Chapter 10

2.5K 12 0
                                    

Dave's POV

Para akong bulkan na sasabog sa sinabi ni Angelo. Nagkita kita kami sa isang room na walang tao.

"So anong plano?" tanong ni Marc, binaba niya ang librong binabasa. Pucha yung title, Wet thy Pussy. 

Hinimas ko ang sentido ko at nagisip. Si Angelo naman ay palakad lakad. "Dave, ano na?! Bugbugin na kasi natin. Yung mga ganong tao di na pinagiisipan ng plano. Shit." 

Ramdam ko ang galit ni Angelo, syempre may feelings ako kay Andrea. Malapit lang talaga si Angelo sa mga kaclose namin dahil may kapatid siyang babae, ang kakambal niyang si Angela. Pero hindi dito nagaaral si Angela baka daw kasi makapatay si Angelo kung may gagalaw sa kapatid niya.

"Ganito mga lodi, kunwari ipapatawag natin yung mga hindi natanggap sa tryouts pero si Cole lang talaga yung sasabihan natin tapos dun na natin isagawa ang ritwal! Hahahahahahaha." ani Justin at inapiran siya ni Marc. 

"Himala, may naisip kang tama." ani Marc at pinakyuhan siya ni Justin.

Tumango ako, "gusto ko 'yang iniisip mong plano Justin." Tinext ko si Cole.




To: Cole

All students that didn't passed the tryouts you can go to gym for another chance. Be there at exactly 6:30 PM. - Captain Dave

Lintek lang ang walang ganti.

Andrea's POV

Nakaupo ako ngayon sa swing at nagmuni muni. Naiisip ko pa rin ang sinabi sa akin ni Cole kanina.

Am I really a bitch? Pero, si Dave at yung mga kaibigan lang niya ang kasama ko at wala kaming ginagawang masama. At tsaka si Dave lang naman talaga ang gusto ko.

Gosh, naiiyak ako. Nakakabwisit at nakakainis. Pero dahil sabi ni Mama, love your haters. Sige, love ko parin si Cole. Naniniwala akong si Papa God na ang magpaparusa sa kanya.

"Teh, bakit magisa ka dyan na nagdadrama?" Ani Jamie. Nasa likuran ko na pala siya, di ko man lang siya napansin. Nagsmile ako at kumaway sa kanya.

"Kapag ba magdadrama kailangan by group?" sagot ko at natawa naman siya.

"Hay nako, ang cute mo talaga. So anong problema natin?"

"Wala naman akong problema ah."

"Sure ka ba?"

Hindi ko na napigilan at napalahaw na ako ng iyak. "Huhuhuhu kasi kanina Jamie, nakaaway ko yung isa kong lifter na si Cole. Sinabihan niya kasi ako ng bitch."

"History repeats itself nga naman talaga." hinimas himas ni Jamie ang ulo ko at pinapatahan niya ako. "O sya, wag ka na umiyak for sure kawawa yun."

"Bakit naman siya magiging kawawa? Ako kaya yung kawawa." nagpout ako at tumawa siya ulit. 

Ginulo ni Jamie ang ulo ko, "Basta teh, wag ka na umiyak. Papanget ka nyan sige ka. Tapos sakin na magkakagusto si Dave. Hahahaha joke." 

Kumunot naman ang noo ko, "No way! Akin lang ang dorm mate ko, okay?!"


"Hindi ka naman mabiro. Oo na iyong iyo na sistaret! Sige maiwan na kita dyan, may klase pa ako."

Narinig kong tumunog ang tyan ko. Gutom na ako, tumingin ako sa relo ko 11:30 AM na. Mag lalunch pa pala kami ni Dave. Tumayo na ako at nagpunta sa canteen.

Dave's POV

Bumili ako ng Chicken Curry at dalawang rice at dalawang iced tea. Palinga linga ako sa loob ng canteen.

Lions Series Book 1: DeeperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon