Andrea's POV
Maaga akong nagising dahil may orientation daw ngayon ang mga sasali sa Mr. and Ms. Ochupa University. Nagpowder at naglipbalm lang ako. Hindi ko na kailanga maglagay ng blush on dahil natural na ang pagkapula ng pisngi ko. Tinignan ko si Dave na tulog pa. Lumuhod ako para bigyan siya ng halik sa pisngi ngunit niyakap niya ako dahilan ng pagkakasubsob ko sa kanya.
"You smell nice. Scratch that, you always smell nice. Where are you going?" he said in a throaty voice. Uhhhh!!! Ang manly nakakainis. Siniksik ko ang mukha ko sa leeg niya. Ang bango niya.
"Nakikiliti ako... shit." aniya na parang nahihirapan.
"Dave, kailangan ko na umalis baka malate ako eh." Oo nga pala di ko pa pala nasasabi sa kanya na sumali ako sa Ms. Ochupa University.
"Saan ka nga pupunta?"
"Dave, kasi kahapon... ano..."
Huminga siya ng malalim, "then?"
"Sumali ako sa Ms. Ochupa University." mabilis kong sagot, lumayo ako sa kanya at nagtakip ng mukha. I heard him chuckled.
"Tamang tama pala, sasabay na ako sayo." tumayo na siya at dumiretso sa banyo. Sumali rin kaya siya sa Mr. Ochupa University?
Magkahawak kamay kaming nagpunta sa auditorium, nandon lahat ng sasali.
Nakita ko na nagsasapakan at nagbibiruan sila Angelo. Huh? Sumali sila.
"Uy! Good morning love birds!" masiglang bati ni Angelo samin, "Andrea, sumali ka pala? Tama yan para maenjoy mo ang climax ng foundation week."
"Sumasali rin pala kayo sa ganito?" tanong ko sa kanila. Tumango naman sila ng sabay sabay.
"Oo, parang naging tradisyon na namin tong magtotropa na sumali dito. Ang saya kasi tapos daming nakabikini." ani Samara at agad siyang kinurot ni Justin.
"Isusumbong ka na talaga namin sa fiance mo. Dave, text mo nga si Julienne." sabi ni Angelo, kinuha naman ni Dave ang cellphone niya sa kanyang bulsa, hawak parin niya ang kamay ko.
"Hoy mga gago! Walang ganyan! Tangina niyo ha! Aawayin na naman ako non, hirap pa naman suyuin non." tumawa naman ng malakas sina Angelo at Dave. Kawawa naman si Samara at pinagtulungan. Wait, kulang sila.. Wala si Marc.
"Nga pala, bakit wala si Marc?" tanong ko sa kanila.
"Nakow po, di mo naman mapapasali sa ganito si Marc, kilala mo naman yon medyo seryoso ang aura non at ayaw niya sa ganito. In short, KJ." sabi ni Justin at pinagsangayunan naman nilang lahat.
Umakyat na sa stage si Mrs. Vergara. Siya ang namamahala sa foundation week lalo na sa Mr and Ms Ochupa University.
"Good morning to our Mr and Ms Ochupa University contenders!" masaya niyang bati sa lahat, "kayong lahat ay naririto dahil umaasa kayo na maging Mr. and Ms. Ochupa University, tama ba?" sumagot naman ng oo ang mga tao na naroon.
"Ieexplain ko today ang mga rules ng pageant. Una, pageant so may rampahan na magaganap. Girls will wear two piece any of your choice and boys will wear trunks. Kaya ang mga baby fats, alisin yan meron pa naman kayong one week para magpatoned ng body. Pangalawa, question and answer portion. Dapat ma-please niyo ang mg judges sa sagot niyo. Pangatlo, ang mananalo ay magiging face of the year ng student paper at school's magazine."
"Wow! Ang galing." bulong ko. Tinapik naman ako ni Angelo. Tumingin ako sa kanya.
"Alam mo ba na si Dave lagi ang Mr. Ochupa University. Ang daya nga eh, panget naman ng sagot niya. Dapat ako nananalo don eh." ani Angelo at pinakyuhan si Dave, si Dave naman ay nagsmirk lang.
"Hala! Talaga? Si Dave ang nanalo last year?" hinigpitan ko lalo ang hawak ko sa kamay ni Dave. I'm so proud of him. Tutal gwapo naman siya at maganda ang katawan.
"For criteria of judging: Online votes is 15%, Swimwear is 10%, Audience impact is 10%, Evening gown is 20% and Q&A is 45%, a total of 100%" dugtong ni Mrs. Vergara. Ang laki ng percentage ng Q&A kaya dapat mas galingan ko. Lalo na at kasali si Dave panigurado siya na naman ang mananalo.
Dave's POV
"Hoy, Dave. Magpatalo ka naman." kanina pa ako kinukulit ni Angelo, konting konti nalang at masasapak ko na to.
"Huwag ka ngang magulo dyan. Kesa magmakaawa ka sakin e magisip ka ng strategy kung paano mo ako matatalo. Imbes na magsuot ka ng trunks, wag nalang. Sigurado akong nasa Top 5 ka na agad dahil mga gay ang judges." tumawa ako ng makita ang pagkunot ng noo niya.
Inihilig ni Andrea ang ulo niya sa balikat ko, tumingin siya sakin at nginitian ko siya.
Nagvibrate naman ang cellphone ko. Isang text message galing kay Marc.
From: Marc
Dave, she's back. She's here. Nakita ko siya dito sa class ko. I'm just informing you. Baka makasalubong mo nalang.
My jaw clenched as soon as I read Marc's fucking message. Ano naman ngayon kung bumalik siya? I am not affected. Hindi dapat ako maapektuhan sa presensya niya. As long as Andrea is here then I'm fucking fine.
Tinignan ako nila Samara, Justin at Angelo panigurado alam na rin nila ang tungkol sa pagbabalik ni Natalie.
"Nga pala, jogging tayo bukas pampatanggal lang ng baby fats. Ang panget naman rumampa na medyo may bilbil pa tayo. Hehehe." pambasag sa katahimikan ni Angelo at may binulong siya kay Justin.
"Sige sige gusto ko yan!" ani Andrea. Di ko alam ang gagawin ko kapag nasira kami. Kaya kailangan ko ayusin ang bawat galaw ko. I need to be more extra careful.
"Bukas din pala ayusin na din natin ang mga kailangan sa booth. Nagsabi na din kasi ako sa Mr. Mandela na tayo ang magjail booth ngayon." sabi ni Samara.
"Sige, tapos magiisip na rin ako ng possibleng mga hulihin natin." ani Andrea at medyo humagikgik. Sakin lang ang babaeng to.
-
BINABASA MO ANG
Lions Series Book 1: Deeper
General FictionLions Series #1 Andrea Falcon and Dave Llanes