CHAPTER 44

2.3K 115 8
                                    



THIRD PERSON'S POV

It's the day.

Lahat naka-ayos na at nakapwesto sa mga dapat nilang kalagyan.

Gaya ng plano si Thea, Sam at Alexia ang kukuha sa mga bata para itago sa ligtas na lugar.

Si Nash, Aika, Shawn, Kaito, JD, Deus, Trixie, at Keira ay naka-palibot na rin sa buong La de Cada Resort-ang lugar kung saan magaganap ang naturang transaksyon.



Sa pwesto nila Sam.

Taimtim silang nagmamasid habang hawak ang kanya kanya nilang telescope upang makita ang ginagawa ng tauhan ng taong ka-transasyon ni Demon King.

Si Kaito,Trixie at Shawn ang naatasan sa kanang bahagi ng resort dala ang kanilang mga springfield armory gun na pagmamay-ari mismo ng pamilya ni Kaito.

Si Aika, JD at Keira naman sa kaliwang bahagi.

"Ano ba naman kasi yan! Dapat ako ang kasama ni Silver ngayon eh! Bakit ba kasi dito ako ipinunta, mamaya hindi niyo naman ako mailigtas dito kapag may nangyareng masama!" kanina pa nagpupumilit si Keira dahil mas gusto niyang kasama si Deus, kesyo may ligtas daw siya kapag kasama ito.

Pero hindi magpapatalo si Aika pagdating sa katarayan....

"Hoy babae! Hindi ikaw ang ililigtas dito, ang mga bata ang ipinunta natin dito hindi ikaw. Maliwanag? Kung gusto mo sa pwesto nila Deus edi go walang pipigil sayo. At tyaka ano bang sinasabi mong hindi ka namin maliligtas kung may mangyareng masama eh hindi ka naman talaga namin ililigtas no! Ang kapal naman ng mukha mo. Mas maganda ngang mamatay kana lang!" gigil na gigil na sabi ni Aika na ikinatawa lang ni JD.

Samantala sa pwesto naman ni Deus at Nash, rinig na rinig ang pag-aaway nila Aika at Keira mula sa earpiece na hawak ng bawat myembro.

'Hay bakit ba kasi dinala dala pa yang babaeng yan eh puro kaartehan din lang ang alam' inis na sabi ni Nash sa kanyang utak dahil kung lalakasan niya ito paniguradong ipagtatanggol na naman ni Deus si Keira.

Pero mukhang iba ang sinasabi ng mukha ni Deus dahil kahit siya ay naiirita sa boses ni Keira.

'The hell! Bakit ba nabiyayaan to ng boses!'inis ding sabi ni Deus sa kanyang isipan.

Sa pwesto nila Sam nakita nila ang pagdating ni Mr. Ward kasama ng mga tauhan nito. Dinala nila ang mga bata malapit sa tabing dagat kung saan nakahanda ang yacht.

May isang tauhan ni DK ang lumabas habang dala dala ang dalawang case, ang mga drugs.

Nakita nilang ibinibigay na ni Mr. Ward ng isa isa ang mga bata kaya sila ay nagsikilos na.

Isang salita ang nagpahudyat sa kanila upang magsikilos.

[ Isa isa na nilang kinukuha ang mga bata! ] sabi ni Trixie mula sa earpiece.

[ Dumating na rin ang mga assassins. Kasama na namin sila ] dugtong naman ni Alexia.

"Good. Now lalapit na rin kami"sagot ni Nash na kasalukuyang seryoso ngayon.

'Bakit andito na naman ang mga assassins na yon!' inis na sabi ng DR (Dark Royalties) sa kanilang mga utak.

Hindi pa rin kasi nila nakakakimutan ang araw kung kailan mas pinili ni Nash ang mga ito over them.

Back to the reality.....

Mga putok ng baril na napayagpag sa bawat sulok ng resort. Marami ang kalaban, pero hindi susugod ang dalawang grupo (DR&DE) ng walang nakahandang plano.

NIGHT ACADEMYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon