Chapter 16

1.8K 13 0
                                    

Andrea's POV


Today marks the first day of our school's foundation week. Sobrang saya ng pagsisimula ng linggong ito. Sa bungad palang ng school ay may tumutugtog na parang tribal. Makulay at may pagka Pilipino ang disenyo sa school namin.

Kahit pa masaya ang araw na ito hindi ko pa rin makalimutan ang sinabi sa akin ni Marc kagabi. Oo, alam ko na mali ako dahil sinilip ko ang kanyang cellphone na walang permiso. Nagsorry na rin naman ako sa kanya kagabi kaso naguguilty pa rin talaga ako.

Naglalakad ako patungo sa booth namin nang bigla akong kalabitin ni Jamie. "Good morning, Andrea! Ready ka na ba na magsuot ng korona this Friday?" Ay oo nga pala, sa Friday na rin pala ang pageant. Mas lalo tuloy akong kinabahan.

"Di ko naman sigurado na ako ang mananalo doon, Jamie. Madami rin kasing magagaling na kasali don." Nangasim naman ang itsura niya at parang hindi naniniwala sa sinabi ko.

"Tsk, kayang kaya mo yan no! Tsaka do your best kasi panigurado at malamang si Dave na naman ang Mr. University nyan."

Nagpaalam na rin kami sa isa't isa ni Jamie dahil may laro raw siya ngayon ng Chess at kailangan na niya magdali baka madisqualified pa siya. Agad kong nakita si Angelo at Samara na busyng-busy sa pagaayos ng booth namin. Si Justin naman ay nagkakabit ng karatulang JAIL BOOTH. 5 PESOS PYANSA MAY LIBRENG KISS KA PA panigurado kahit bading magpapahuli samin.

Inatasan ako ni Samara na may ayos ng mga ticket na ibibigay sa mga magpapapyansa. Abala ako sa pagaayos nang may biglang nagtakip ng mga mata ko. I heard him chuckled and I know his scent. Dave...

"Dormmate..." bulong ko, tinanggal ko ang kamay na nakatakip sa mga mata ko at hinarap kung sino iyon. Tama nga ako dahil si Dave 'yon.

"Good morning, Captain!" Bati ni Angelo kay Dave, sinuklian naman ni Dave iyon ng tango.

Dumating si Marc. Nahihiya akong batiin siya. "Hello, Andrea. I'm sorry for the commotion last night. Sana friends pa rin tayo. Friends pa naman tayo diba?" Sabi ni Marc, lumapit siya sa akin. Tumango ako bilang sagot at ginulo naman niya ang buhok ko. Medyo gumaan na ang dibdib ko dahil alam kong okay na kami ni Marc.

"Okay na!!! Shet, all set na pwede na tayo magaannounce ng huhulihin!" Masayang sabi ni Angelo, agad silang nagtakbuhan doon sa may mic at speaker.

"Hoy Justin! Ako muna ang magaannounce! Mamaya na kayo nila Samara." Pagrereklamo ni Angelo at nakabusangot na ang mukha.

"Good morning, Ochupa Students!!!! This is Justin Ferrer of the Red Lions!! Ang una naming huhulihin, mga babaeng walang suot na panty!!!!" Agad na tumakbo sila Angelo, Marc, Samara at Justin upang manghuli. Naiwan naman kami ni Dave sa booth. Nakita kong tumingin siya sa akin.

"Bakit?" tanong ko sa kanya.

"May suot ka bang panty?"

Pumula naman ang pisngi ko. "Oo naman noh! May suot kaya ako." Yumuko si Dave at pilit na inaangat ang palda ko. Hinayaan ko naman siyang gawin iyon, natatawa nalang ako sakanya.

Dumating si Angelo na may tatlong babaeng bitbit. Shocks! Nakita ko ang pagkababae nila, mga wala nga silang panty. Tumingin ako sa paligid, ang ibang babae ay tinatanggal ang panty nila para siguro mahuli sila. Sunod na dumating sila Samara kasunod naman nila ang mga boyfriend ng mga babaeng nahuli nila. Panay ang reklamo nila.

"Bakit ba kayo nagrereklamo? Kami ba nagtanggal ng panty ng girlfriends niyo?" Sabi ni Samara sabay ngisi sa mga boyfriend ng mga babaeng nahuli nila.

"Gusto niyo ba magpyansa?" Tanong ni Dave sa mga babaeng kusa ng pumapasok sa gawa gawa naming selda. Sunod sunod ang tango nila. Siguro dahil sa karatula na nakalagay sa booth namin. Ang magpapyansa ay may libreng halik sa Red Lions. Kung ako din naman ang nakakulong, magpapyansa rin ako pero kay Dave lang ako hihingi ng kiss. Mehehehe.

"Umalis na nga kayo, mga asungot na boyfriend ng mga babaeng kami naman ang gusto. Tsupe!! Get lost!" Ani Angelo at nakipag-apir pa sa mga babae. Humagikgik naman ang mga iyon.

"Ako naman ang magiisip ng huhulihin." Presenta ni Angelo, hawak niya ang mic. "Hello, naririnig niyo ba ako? What's up mga ka-paa! Ang next naming huhulihin ay mga students na braces!"

"Hala! Tangina kakapatanggal ko lang ng braces ko, bish! Bawal ba retainer?!?!" Sigaw ng isang babaeng nasa gilid namin. Agad naman akong natawa dahil desperada na silang mahuli at makulong sa selda kung saan tanaw na tanaw mo ang Red Lions.

Nagpaalam ako kanila Dave na pupunta muna ako sa Cafeteria at bibilhan ko sila ng makakain. Masyado kasing mabenta ang jail booth namin at sobrang busy nila. Alam ko naman na pagod at gutom na sila.

Nag-insist pa nga si Dave na siya na lang ang bibili kaso di ko naman ang gusto kong kainin kaya sabi ko ako nalang para makapamili ako. Sasamahan pa nga niya dapat ako kung hindi lang siya hinila ni Justin kasi sobrang busy sa booth at kailangan daw niyang tumulong.

Narinig ko ang sunod na announcement ng huhulihin ang hula ko si Samara na ang nagsasalita. "Guys! Students! Dahil pagod na kami, kayo naman ang manghuli. Ang huhulihin niyo ay ang pinakamamahal na babae ni Captain Dave namin! 2 minutes lang ang time limit. Ang makakapagdala sa booth namin ay may special na gift mula samin."

Dave's POV


"Gago ka talaga, Samara! Dinamay mo pa si Andrea. Baka pagkaguluhan siya doon sa canteen." Sabi ko pero medyo natatawa kay Samara. Naiisip ko ang sitwasyon ngayon ni Andrea. Baka binuhat na iyon ng ibang estudyante at dahil dito.

"Swerte naman unang makakapagdala kay Andrea dito. Diba cap? Wala naman silang ibang dadalhin bukod kay Ands eh." Ani Justin.

Maya maya pa ay may kumpol ng mga estudyante ang nasa booth namin.

"Dala ko na si Andrea!" Sigaw ng isang grupo.

"Nandito na si Natalie! Ako ang panalo!" Sigaw naman nung isang grupo. Kumunot naman ang noo ko. Si Natalie nandito? Paano naman nangyari yun? Ang huli kong balita ay nasa Italy yun dahil sa papa niya.

Hinanap ng mga mata ko ang mukha ni Andrea. Batid sa mukha niya naguguluhan siya. Sa kabilang banda ay nakita ko si Natalie, diretsong nakatingin sakin at nakangiti.

"Bakit dalawa ang dala niyo!? Dapat isa lang!" Sabi ni Angelo.

"Mali kasi ang sinabi ni Samara. Dapat yung latest at recent na mahal ni Dave. Hindi yung past niya." Ani Marc.

Napansin kong nagkatinginan si Andrea at Natalie. Nawala ang ngiti sa labi ni Natalie nang makita niya akong papalapit sa pwesto ni Andrea. Lalaki pala ang may hawak kay Andrea.

"Get your hands off her." I said coldly to the boy who's holding Andrea's arm. Agad naman niyang binitawan iyon. Hinila ko si Andrea papalapit sakin.

"Dave, siya pala si Natalie? Hmm, kasama siya sa Ms. University eh. Maganda pala talaga siya no?" Tanong sakin ni Andrea, hinalikan ko naman ang noo niya.

"Hindi naman. Mas maganda ka parin sa kanya. Ikaw lang ang maganda sa mga mata ko." Pabiro kong sagot sa kanya at mas lalo pa siyang hinila palapit sa katawan ko.

"Bolero ka talaga, dormmate!" Halakhak niya. Si Marc naman ay lumapit sa kinaroroonan ni Natalie at parang may sinabi doon at tumalikod na si Natalie na parang nagdadabog.

"Anong sinabi mo sa kanya, Marc? Bakit nandito yung babae na yon?" Tanong ko. Ngunit di ako sinagot ni Marc imbes ay tinanguan nalang niya ako. Alam ko na ang ibig sabihin non, mamaya nalang niya ako kakausapin.

Nagpaalam na ako sa booth. Sabi ko ay mauuna na kami sa dorm ni Andrea. Habang naglalakad kami papalayo ay narinig ko pa ang paguusap nila Samara.

"Tangina ang awkward talaga. Di ko naman alam na may magdadala kay Natalie. Akala ko naman alam nilang si Andrea ang girlfriend ngayon ni Captain. Shit talaga." Sabi ni Samara. Inasar naman siya ni Justin. "Lagot ka! Tatanggalin ka na ni Cap sa Red Lions tapos ipapalit si Cole."

"Pakyu ka Justin." Sagot ni Samara at nagtawanan na sila doon.

-
Hi, lippies. Sorry natagalan ang update! ♡

Lions Series Book 1: DeeperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon