Chapter 9

2.7K 12 2
                                    

Dave's POV

Nandito kami ngayon ni Andrea kasama sila Angelo sa canteen. Kakatapos lang ng first subject namin.

"Ang tagal ng sembreak mga lodi." ani Angelo, "gusto ko na umuwi sa probinsya namin." dugtong niya.

"Saan nga pala ulit province mo, brodie?" tanong ni Samara sa kanya.

 

"Coron, Palawan." 

"Hala! Maganda dyan diba. Daming chicks dyan." sabi ni Justin na binatukan agad ni Marc.

 

Hinimas himas naman ni Justin ang ulo niya sa... taas at nagpout. Ang bakla ampota, werpa!

"Dave." Tawag ni Andrea sa pangalan ko. Lumingon at napatitig ako sa kanya, ang ganda talaga ng mukha niya lalo na nung mga mata niya. 

"May naaalala ka bang sinabi mo kagabi?"

Huh? Sinabi ko kagabi? 

"Wala naman, bakit? Ano ba yung sinabi ko?"

"Sabi mo Natalie."

Halos mapanganga kaming lahat nila Angelo sa sinabi ni Andrea. Puta, sinabi ko pala yun kagabi? Baka sa sobrang pagod.

"Oooooy putangina mga lodi, nabilaukan tayo sa sinasabi ni Andrea. Natalie daw ooh." sabi ni Justin at bumulong kay Angelo. Si Angelo naman at tumango tango at tumingin sakin. Pinakyuhan ko naman siya.

"Pero, sino muna yun?" tanong niya ulit. 

"Dati naming classmate yun, katulad mo naging close namin siya." Pageexplain ko, sana wag na siya maging curious kung sino si Natalie. Kasi ayoko ng balikan ang nakaraan. Matagal ko na siyang kinalimutan katulad ng paglimot niya sa amin... sa akin.

"Oo, at katulad mo magiging gf ka din ni Dave." sabi ni Samara sabay tawa. Tinakpan naman ni Angelo ang bibig niya.

"Gf? Edi gf ni Dave yun?" -Andrea

Umiling naman si Marc, "Oo gf naming lahat si Natalie katulad mo gf ka namin. Kasi kaibigan ka namin na babae."


"Ah yun pala yun. Thank you Marc." Ngiti ni Andrea kay Marc, nakahinga naman ako ng maluwag. Di lang matalino si Marc, maaasahan din siya sa oras ng pangangailangan.





Andrea's POV

"Hi, Andrea." Bati sa akin ni Edward sabay abot ng isang boteng tubig. Nginitian ko naman siya at tinanggap yung tubig. 

"Ang energetic mo kanina sa practice ah." -Edward

"Syempre kasi sabay kaming nagbreakfast ni Dave."

"Dave? Yung captain ball ng Lions." Tumango naman ako bilang sagot. 

"I see. Mm? Btw, lunch later? Libre ko."

That time nagvibrate din ang phone ko. There's a text message from Dave.


From: Dave ♡

Hi beaurgeous! Lunch @ 11:45 am. I'll pick you there in the gym.


Pagkabasa ko non ay tinignan ko si Edward at umiling. "I'm sorry, may lunch kami ni Dave mamaya. Maybe sa ibang araw." Lumungkot naman ang mukha neto at pilit na ngumiti.


"Sige, Andrea. Una na ako." Tumalikod siya sa akin at nagpunta na kanila Neon at Cole. 


I saw Cole looked at me with disgust. Di ko alam kung ano ang sinabi ni Edward sa kanya at ganon siya tumitig sakin. Baka kasi nireject ko yung invitation niya for lunch. Waaaaaaa!! ≥﹏≤

"Back to practice!" Ani Mamite Venice at pumito. 

Agad kaming pumwesto. Nang magumpisa na ang kanta ay agad kaming sumayaw. I never thought dancing would be fun. 

Meron kaming part na kung saan bubuo kami ng pyramid. Yung mga lifters ko ay agad na lumapit sakin, si Cole, Neon at Edward. Narinig ko na bumulong si Cole ng 'bitch.' And it made me stunned.

Huminto ako sa pagsayaw. Sinabi sakin ng Mama ko na wag na wag ako magpapatawag ng bitch kasi di ako girl na dog. And bad daw ang meaning non, kasi ibig sabihin kung kanikanino ka nakikipagfuck. 

"Anong sabi mo?!" Medyo napalakas ang boses ko at hininto ni Mamita ang kanta at napatigil ang lahat sa pagsayaw. 

"Hey hey, what's happening here mga anak?" Lapit ni Mamita samin. I fisted my hands dahil sa galit.

"I said, you're a bitch. Dave's little monster." Ani Neon at mabilis na dumapo ang kamao ko sa mukha niya dahilan ng pagupo niya sa sahig.

"Don't you ever dare call me that again! Because, if you ever utter that word again in front of my face. I'll show you one." Hindi ako nagalit ng ganito ever since, ngayon lang. Kaya Lord, sorry kung nakasakit ako ngayon. Nakakagigil lang kasi siya.

"Hindi muna ako magpapractice ngayon Mamita." Pagkasabi ko non at dinampot ko ang bag ko at naglakad na palayo sa gym.



Angelo's POV

"Hoy putangina! Ibalik mo sakin 500 pesos ko." Sigaw sakin ni Samara pero mabilis ko siyang tinalikuran at tumakbo. Sakto napadaan ako sa gym ng marinig ko ang pagsigaw ni Andrea.

"Anong sabi mo?!" Uy si Andrea yun ah, sumilip ako sa may pintuan, nakita ko ang pagtigil ng mga tao. May sinisigawan siyang lalaki. Aba ang kupal nginisian pa si Andrea. Nangangati ang mga palad ko na mambugbog.

"I said you're a bitch. Dave's little monster." Ah si Cole pala yung nagtryout sa basketball pero hindi napili, kaya pala nag cheerdance nalang ang mokong. Fucking gayshit.


Kinuha ko ang cellphone ko at mabilis na tinawagan si Dave. Nakaapat na ring lang at sinagot niya iyon.


"Oh anong kailangan mo?" sagot ni Dave. Huminga muna ako ng malalim.

"Si Andrea, may kaaway dito sa gym dalian mo kung hindi ako na bubugbog dit-" ay puta binabaan ako ng tawag.

Tinawagan ko na rin si Justin, Marc at Samara. Tangina, may masasapak na ulit ako. Bobong Cole, black eye ka mamaya.





♡: Hi readers! Thank you sa paglagay ng story ko sa reading list niyo. Maguupdate na ako madalas kasi sembreak ko na. xoxo

Lions Series Book 1: DeeperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon