Tophe's POV"Bhe tahan naman na , hindi ka pa kumakain at magang-maga na ang mga mata mo , maawa ka din naman sa sarili mo." mahinahon na saway ni Sophia
"'Wag mong sisihin ang sarili mo na hindi ka nya naalala okay? Ito na talaga ang mundo , puro hinanakit.At totoong the truth hurts at ito ang reyalidad mo , hindi mo na mababago 'yon tandaan mo yan Tophe." Sabat naman ni Reighn
"Hindi ka naman nakakatulong eh!" asik ko sakanya
"Wala namang makakatulong sayo dito Tophe , kungdi ang sarili mo lang at wala ng iba." singit ni Blessy.
"Tska bakit ka ba umiiyak-iyak dyan? Kasalanan mo kasi iniwan mo sya! Warla ka din na bading ka eh!" galit na sigaw saakin ni Sarah.
"Malay ko bang mangyayare ito!" sigaw ko sakanya naiinis na kasabay ng buntong hiningi , nakakainis na bakit kaylangang isisi saakin?!
"'Wag na tayong magsisihan! Ang mahalaga ay gising na sya." natigilan kami bigla sa nagsalita malapit sa pintuan , nandito kasi kami sa bandang main door at ganon nalang ang gulat ko ng makita ko si Thea napakalaki ng ngiti kasama si Enzo.
"G-gising na sya?" wala sa sariling natanong ko..
"Ay hinde , tulog pa din.Bading ka rin eh." biglang panananaray ni Thea,
'hanep din eh noh?'
Pinunasan ko na lang ang aking mga luha imbes na patulan nalang siya , tsh kamusta na kaya sya?
"Puntahan ko kaya si Tony mamaya?"biglang sagot ko na ikinagulat ng lahat.."Bawal daw bading dun." pang-aasar ni Thea na agad kong binato ng tsinelas , ang nakakainis lang ay hindi sya tinamaan.
"Sigi naa!!" nagpapacute pa ako sa pagmumukha nya.
"Tss , sumabay ka nalang sakin mamayang gabi." Okay so back to masungit ulit tayo guys tsk tsk tsk.
"OKAY na ba yung mukha ko?"
"Tophe , kahit anong gawin mo panget kana talaga , wala kanang magagawa." sambit ni Reighn,
"Pisti ka." tanging nasabi ko , papalit-palit kasi ako ng damit.Actually pangatlong palit ko na ito ng damit at hindi ko alam kung ano ang mas babagay saakin para maganda ako sa paningin ni Tony.
Habang dumadaan ang oras ay hindi halos mawala sa isip ko si Tony , parating sya ang nakikita at naiisip ko , sana ganon din sya.
Nalulungkot ako sa t'wing naaalala ko yung mga pinagsamahan namin , bakit kaylangang umabot pa sa ganito? Yung puntong parehas kaming miserable at walang pag-asa.
Bakit nga ba?
"Bilisan mo nga dyan , iiwanan na kita eh." sambit ni Thea na iritang-irita nang makita ako.
"Ito na nga eh , galit na galit kala mo naman papalag." Bulong ko..
"May sinasabi kaba? Kotong gusto mo?" Taas kilay nyang tanong saakin sabay amba ng kotong sakin.
Sumunod nalang ako sakanya at saka tahimik na tumungo papuntang hospital...nang marating namin ay walang kasing bilis ang tibok ng puso ko , para akong hinahabol na ewan..kinakabahan ako tapos natatakot at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko talaga pagdating sa mga ganitong sitwasyon o kung ano-ano pa.
"Are you ready?"tanong nya
"Kung maka-tanong ka naman akala mo isasabak ako sa laban." sambit ko.
"Bakit hindi kaba mapapalaban sa gagawin mo ngayon?" ngumisi sya ng napakalawak na syang dahilan para mainis ako at binatukan sha.
BINABASA MO ANG
The Gay has been forgotten
De TodoWala na ba talaga akong karapatan para sumaya? Ang mga bakla ba talaga wala ng karapatan para gawin lahat ng gusto nila? Halos ikamatay ko ang kanyang pagkawala...lahat nalang talaga ng kasiyahan ko nakukuha , wala na. Pero dahil sa tinanggap ko nam...