Chapter 63: Selos beh?

49 2 0
                                    


Christopher.

It's back to school!! Ngayon ko lang na-enjoy ang bakasyon lalo na at kasama ko si Tony sa lahat ng okasyon , kaya masaya akong pumasok sa Classroom namin at hinanap sya.

"Tophe!!" narinig ko ang pamilyar na boses na yun at mabilis na pumunta sa kanyang tabi..

"Good morning." bati nya sabay halik saaking pisngi , agad na namula ang aking mukha at pasimpleng ngumiti..kinikilig ako at lalo pang nahuhulog dahil sa nakakabaliw nyang amoy at charisma. Hinding hindi ako magsasawang amoy-amuyin sya palagi.

"Naka-uwi na si Thea?" tanong nya saakin pero hindi ko alam kung bakit pero biglang uminit ang ulo ko.

"Bakit si Thea agad ang tanong mo? Hindi ba pwedeng kamustahin mo ako kung ano bang klaseng gising ang meron ako?" mabilis kong sagot , nagulat pa sya ng bahagya pero ayun naiinis ako.

Hindi ko maintindihan , kasi sa tagal ng kasama ko si Thea ay palaging namang wala akong maramdamang inis sakanya..galit oo nagalit na ako sakanya pero yung inis?

"Are you jealous Christopher?" pag-usisa nya , natahimik ako saglit at inisip kung totoo bang nagseselos ako..

Siguro? Hindi kaya?

"H-hindi ah! Bakit kasi ayan ang bungad mo!" inis kong sagot sakanya , napipikon na ako , sana naman huwag na nya akong sagarin.

"Nag-good morning naman ako ah , nagseselos ka eh." saad nya sa sobrang inis ko ay hinayaan ko nalang sya at umupo ng maayos ng hindi sya nakikita.

"Oh come on Tophe , Thea is my Bestfriend and also your friend! Why would--"

"Paanong hindi magseselos eh sa pagkakaalam ko attracted ka din sa opposite sex! Naiinis naman ako sayo eh!" kahit nagtitingann na ang mga kaklase namin ay hindi ko pinansin , nasasaktan ako eh!

"What's the matter! Are you two fighting?!" biglang dumating si Juan na may dalang basong punong-puno ng fishball , kumakain habang takang nakatingin saamin.

"Yeah! Well Christopher here was jealous in your ex-girlfriend." duon ko nakita ang mata ni Tony na naiinis , nagsimulang matakot ang dibdib ko.

"Tss! Why? HAHAHAHAH!" komento naman ni Juan , tinignan ko lang sya at inisip na sana nalang ay nagkabalikan na silang dalawa para naman wala na akong duda na papatulan nya ang pagmamay-ari ko.

"Uuwi na ba yung Ex mo?" halatang galit na tonong tanong ni Tony sa kaibigan , tinignan ko naman si Juan upang abangan ang sagot nya.

"Mamaya pa , hindi ko alam kung gabi o--"

"Ngayon." nagulat ang buong klase sa biglaang dating ni Thea , swabeng lumapit si Thea sa dating nobyo at kinuha ang baso ng fishball at kinain ito sa harap namin.

"Hey..I miss you." gulat pero malungkot na saad ni Juan.Tinignan naman sya ni Thea at biglang hinalikan si Juan sa pisngi.

"Miss you too." sandaling nagkatitigan sila sabay iwas ng tingin itong si Thea at tumingin sa pagmamay-ari ko , mabilis na tumalim ang aking mga mata sakanha.

"Hoy , wala bang kamusta dyan?"tanong ni Thea , tumayo nakang si Tony at ginulo ang buhok ni Thea , agad na kumulo ang dugo ko at umiwas ng tingin , nasasaktan ako...

"Tch , miss na kita gago."

"Same."

"I love you daw sabi ni Juan--"

"H-hoy!! Hindi ko sinabi yan!! " tanggi naman nung isa na sobrang pula na ng mukha.Napangiti naman si Thea at saka duon , nilingon ang dating nobyo.

The Gay has been forgottenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon