NASA garahe ang Gang na Snitch Killers at pilit na pinapakanta ang lalakeng tinali ni Enzo kanina lamang umaga.Samantalang yung iba naman ay nanatili sa loob dahil hindi nila masikmurang panoorin ang mga ganitong kabayolenteng bagay.Naging okay nadin naman si Tophe sa kanyang daplis tutal mababaw lang din naman ito pero hinayaan muna ng mga kaibigan nya na magpahinga sya sa sarili nyang kwarto."Ano?!"sigaw ni Alisson na mukhang napipikon na dahil kanina pa nila pinipilit ang lalakeng nasa harapan nila ngayon.
"Tch , Umasa lang kayong magsasalita ako--"bigla nalang hinatak ni Thea ang panga nung lalake na halos tumimbawang na sa upuan nito , kahit na nasasaktan ang lalake ay pilit nya paring pinanatili ang kanyang nakangising mukha.
"Magsasalita ka..o tuluyan ka nang hindi makasalita?"banta ng Dalaga at saka iwinasiwas pa sa ere ang isang matulis na balisong at saka tunutok sa kanyang mukha..bakas ang kaba at nerbyos ng lalake pero mukhang handa syang lumaban at magmatigas h'wag lang ilaglag ang kanyang Gang.
"A.YO.KO!!--Ahhh!!!"sigaw nung lalake kasi sinipa bigla ng dalaga ang upuan at bumagsak ito patalikod
Umalingawngaw ang ingay at saka isa-isa silang lahat lumapit."Huling pakiusap , magsalita kana.Sino ang nag-utos sainyo na galawin ang tahimik naming mga buhay?"mahaba ang pasensya ng dalaga ngayon kaya maswerte ang lalake , pero nakatanggap lang ng malakas na tawa ang dalaga.
"Kahit sunugin nyo pa ako dito hindi ako magsasalita." Biglang naging kalmado ang lalake at nanlaki ang mata ng dalaga.
"Walang pag-asa yan pre."biglang singit ni Meljon , lumapit naman si Alisson na may dalang gas sa di-gaanong kalaking bote ng mineral at binutas ni Thea ang takip ng bote nito sa gitna gamit ng kanyang balisong at saka binasa lamang ang lalake ang kanyang buong katawan.
"Mukha nga , kaya susunugin ko nalang sya."baling ng dalaga at saka nilabas ang lighter sa kanyang bulsa na lalong ikinalaki ng mata nung lalake , nagsimulang mamuo ang kanyang mga pawis sa mukha.
"M-magsasalita n-nako.."kabadong ani lalake.
"Go ahead."nakangising aniya.
"Miyembro ako ng BlackJacks , kinontrata kami ng The Vipers..s-si Snake ang nagpa-utos na..p-patayin k-kayo..k-kaso..mukhang mali ang ikinabangga nila..d-dahil w-walang kupas padin ang galing..ng g-gang nyo.."nanginginig na sambit ng lalake
Si Thea naman kumuha ang silya at saka umupo sa harap nya at nakapandikwatro pa ng pambabae."So? Pwede ko bang malaman kung sino ang leader nyo?"tanong ni Enzo at kumuha din ng silya at tumabi sa dalagang nilalaro ang lighter na sinisindi tapos pinapatay.
"S-si..Jack Colmenares.."
"Ang mga Colmenares.."nakangiting dagdag ni Thea na tila ba napapailing marinig pa lamang ang mga pangalan ng mga ito.
"Diba sila yung--"hindi na lamang tinapos ni Tony marahil hindi iyun ang tamang panahon para ipaalala niya ang malupit na nangyare sakanila sa mga Colmenares
Pero sa hindi inaasahan bigla nalang binato ni Thea ang Lighter na bukas duon sa lalakeng nakatali kaya agad syang lumiyab at hiyaw ang bumalot sa Buong garage.
"Why did you--do that?!"gulat na tanong ni Tony sa kaibigan
"He deserve to stay in peace.Oh , sorry in hell."nanlilisik bigla ang mata ng dalaga at saka biglang umitim nalang bigla ang kanyang aura , walang sabi sabing umalis ang dalaga bigla sa lugar na iyon at padabog na kumuha ng Pretzels sa storage room.
BINABASA MO ANG
The Gay has been forgotten
CasualeWala na ba talaga akong karapatan para sumaya? Ang mga bakla ba talaga wala ng karapatan para gawin lahat ng gusto nila? Halos ikamatay ko ang kanyang pagkawala...lahat nalang talaga ng kasiyahan ko nakukuha , wala na. Pero dahil sa tinanggap ko nam...