Chapter 12

2.1K 16 0
                                    

Justin's POV

Naiwan kaming magkakasama nila Angelo at nagiinuman pa rin. Bakit nalang tuwing may magugustuhan si Dave ay nangyayari ang ganong bagay? This time mas malala ito. May gusto na rin ako kay Andrea pero mas matimbang pa rin ang pakikipagkaibigan ko kay Dave kaya mas pinili ko nalang na itago ang nararamdaman ko sa kanya. I hope eventually mawala na ito.

"Hoy, Justin lalim ng iniisip natin dyan ha? Hahahaha" lasing na turan sakin ni Samara. Itinaas ko lang ang gitnang daliri ko at tumawa.

"Magpahinga na nga tayo at umuwi na kayo sa dorm niyo. Maaga pa ang orientation ng bukas kasi malapit na naman ang foundation week." ani Marc at nagligpit ng mga wala ng laman na bote.

Tumango tango naman si Angelo, "sige mga erp, i miss you all.. sweet dreams"

Dave's POV

Ang ingay naman dito sa gym. Ang daming estudyante, mandatory kasi na lahat umattend ng orientation for the upcoming foundation week. Pwedeng pumunta ang mga taga ibang school sa amin. Panigurado madami na namang bagong chix sila Justin, magiging iba lang kasi di na nila ako kasama. Kuntento na ako kay Andrea, tinignan ko siya at nakahinga ako ng maluwag kasi alam ko na akin siya.

Hinila niya ako papunta kanila Angelo na kumakaway. "Ayun sila, dorm mate!"

Umaakyat ang principal ng school namin para sa opening remarks. Tinapik tapik nito ang mic. "Good morning my dearest students. Alam niyo naman siguro at naabisuhan na kayo ng school na malapit na ating foundation week. Maraming inihanda ang ating student council." Naghiwayan naman ang mga tao sa loob, "at ang nakasanayan na pwedeng pumunta ang ibang estudyante dito. Alam ko na gusto niyo yan diba?"

"Gustong gusto namin yan!!" sabay sabay na sigaw nila Samara, Angelo at Justin. Si Marc naman ay nakaearphones at nagbabasa na naman ng bagong novel, Deep Thrust Issues.

"Pwedeng pumunta ang ibang estudyante from different schools dito, dorm mate sa foundation week?" tanong ni Andrea, tumango naman ako bilang sagot. Pumalakpak siya. "Why? Expecting someone?" may bahid ng inis ang boses ko. Kumunot naman ang noo niya, fuck she's so cute at sabay iling. Hinimas ko ang buhok niya at lumapit ako sa tenga niya, "very good, that's my girl."

Nasa classroom na kami at nagiisip kami nila Angelo ng booth na gagawin. Last year kasi kami ang namahala sa one hour hotel booth. "Kung jail booth kaya ang gawin natin? Mas fun yun kesa last year at syempre tiba tiba tayo sa pyansa niyan mga pare." nakangising suggestion ni Marc na agad sinangayunan nila Justin.

"Oo tapos yung unang huhulihin yung mga babaeng walang pubic hair." binatukan ko naman agad si Justin. Libog talaga ng isang ito. 

Andrea's POV

Naakbay sakin si Dave habang nakikinig sa discussion, nakikiliti ako sa ginagawa niya sa leeg ko. Binigyan niya ako ng maliliit at nakakakiliting mga halik dahilan ng aking mahina na paghagikgik. 

"Damn, kahit pagtawa mo nagiinit ako." Pinalo ko naman ng mahina ang braso niya. Narinig ko naman na may sumitsit sa likod namin. Si Angelo pala na nirerecord ang paglalandi ni Dave sa akin. "Fuck you, Angelo ibaba mo yang phone mo o ibabato ko yan?" pagbabanta ni Dave, agad naman tinago ni Angelo ang phone niya.

"Tanga di mo napindot yung save." ani Samara at binatukan si Angelo. 

Sumimangot naman si Angelo at binelatan niya si Samara. 

Mag-isa akong naglalakad patungo sa dorm na makita ko ang nagkukumpulan na mga babae nakapila sila. Nagtanong ako sa isang babae na nakapila. "Hmm, hello. Anong meron dito?" 

"Registration ng mga sasali sa Ms. Ochupa University. Sasali ka ba?" tanong niya sakin. Napatingin ako sa mukha niya, may kulay asul siyang mga mata at maganda ang pagkakatangos ng kanyang ilong. Ang labi naman niya ay manipis at mapula pula. Ngumiti siya sakin, pati ang ngipin niya ay perpekto. "Sali ka na, minsan lang naman to eh. Tsaka sa tingin ko mageenjoy ka."

Di ko namalayan na nakapagparegister na ako, hindi kasi maalis sa isip ko ang babaeng nakausap ko kanina parang kilala ko yun, basta nakita ko na siya somewhere.

Hindi ko kasabay si Dave na umwi sa dorm dahil may practice sila ng basketball. Ang sabi ko naman sa kanya na wag siya masyado magpapagod at binigyan ko din siya ng tubig.


Angelo's POV

Putanginang training to nakakapagod. Pinasa ko kay Dave ang bola at shinoot naman niya iyon, hays ang galing ng lodi ko. Nagpabreak si coach ng 10 minutes, inabutan ako ni Xyril ng tuwalya. Nakakunot ang noo niya at magkasalubong ang kanyang on fleek na kilay. Nagtataka ba kayo kung bakit niya ako inabutan ng tuwalya at bakit siya nanunuod ng training namin, natalo kasi siya sa pustahan at kailangan niya maging girlfriend ko ng one month.

"Eto na tuwalya mo kamahalan." mahina naman akong tumawa, mas lalo siyang sumimangot. Lumapit sa amin sila Justin. "Hi, Xyril. Bat ka pala andito?" tanong ni Marc, tinuro naman ako ni Xyril.

"Buti at pinagbigyan mo na si Angelo sa gusto niya." ani Dave.

"Hindi ko piniling ibigay ang gusto niya, natalo lang kasi ako sa pustahan namin. Nakakainis ang gunggong na yan." 

Tumawa naman sila ng malakas at pinakyuhan ko sila. "Doon na nga kayo, minsan na nga lang pumayag si Xyril na sumama sakin eextra pa kayo. Sige na mga tol doon na kayo shoo!"

"Tangnamo Angelo, tigang ka pa rin." sigaw ni Samara.

Hahalik naman sana ako sa labi niya kaso bigla niyang hinarang ang bag niya kaya ang bag niya ang nakatanggap ng halik ko. 

"Tigil tigilan mo nga ako Angelo. Mag practice ka pa kasi baka ikaw ang magpatalo sa unang game niyo. Tsaka wag kang lalampa lampa." 

Ngumiti naman ako at binigyan siya ng flying kiss ng makapunta na ako sa court at nagpractice shooting na ulit.

-

Lions Series Book 1: DeeperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon