Chapter 83: Hug me.

20 2 0
                                    


[Play the multi-media.]

Tophe.

Kakatapos lang dumada ni Thea saakin sa mga nangyare kanina lang , hindi ako makapaniwalang magagawa ng Ama ni Tony ang ganong bagay , wala sa itsura nya na gagawin nya iyon sa nagiisa nyang anak. Akala ko ba mahal na mahal sya ng kanyang mga magulang?

Hindi na ako nagsalita pa , ang sakit eh. Hindi ko kakayanin iyon bilib nga ako dyan kay Thea at Enzo at nagawa nilang kayanin ang mga sitwasyon , kung ako siguro iyon I would definitely break down into pieces.

"Sa ngayon hindi muna kayo magkikita , It's dangerous. At ayaw din ni Tony na malagay ka sa pahamak." aniya at umalis na sa kwarto ko.

11:29 na ng gabi , at hindi ako mapakali. Ayos lang kaya sya duon? Hindi kaya't binabantayan sya ng babaeng palaka na iyon?

Anong oras na at hindi pa ako makatulog , dapat kasi sa mga oras na ito naghahanda na ako ng makakain para kay Tony!

Tumayo ako saaking higaan at lumabas , dinaanan at pinakiramdaman ko ang bawat kwarto duon kung tulog na ba sila.

Malamang yung iba nagpupuyat , o kaya naman nagpapahinga na.

I have to do something.

Bumalik muli ako saaking kwarto at nagisip-isip pa , hindi ko natitiis eh.

Kaya naman dahan dahan akong bumaba at tumakas , pumunta sa bahay nila Tony , kinakabahan ako sa gagawin ko pero wala na nandito na ako eh. Kaylangan ko nang panindigan ang aking naisip.

Pagdating duon ay halos manginig ako sa lamig ng simoy ng hangin , dapat pala nagdala ako ng jacket.

Sinilip ko ang loob at may mga bantay nga na naglalakad lakad , hindi ko naman alam kung uurong pa baba ako oh ano. Para kay Tony , ika nga kaya napapikit ako ng mariin at tahimik na umakyat. Laking pasalamat ko at walang dumadaan duon na mga bantay kaya tahimik akong nakababa at umakyat muli sa bintana.

Kung may makakita lang saakin dito mapagkakamalan talaga akong akyat bahay. Nasilip ko ang loob at tama nga ang aking pinuntahan , talagang kwarto nya ito. Sinubukan kong buksan ang bintana at nasa tamang timing ako! Nakabukas ang kanyang bintana! Nakangisi akong pumasok sa loob at sinarado muli ng tahimik ang bintana.

"Babe.." tawag ko sakanya at hinawakan ang kanyang leeg kung mainit pa baba sya , nanlaki ang aking mga mata ng hawakan nya ang pulso ko at unti-unting minulat ang kanyang mga mata.

Kahit madilim dito sa loob at walang kahit na anong ilaw na nakabukas , nagpapasalamat ako sa sikat ng buwan sa labas. Marahil kahit papaano nakikita ko ang kanyang gwapong mukha.

"Am I really dreaming?" tanong nya , tumango lang ako at niyakap sya.

"If this is a dream please don't wake me up." he chuckles and kissed my forehead.

"You're not dreaming , this is the reality." I said to him , umupo naman ako sa gilid nya at pinagmasdan ang mga pinaggagawa nya sa kamay ko.

"Well atleast my reality is not bad as I thought , sino naman nagsabi sayong pumunta ka dito? Ikaw lang ba magisa?" tanong nya saakin , medyo nalungkot ako sa una nyang tanong..kahit namumuo ang aking luha sa mga mata ko ay ngumiti ako.

"Ayaw mo ba akong makita?"

"Hindi naman sa ganon , babe. I'm just worried because you might get caught by the guards." aniya taas noo ko naman syang tinignan.

The Gay has been forgottenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon