Chapter 89: Let go.

57 2 0
                                    


"HOY may nagsend sayo Via Email oh." sinipa ako ni Ayeck hanggang sa tinignan ko sya ng masama inis na kinuha ko yung Ipad na hawak nya at binasa kung ano ang nakasulat doon.

"No way!" sigaw ko mabilis naman na lumapit saaken si Ayeck at nagaalala.."Anong nangyare?!"

"Ayoko! Ayeck! Hindi pa ako handang bumalik duon!" sambit ko habang inaalog alog sya. Inis naman nyang binawi ang braso nya at pinamewangan ako.

"Akala ko ba sabi mo naka move on kana? Bakit bigla kang tiklop ngayon na may Reunion yung batch nyo?" biglang nagtaray ang tono ng kanyang boses. Napabuntong hininga ako at nagtago sa makapal kong kumot.

Hindi ako makaisip ng maayos.

Ano pupunta ba ako duon?

Tell me.

"Kaylangan mong pumunta duon." biglang seryosong sabi nya , alam ko na sa mga ganong arte ng pinsan ko. It means I should really go , hehe alam mo naman ang mga babae pag kumutob may mga nangyayareng alam mo na.

Hindi ko mapigilang mainis syempre no choice ako.

"Baka naman itinataboy mo na ako ngayon kaya pinapauwi mo ako sa pilipinas?!" Hiyaw ko binato naman nya ako ng unan at tinignan ako ng masama.

"Baliw! Uuwi rin kasi ako sa pinas! Ano gusto mo ikaw magisa dito?" whuut? Uuwi rin sya?

There's no way na magpapaiwan ako dito. Ayokong ako lang magisa eh hehehez.

"K-kung ganon.." napakagat ako sa labi ko.."Kung ganon simulan mo nang magimpake dahil next week na tayo aalis , inaasikaso ko na ang tickets natin." aniya at iniwan na akong magisa sa kwarto ko.

Dapat bang ipakita ko kay Tony na naka move on na ako? Talaga? Naka move on kana Tophe?

HAH! oo naman naka move on na ako ah! Ano sa tingin nya! Ang unfair naman kung masaya na sya at may asawa na samantalang ako habol habol paren sakanha! Aysus no way high way!

Dahil duon ora mismo nilabas ko ang bagahe ko at nagsimula ng magimpake.



"P-PWEDE bang..bukas nalang tayo umuwi?" nangangambang tanong ni Tophe sa kanyang pinsan , kaya dahil duon nahapo ni Ayeck ang kanyang noo at binatukan si Tophe. Para matauhan sya!

"Ano kaba!? Kakaupo lang naten sa loob ng eroplano baliw ka na siguro pinsan!?" bulyaw nya sa tenga ng binata , mukhang natauhan naman siguro si Tophe marahil yung tenga nya nabuhayan. Sigawan ba naman sya sa tenga ih.

Hindi mapakali si Tophe buong byahe , saglit lang naman ang pananatili nila dito sa eroplano lalo na at malapit lang naman ang South Korea sa Pilipinas. Pero ganon pa man , lalong kinakabahan sya dahil habang palapit ng palapit..ganun din ang puso nya sa taong tinitibok nito.

Sa loob loob nya ay hindi pa talaga sya nakalimot sa lahat. At kahit masakit pa iyon ay mas pinili nyang alalahanin iyon kesa ibaon talaga sa limot. Naniniwala kasi sya na ang pagmamahal talaga kasama na duon ang sakit at kirot sa puso kaya handa syang masaktan muli. Kung kakayanin nya.

Malaki naman ang tiwala ni Tophe sa kanyang sarili na hindi sya bibigay at magmumukhang mahina sa harapan nilang lahat. At isa pa , isa lang naman iyong reunion pagkatapos non , wala na. Hindi na sya magkakaroon ng koneksyon ni isa man lang sakanila.

"Attention passengers this is your captain and we are now landing at Ninoy Aquino's International Airport." Nagising ang diwa ni Tophe ng marinig nya ang boses ng pilito , umupo sya ng maayos at sinilip ang labas.

The Gay has been forgottenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon