Tophe's POV"A-anong gagawin nyo saakin?!"sigaw ko sakanila , nandito ako sa likod bahay at may tatlong malalaking lalake na sumalubong saakin
Lumabas kasi ako sa kwarto dahil halos patayin ako sa pagaalala kay Tony dahil sunod-sunod ang putok ng baril , nagaalala ako kasi baka mapano sya,
"Easy lang , nandito kami para sayo.."
"Para--what?!"pasigaw kong tanong at aakmang aalis na pero bigla nya nalang akong binusalan at tinalian ng tali sa kamay at marahas na binuhat ako.
Naghahalong kaba at takot ang aking nararamdaman dahil ito ang unang beses na mangyare saakin , kahit anong palag ko at wala akong magawa , malakas sila at wala pa sa kalahati ang lakas ko sa ilalakas nila.
Pero bago pa nun nakita ko si Tony na tila ba may hinahanap...agad na lumiwanag ang aking mga mata sa isipin na yun..
'Hinahanap nya kaya ako?'
'Nag-aalala sya saaken?'
'Ililigtas nya ba ako?'
Pero lalong bumilis ang tibok ng puso ko nang magkita kami , pilit kong pinalagan ang mga lalake bago pa man nila ako ipasok sa sasakyan , pero tila ba nagunaw ang mundo ko nang bago pa sya kumilos ay agad na itinulak ako papasok at saka nagmamadaling pumasok ang mga lalake at mabilis na pinaandar ang sasakyan..
"Hhmmm!!!"pilit kong nilalabanan ang mga hawak nilang kamay saakin na nagdudulot ng kilabot sa aking katawan
"Shut up!"
*PAK!*
Malakas akong sinampal nung isang lalake na nagbusak saaking bibig at sa lakas ng sampal nayun lumuwag ang telang sagabal saaking bunganga.
"Anong kaylangan nyo saaken at kaylangan nyo pang gawin ito lahat-lahat?!"sigaw ko marahil kinuha na ang tyansang makapagsalita
"Wala kang pake! At sa katanungan mo na yan mamaya rin malalaman mo ang dahilan.Kakausapin mo ang boss."nakangising dagdag nya , nanahimik na lang ako at ayokong lumaban pa dahil baka masaktan pa ako , hi di pa humihilom ang sugat ko at nanguna ang takot sa dibdib ko na isipin palang na baka saktan nila ako at magkaroon muli ako ng sugat , at baka mas malalim pa sa nauna.
Hindi nagtagal ay nakarating kami sa isang mansyon at marahas akong ipinasok sa isang kwarto na madilim..pilit kong inaninag ang pwede kong makita pero nagulat nalang ako ng biglang bumukas ang isang lamp shade at nakita kong nakapatong ito sa lamesa , may swivel chair na nakatalikod saakin at unti-unting humarap ang lalake at batid kong nakangisi sya , hindi ko man maaninag ng maayos ang mukha nya pero may konting sinag sa ilaw na makikita ko ang korte ng kanyang mukha at katawan , masasabi kong matangkad sya at malakas.Pero natinag ako ng bigla syang nagsalita.
"Nice to meet you.Nagustuhan mo ba ang surprise ko sayo?"malokong sambit nya.
Hindi ako sumagot , marahil tinignan ko pa sya ng masama , wala akong pake kung ano ang realsyon nya dahil unang-una sa lahat hindi nya ako makikita dito sa gilid
"If you don't want to talk to me then , I'll talk first."sagot nya at saka tumayo at duon bumalandra sa aking mga mata kung gaano sya katikas at kung gaano sya katangkad.Lumapit sya saakin at marahas na hinawakan ako sa balikat.
Pinaupo nya ako sa swivel chair nya at saka duon nya ako tinitigan..bigla nalang syang pumapakpak sa ere at sabay ng biglaang bukas ng mga ilaw , inikot ko ang aking paningin at napapaligiran ako ng mga baril , granada , espada , at kung ano ano pang armas na aking makita.
BINABASA MO ANG
The Gay has been forgotten
RandomWala na ba talaga akong karapatan para sumaya? Ang mga bakla ba talaga wala ng karapatan para gawin lahat ng gusto nila? Halos ikamatay ko ang kanyang pagkawala...lahat nalang talaga ng kasiyahan ko nakukuha , wala na. Pero dahil sa tinanggap ko nam...