A/N:To all readers if nababasa nyo po ito , sa mga hindi nakaka-alam may Book 1 ho ito. Yung title po ay "The Gay's First love" ayun lang po salamaaaaaattt!!!
________________________________________________________________________
Tophe's POV
"wag ka ngang mawalan ng pag-asa.."halata ang pinapagaan ni Enzo ang loob ko..
"Tsk."singhal ko at saka napairap sa ere..
Ang totoo konting konti nalang mauubusan na ako ng pag-asa..halos mag-iisang taon na since Tony is in a coma , kahit nung pasko at new year duon kami sa kwarto nya nagce-celebrate lalo na pati birthday nya..
Naiiyak na ako..
"D-darling?"biglang tawag ni Enzo at tinignan ko naman sya.."Hmm?"
"I-i think.."
"I think what?"
Bigla nalang nya akong niyakap at naramdaman kong nabasa ang manggas ng damit ko..
Nandito kasi kami ngayon sa rooftop ng bahay nya at pinagmamasadang lumubog ang araw ng kasama..
Lagi naming ginagawa yun pagkagaling sa bahay ni Tony sa pagdadalaw..minsan natutulog na yung iba duon at isa na dun sila Thea..
Pumapasok nadin kami pero halatang walang gana sa buhay at mukhang malungkot talaga ang mga kaibigan ni Tony..
Kasama na din ako..
Minsan pagtumatawa ako mari-realize ko na lang sa huli na hindi ko deserve na maging masaya knowing ang mahal ko nagdudusa sa kalagayan nya..alam kong naririnig nya ako..kaya araw-araw naguusap kami ng patago sa kwarto nya.
"I just want to ask you something.."naiiyak nyang sambit at ako naman nanatiling blanko..
"Hmm..say it."tugon ko
"Do you love him?"deretso nyang tanong at napaawang naman ang bibig ko at kumawala pa sya sa yakao at pinunasan ang luha nya na parang bata..
"Ano bang klase--"
"Just tell me do you love him?"tanong nya ulit at napabuntong hininga ako..
"Yes , I still do love him.S-sorry.."nakayukong ani ko at niyakap nya ako..
"I love you too.."natigilan ako at lumayo sa pagkakayakap nya saamin
"Ano?"
"I love and I am setting you free..I'm sorry kung nasakal kita sa mga patakaran ko..natatakot kasi akong mapag-iwanan..sorry talaga..at tska..Happy 10 months Darling.."sambit nya at hinalikan ako sa noo
"Thank you.."nakangiti kong sabi sakanya at niyakao sya ng mahigpit..
"Sorry..akala ko kaya ko..wala eh first love never dies.."natatawang ani ko at tumawa din naman sya..yung tawang hindi pilit at talagang natural..
'Tanggap na nya'
"Go and see him..I love you.."sabi nya at marahan pa akong tinulak
"Salamat.."nakangiti kong saad at tumakbo na pababa at papunta sa bahqy ni Tony , malapit lang ang bahay nila dito kasi nasa-iisang village lang naman kami lahat..
Tinakbo ko ito hanggang sa makarating ako sa harap ng gate nila..hingal na hingal ako..Nagdoor bell ako at bumungad saakin si Thea..agad ko syang niyakap at umiyak ako..
"He set me free..malaya na ako..malaya ko nang mamahalin si Tony.."tuwang tuwa kong ani habang yakap yakap sya..naramdaman ko naman yung kamay nya na niyakap ako pabalik dahilan upang higpitan ko ang yakap dito..
BINABASA MO ANG
The Gay has been forgotten
RandomWala na ba talaga akong karapatan para sumaya? Ang mga bakla ba talaga wala ng karapatan para gawin lahat ng gusto nila? Halos ikamatay ko ang kanyang pagkawala...lahat nalang talaga ng kasiyahan ko nakukuha , wala na. Pero dahil sa tinanggap ko nam...