Andrea's POV
"Anak, gumising ka na. First day mo ngayon sa Ochupa University!!! Dalian mo anak, kailangan mo na magpaganda." sigaw ng nanay ko. Tinakpan ko naman ng unan ang mukha ko at nagtaklob ng kumot.
"Isa baby girl. Tatayo ka ba dyan o bubuhusan kita ng tubig?" hinihila pa ng mama yung kumot.
"Ayoko nga pumasok doon. Maaaa! Huwag mo na akong pilitin."
"Papasok ka doon. Ang hirap kaya makapasok sa school na yun. Tapos ikaw tatanggihan mo lang. Aba anak, grasya yun. It's a blessing."
Tumayo na ako at padabog na pumasok sa CR. "Oo na papasok na ako."
"Okay anak. Magkuskos kang mabuti ha? Tapos aayusan kita." Narinig ko pang humagikgik si mama.
*
"Mama, bakit naman sobrang kapal naman ng make up na nilalagay mo sakin?" paano naman red lipstick tapos blush on.
"Okay lang yan baby girl. Ayan nga ang gusto ng mga lalaki sa papasukan mo. Dapat mapusok tignan. Para lapitan ka nila kaagad." sabi niya habang kinukulot yung buhok ko.
"Tsaka balita ko galing sa mga kumare ko na lahat ng nagaaral don ay mayayaman. Kaya, anak do your best. Ayan, ok na. You're ready to go." sinuot ko na yung 3" inch black shoes na wedge.
*
WELCUM TO OCHUPA UNIVERSITY.
Ayan yung nakasulat sa gate ng university. Ano ba kasi yung ochupa? Ano origin name non?
Ang daming estudyante. Yung mga babae, grabe ang iiksi ng mga palda nila. Tapos, yung mga make up nila. Wow. Tumingin tingin ako sa paligid. Ang daming pogi. Pero, hmp. Nakaakbay sa mga babae, naghahalikan pa. PDA.
"You must be Andrea Falcon. I'm Mr. Matthew Reyes, principal of this university." pagpapakilala niya sa sarili niya tapos hinalikan niya ako sa pisngi. Ganto ba talaga dito? Ang touchy ng mga tao.
"A-ah. Hello. Opo ako nga po."
"Andrea, ang kiss sa cheek pagpapakita ng respect at greetings. So I think, you should kiss me too." Medyo bata bata pa si Mr. Reyes. Nasa 35+ na ito.
Hinalikan ko na din siya pisngi. "Halika Andrea, ipapakita ko and dorm at sasabihin sayo ang mga rules at regulations sa school na ito. Bibigyan din kita ng handbook."
Sumama na rin ako sa kanya. Kaya habang naglalakad kami nagsasalita siya. Ako naman nakikinig lang.
"Wala naman masydong pinagbabawal sa school na ito. Syempre, bawal ang bullying. Pati yung violent actions. Pwede mag away pero bawal pumatay. Pwede lumandi. Kapag nagka gf at bf na, you should be loyal. Kahit maghalikan kahit saan pwede. Dapat umattend ka rin sa lahat ng klase mo." Pagpapaliwag niya sakin. Tango naman ako ng tango. Tapos may inabot siya saking papel. "Eto ang registration form mo."
Patuloy padin kami sa paglalakad. Huminto kami sa tapat ng pinto. Dorm 222. "Eto ang dorm mo. May kasama ka diyan. Pero siguro nasa klase na. Mag ayos ka na ng gamit mo dyan. Mauuna na ako Andrea. Good luck."
Pumasok na ako sa loob at nagayos na ako ng mga gamit. Sino kayang makakasama ko sa dorm? Tinignan ko ang reg form ko. 9AM ang klase ko. Agad na ako umalis at hinanap ang room ko.
Mawawala pa ata ako. Palinga linga ako sa paligid. Tapos may lumapit saking lalaki. Matangkad ito, tanned ang balat, at may messy hair.
"Hinahanap mo ba classroom mo?" tanong niya sakin.
"Oo eh." Binigay ko sakanya ang reg form ko.
"Sa second floor yan. Tapos liko ka sa kanan. Ang pinaka unang room yun na ang room mo. Sige una na ako ah." Ngumiti siya sakin tapos nauna na siyang maglakad.
Sino kaya siya?
-
Ate Lippy's Note:
Tapos na ang chapter 1. Hello lippies! Naka PRIVATE po yung Chapter 2 dahil Rated R daw sabi ni Watty. So follow me para mabasa niyo. Salamat! :)
BINABASA MO ANG
Lions Series Book 1: Deeper
General FictionLions Series #1 Andrea Falcon and Dave Llanes