Chapter 51: Bloody War

26 4 0
                                    


Thea's POV

"Pak na pak ang bading simula nang abutan ng tuwalya at Gatorade! HAH! Kung alam ko lang na ganyan lang pala ang katapat mo edi dapat ginawa ko na nung una para naman hindi na kayo muntik-muntikan nang matalo!"malakas at mahaba nyang sambit.

Heto kami naglalakad na pauwi papuntang parking lot matapos ng tatlong minor subjects sa araw na ito

At sa buong araw , hindi natigil ang pagngawa ng babaeng pinaka-maingay sa lahat.

"Reighn 'di ka ba napapagod sa ginagawa mong pagdaldal? Kung ako ikaw malamang nangalay na panga ko."mataray king sambit.

"Ay nako hah! At isa pa!"biglang nagbago ang masayahin nyang tono at saka lumapit saakin at bumulong."Alam mo bang may narinig akong nakakatakot na usapan kanina nung umihi ako? Dahilan para matagalan na din ako.."panimula nya kaya biglang kumunot ang noo ko.

"Tulad ng?"

"May sasaksakin daw na bakla.Buti nga hindi pa nung natapos yung game eh , kinakabahan ako baka si To--"

"AAHHH!"sigaw ng isang napakapamilyar na tinig.Nilingon ko agad yun nang makita king si Tophe na hawak hawak ang tagiliran nya at dumudugo ito! Agad akong tumakbo sa mga sumaksak sakanya at sumunod naman saakin sila Clark

"Hbulin nyo yang gagong yan!!"galit na sigaw ko at nahabol ko ang isa.."Gago ka!"sigaw ko at saka sinuntok sa mukha nabwibwisit ako sa kanyang mukha kaya lalo ko pang pinagsunod-sunod ang sapak at mga solid yung mga sapak ko na yun.

Yung sumaksak naman kay Tophe ay nahabol nila Tony at binugbog din.

Ending bagsak namin sa barangay hall.

Nireport kasi kami nung mga guwardiya sa parking lot kaya nandito kami ngayon , pero si Tophe dinala sa Clinic at sinabing hindi naman daw napakalalim nung sugat at tanging daplis kang daw , pero mahaba sya at umabot ang sugat hanggang sa bewang nya kaya dumugo agad.

"Anong gagawin namin ngayon kung binugbog namin sila?"kalmado pero inis kong pamimilosopo sa tanod.

"Sa pagkakataon na ito parehas na kayo ang may sala , mga minor palang kayo pero kung maka-asta kayo eh parang mga--"

"Minor de edad?! Ginagago mo ba ako?! Maliit lang ako pero ilang buwan nalang College na ako! At nasa legal na din akong edad!!"bigla kong sigaw at hinampas pa ang lamesa sa harapan nya.

"Pre , kalma...puso mo."awat ni Turkey saakin.

"Paano ako kakalma?! Kami na nga yung inatake tayo pa magkakaroon ng kasalanan?! Eh kung ikaw nalang yung basagan ko ng mukha?!"galit kong baling si tanod at aambang susuntukin sya pero inawat lang ako ni Enzo at Tony.

"Sige hayaan nyong sapakin nya yan!"pangungunsinti ni Alisson

"Kilala mo ba kung sino kami hah?!"galit na galit kong tanong sa tanod at saka tinuro yung dalawang gago na may sala.

"Iyang dalawang yan! Taga-punas ko lang yan ng dumi ng sapatos ko! At ni-wala pa sa kalingkingan mo! Wala akong pake kung tanod ka pa sa baranggay na ito! Kung ganyan ka rin naman ka-bobo eh mas magandang palita ka nalang!!"dagdag ko pa nang buhatin ako bigla ni..

"Ibaba mo nga ako Juan! Galit ako sayo kaya 'wag mo 'kong hawakan!!!"hinahampas ko pa ng bahagya ang kanyang mga braso pero wala itong silbi dahil mas malakas sya saakin ng di hamak.

Inilabas nya ako sa baranggay hall.

"'Wag nyo kasing insultuhin sa height nyan!! ayan tuloy na gago kapa! King ina kasi bakit pa kasi may kaso pa kami?! Eh kung lagutan ko yang hininga mo?!"galit na sigaw ni Alisson sa loob

The Gay has been forgottenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon