Chapter 49: Threat

22 4 0
                                    


A/N:

Okay so alam kong matagal akong hindi nag-update , kaya sorry na kakatapos lang kasi ng examinations at sa totoo lang hirap na hirap akong gumawa ng mga chapters ngayon.Ilang beses kong inulit-ulit ang part na 'to so if it is lame for you guys I am now saying sorry to all of you in advance , my brain is not functioning well so please bare with me guys.

Lovelots.

____________________________________________________
Felipe's POV

Alasais'trenta ng umaga ang oras habang pagewang-gewang akong naglalakad papunta sa motor ko , nakainom kasi ako at medyo high na din.Pero ganun pa man may tiwala ako sa sarili ko na kaya ko pang magmaneho basta't bagalan ko lang ang pagpapatakbo nito

Kasama ko sila Pita at Meljon pero nauna na akong umuwi dahil may aasikasuhin pa ako sa bahay.

Kung nagtatanong kayo kung bakit ako lasing , ayun ay dahil inumaga kami sa padis! At pambihira sumuka pa si Pita kaya natagalan kami ng sobra , nilingon ko yung dalawang lasing na naglalakad rin papunta sa gawi ko kaya napakamot ako sa ulong hinintay sila..

"Bilis na pambihira naman oh.."bumibigat na ang talukap ng aking mga mata dahil sa tindi ng tama saakin ng alak , idagdag mo pa ang pagkapuyat kaya inaantok na rin ako.

"Heto na..'hik!'"sinisinok na ani Meljon

Sumakay na ako sa Motor ko at ganun din sila..kaya pinaandar ko na ang makina ng motor ko saka pinaandar iyon..

Habang nagmamaneho ay magkakasabay lang naman kami sa bagal ng pagpapatakbo , dahil madaling araw pa kaya wala g masyadong dumaraan na sasakyan sa dinadaanan namin , kaya heto kahit nahihilo pilit na inaayos ang sarili.

"Pre , sa tingin mo..'hik!' Magbabago pa tayo?'hik!'"lasing na ani Pita habang pinatay-sindi ang ilaw ng motor nya

"Ewan ko , hahaha! Masaya ako pag ganito ang buhay ko.."pilit na pinapasigla ni Meljon ang tono ng pananalita nyang halata namang babagsak na rin naman.

Magsasalita na sana ako nang kunot noo kong tinignan ng mabuti ang salamin ng motor ko , hindi ako pwedeng magkamali.

May nakasunod saaming itim na sasakyan."'di kaya sinusundan tayo neto?"wala sa sariling tinanong ko sila at lumingon sila sa likod..

"Aba malay ko."napakamot sa ulo si Meljon at medyo binilisan ang pagpapaandar , sumunod naman kami sakanya pero mas ikinatakot ko ay bumilis din ang pagpapaandar ng sasakyan , kaya wala kaming nagawa kungdi bilisan din na animong naghahabulan kami.

"Shit!"singhal ko nang habulin na kami nung sasakyan kung saan kami sumusuot at sinasabi ko sainyo , may tama ako pero bumalik sa magpagka-ayos ang takbo ng utak ko at tila ba nawala ang bisa ng alak saaking sistema , kaya pinatakbo ko ang motor ko ng magiisang-daang kwarenta!

Pansin kong sumunod ang dalawa saakin hanggang sa muntikan na akong makabundol ng kuting sa gitna ng kalsada at panay busina nung sasakyan saamin..sinubukan kong gumilid para huminto pero hindi ko magawang tyempuhan bagamat mabilis at talagang hindi titigil ang sasakyang humahabol saamin

Mas mabilis pa sa alasais ang biliss ng tibok nitong puso ko dahil sa naghahalong kaba at takot.

Sinubukan kong sumuot sa maliliit na eskinita sa Village namin at dinig kong sumunod ang dalawa kaya nagpatuloy ako sa pagmamaneho , bagamat mabilis pero talagang mabait saakin ang kalangitan ngayon at hindi ako nadidisgrasya ngayon..pero sadyang matalino ang humahabol saaming sasakyan para salubungin kami sa kabilang dulo at saka umiwas nanaman kami sakanya at nagderetso ulit sa pagmamaneho.Nakalayo na kaming talo nila pita pero bigka nalang lumusot yung sasakyan ulit at malamang dumaan iyon sa shortcut kaya nagkalat kaming tatlo sa iba't ibang parte ng kalsada , nasa gitna ako kaya madali para sabayan ng sasakyan ang takbo ko at kinalibutan ako sa lalakeng nasa gilid ko.

The Gay has been forgottenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon