✅
After kong umiyak sa tagong lugar ay dumeretcho na ako sa dorm. Oras na ng hapunan pero wala akong gana.
Pagpasok na pagpasok ko sa dorm ay naabutan ko si Aika na nag-aayos na ng gamit. Andito din ang DR, sinisugurado talaga nilang makakaalis si Aika.
Masama naman ang tingin ni Deus at kung hindi siya babantayan paniguradong may gagawin siya kay Aika kaya as soon as possible kailangan niya ng makaalis.
'I'm sorry pero ito ang dapat gawin sa ngayon, ang lumayo ka'
"Nash kailangan bang gawin to?" tanong ni Alexia na hanggang ngayon ay hindi pa'rin natatapos sa pag-iyak.
'Nice'
Hindi ako sumagot at tumango na lang.
Buhat buhat ni Aika ang kanyang mga gamit bago siya umalis ay humarap muna siya sa amin.
"I'm sorry sana balang araw mapatawad niyo ako-----"
"It will not happen not now and ever!"
"Shut up Keira!" inis na sabi ni Thea. "Pinapalala mo lang"
"Hanggang ngayon ba naman kakampihan niyo yang traydor na yan." pagtataray na naman niya.
Pero wala kaming balak patulan siya. Nakakasawa.
"Oo nga pala hindi na kayo kumpleto as a group kung gusto niyo willing akong pumalit kay Aika"
"Hindi yan mangyayare" sabi ko at pumasok sa kwarto.
SAM'S POV
Lahat affected sa mga nangyayare. Nang makalabas si Aika ay sinundan pa sya ni Deus kaya sumunod na rin kami. Baka kung ano pang gawin niya kay Aika, mahirap na.
Nang nasa tapat na kami ng gate hindi napigilan ni Deus na sakalin si Aika na ikinagulat namin.
Galit na galit siya.
"Deus! Ano ba bitawan mo si Aika!" sigaw ni Trixie.
"Ano ba kasing iniisip ni Nash at nagawa ka pang palayuin! Kung ako ang nasa posisyon niya patay kana" galit na sabi ni Deus.
"B-buti na l-lang pala at h-hindi ikaw ang l-lider namin" nahihirapang sagot ni Aika.
Naku! Sumagot pa. Mas pinapalala niya lang ang sitwasyon.
Nang bitawan siya ni Deus agad naman sumugod si Keira para sampalin at sabunutan ito.
AIKA'S POV
Arghh! Matapos masakal. May sampal at sabunot pang kasunod? Humanda ka Keira gaganti ako sayo makikita mo!
THEA'S POV
Nagulat kami sa pagsampal at sabunot ni Keira sa kaibigan namin.
For the first time na hindi pumalag si Aika. Ang kilala naming Aika ay lalaban sa oras na naaag-grabyado pero ngayon masama lang na tingin ang iginanti niya kay Keira.
"Mabuti pa umalis kana dito. Hindi namin kailangan ng traydor sa loob ng mismong paaralan na pagmamay-ari namin!" sigaw ni Keira sa harap ng mukha ni Aika.
Gustuhin man naming ipagtanggol si Aika pero hindi namin magawa.
TRIXIE'S POV
One week.
One week ng hindi namin kasama si Aika.
Patuloy parin ang ginagawa naming mission na hanapin si Demon King pero nagkanya kanya na kami ng Dark Royalties. Kasana namin ang mga assassins sa ginagawa naming plano but all of us is not happy on what our doing because we're incomplete. Wala si Aika na maingay, jolly pero maaasahan.
Si Nash naman ay laging tahimik. Ang taong nagpapasaya lang sa kanya ay si Ace pero patago. At the same time ang taong kasangga niya kapag siya ay umiiyak.
For sure may tinatago siya. Hindi lang si Aika ang iniiyakan kundi may iba pa. Hindi lang namin alam dahil siya ang hinihintay naming mag-open up sa amin. Isa lang ang nakikita ko,hindi niya pinapakita ang kahinaan niya sa harap ng mga tao o pati saamin sa kaibigan at ka-grupo niya.
All this years na magkakasama kami. Ngayon lang namin nakita na ganyan ang lider namin. At wala man lang kaming magawa para mapasaya siya.
"Magiging okay pa ba tayo?" malungkot na tanong ni Alexia.
Isang tanong pero hindi namin masagot.
"We will" matatag na sagot ni Thea pero halatang hindi siya sigurado sa sagot niya.
Ginawa niya lang iyon para lakasan ni Alexia ang loob niya, after all siya ang bunso....matalino siya pero mahirap pa ring intindihin lalo na ang mga ganitong bagay.
"Hey guys. Anong problema bakit ganyan mga mukha niyo?" bungad ni Nash habang nakangiti.....ng pilit.
"Wala. We're just wondering kung kailan babalik sa dati" sagot ko
Hindi sumagot si Nash tanging ngiti lang ang ipinakita niya pero ngayon masasabi kong totoong ngiti na ang ipinakita niya hindi tulad ng kanina.
"Nash can we ask something?" biglang tanong ni Thea.
"You're already asking" sabi ni Nash na nagpairap kay Thea.
"Nash may nangyare ba? I mean sayo, in your personal life. Nash as your member andito kami para tulungan ka. Were here always Nash."
NASH'S POV
After that question from Thea. Kailangan ko na atang sabihin sa kanila kong bakit ako ganito. I know they're worried. Almost one week na rin akong ganito.
"Hay ganon ba talaga kahalata na may problema ako? Okay...I'm adopted" sagot ko na ikinagulat nila.
"Ampon as in? Wehh? Stop joking Nash it's not funny after all" napairap naman ako sa sinabi ni Trixie.
"Am I joking? I'm serious guys. Last week lang nalaman. Remember nong hindi ako sumama sa inyo na bimalik dito, doon ko nalaman. I need to confirm it kaya tinawagan ko si Ace that time and then kinabukas I already knew that I'm adopted. Hindi alam ni Dad na alam ko and you know what Nay Linda knows it but she didn't bother to tell me." hindi ako galit kay Dad o kahit kay Nay Linda.
I'm thankful because they care for me even if they are not my real parents. Pero ang gusto kong malaman ay kung sino ang totoo kong magulang. Buti na lang at malawak ang connection ni Ace kaya nakakuha siya ng information.
"Ow! I'm sorry to here that" sabi ni Alexia na ikina-ngiti ko.
"No need to say sorry Alexia. Actually I'm glad pa nga eh dahil kong hindi ako kinuha ni Dad I'm not sure kung makakasama ko kayo ngayon. Or even just a leader of a gang, I can't imagine it" naka-ngiti kong sagot.
"Nash thank you for trusting us" sabi ni Thea.
"No....thank you for trusting me and be there as always. You never give up on me"
"Tama na nga ang drama naiiyak na ako dito eh!" angal ni Trixie habang nagpupunas ng mata. "Group hug!" sabay sabi niya and we did it.
After ng dramahan session namin ay dumeretcho na kami sa klase namin. Napakadami naming kailangan habulin ngayon dahil examination na for 3rd quarter. Two months to go gra-graduate na kami!
Pagkapasok namin ay nakita naming nag-iinarte si Keira sa harap ni Deus. Nakatingin naman sa amin ang ibang myembro tulad ni Shawn na titig na titig sa amin. Nginitian ko lang siya at ngumiti naman siya pabalik. Almost one week na naming hindi nakakasama ang DR. Oras nasiguro kong pansinin namin sila, after all wala naman silang kasalanan.
--
BINABASA MO ANG
NIGHT ACADEMY
Teen FictionNIGHT ACADEMY: "NAMI SHANELLE "NASH" ORTEGA'' Inakala ng marami na syang perpekto. -maganda -sexy -mayaman - -mabait -at isang GANGSTER?! Papasok sa paaralang matagal ng isinara dahil sa nangyareng insedente 2 years ago. Makikilala ang lalaking: ...