa table na wala pang naka-upo.

"Naku Thea yang bunganga mo ah baka mag-isip sila ng kung anl kapag padalos dalos ka...",sermon ko sa kaniya.

Nakita namin sila Darra at sabi nila sila na lang daw ang oorder. Umuo na lang kami tyaka umupo.

"Isipin nila pinagseselosan natin si Keira...",sabi naman ni Aika.

Bigla bigla na lang kasing naging ganon sila samin, sana naman ininform kami para naman handa kami...

"Here. Let's eat na...",sabi ni Darra sabay lapag ng order namin ganon din si Krizza.

"What happened? Mag-iisang linggo ng hindi kayo sumasabay sa kanila ah?..",tanong ni Krizza habang nakatingin sa table ng DR, tumingin ako doon pero agad din akong umiwas ng tumingin si Shawn dito at tyaka may ibinulong sa mga kasama niya.

Nakuha pa kaming pag-chismisan!

"Yaan niyo na lang...",sagot ni Alexia at nagsimula ng kumain.




Natapos na ang klase ng hindi na kami nilapitan ng DR, as usual busy kay Keira. Bakit ba nagkakaganito? Samantalang noon kahit nila kami pansinin okay lang.

Magme-meryenda na kami para deretcho na sa dorm pero ng pagkapasok namin sa ,cafeteria parang gusto na lang naming dumeretcho sa dorm. Paano ba naman kasi unang bubungad sayo ang naka-ngiting DR na kasama si Keira, at himala pati si Syl naka-ngiti ngayon. Agad akong umiwas ng tingingin. Sakit sa mata.

NIGHT ACADEMYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon