Dave's POV
Nakatambay kami nila Angelo ngayon sa Track and Field. Kakatapos lang namin mag jogging. Inabutan ako ni Justin ng isang electrolyte drink.
"Pre, isang van nalang kaya dalhin natin kaysa magdala pa tayo ng tig iisang kotse." Sabi ni Angelo. Sumang ayon naman kami. Mahirap na rin kasi magdala ng ibang kotse tapos magcoconvoy pa.
"Sino sino ba tayong magkakasama bukas?" Tanong ko. Bukas na kasi yung outing namin sa rest house nila Marc sa Calatagan, Batangas. Open naman ipagamit samin yun sabi ng mga magulang niya. Pero baka sa summer, doon kami magpunta kanila Angelo sa Palawan.
"Dave, sasama si Natalie." Biglang sumingit si Marc sa usapan. Napatigil naman kami sa pagsasalita.
"Bakit daw siya sasama?" Tanong ni Justin. Gusto kong magalit kay Marc pero wala naman akong karapatan dahil pwede naman niya isama ang kahit na sinong gusto niya isama dahil sa kanila naman ang rest house na tutuluyan namin.
"Hindi nalang kami sasama ni Andrea."
"Dave. Hindi ba ito ang best time na ipakita mo kay Natalie na wala ka na talagang nararamdaman sa kanya? Kasi kung patuloy mo siyang iiwasan, magaassume siya na may gusto ka pa sa kanya dahil hindi mo siya maharap." Ani Marc. Nakatingin lang ang iba sa amin. Kinuyom ko ang kamao ko upang pigilan ang nagbabadyang iritasyon para kay Marc.
"Wala kang alam sa nararamdaman ko Marc. Wag kang magkarunong." Tumayo ako upang umalis.
"Duwag ka, Dave. Pinipili mong takasan kaysa harapin. Bakit? Natatakot ka na malaman na may gusto ka pa nga sa kanya at ginagawa mo lang panakip butas si Andrea?" Ngumisi pa si Marc. Tumakbo ako palapit sa kanya para hawakan ang kwelyo ng damit niya.
"Ano susuntukin mo ako? Tsss."
"Para kayong mga bata! Captain! Marc! Tama na nga yan. Huwag niyong sabihin na masisira tayo dahil lang sa lecheng outing na to at kay Natalie?!" Pagalit na sigaw ni Samara.
Binitawan ko ang damit ni Marc. "Okay. Tuloy ang outing. Wala na akong pakialam kung sino ang isasama mo." Tumalikod na ako at naglakad palayo.
Marc's POV
"Tangina mo naman pare! Akala ko magsusuntukan na talaga kayo ni Dave. Fuck kayong dalawa." Ani Angelo at medyo natatawa ako sa kanya. Kita ko kasing namutla siya kanina.
"Marc, putangina ka. Talagang trinigger mo pa si Captain dahil isasama mo si ex girlfriend. Hahahaha." Ani Samara at pinakyuhan ako.
Ginagawa ko lang naman to para mas tumibay pa ang pagmamahalan ni Dave at Andrea. Upang ma sort out na ni Dave ang kanyang nararamdaman.
Andrea's POV
Nandito kami nila Angelo sa mall. Mamimili ng mga dadalhin bukas. Sinabi ko rin kasi kay Dave na gusto ko mamili ng mga bagong swim suit at slippers. Mag gogrocery din kami.
Hindi ko ineexpect na sasama si Natalie sa outing namin at kasama siya ngayon sa pamimili. Kausap niya sila Samara at nakikipagtawanan pa ito. Ramdam ko naman ang tensyon sa pagitan nila ni Dave.
Hinawakan ko ang kamay ni Dave habang nag lilibot kami sa loob ng department store. Pinilian ko rin siya ng slippers at shades na gagamitin namin bukas.
May nagustuhan akong shades at kukunin ko na dapat iyon ng magtama ang mga kamay namin ni Natalie. "I'm sorry. Gusto mo rin ba neto?" Tanong niya sakin. Hindi naman ako agad nakasagot. Lumapit si Dave sa pwesto ko ngunit hindi siya nagsalita.
May lumapit samin na store crew. "Ma'am, last piece na lang po iyan. Ang ganda po kasi ng design eh. Kaya mabilis na naubos." Binitawan ko na ang salamin at tinignan si Natalie. "Sayo nalang yan. May magugustuhan pa naman akong iba eh." Nginitian ko siya.
Nagpunta naman kami ni Dave sa mga cosmetics. Naisip ko rin bumili ng make up. Katulad ng blush on, lipstick at pang kilay.
Nakita ko na naman si Natalie. Talaga bang pinagtatagpo kami ng destiny? Nagsusubok siya ng mga lipstick.
"Wag na tayo dito Dave." Aya ko kay Dave.
"No. Mamili ka na para magamit mo na rin bukas." Sabi niya at tinulungan niya ako mamili ng mga make up. Nakakatawa siya kasi kahit ano nalang ang dinadampot niya at inaabot sakin.
Napansin ko sa gilid ko na nakatingin samin si Natalie. Halatang inggit na inggit samin ni Dave. Kawawa ka naman girl kasi akin siya. Pinakawalan mo eh, magsisi ka ngayon.
Angelo's POV
Putanginang yan. Sa tatlong oras namin sa loob ng department store isang trunks lang ang nabili ko. Pero si Andrea at Natalie mukhang enjoy na enjoy.
Nagpasya kaming kumain dahil ginutom kami sa paglilibot. Sa Shakey's kami kumain at nagorder kami ng dalawang monster deal.
"Excited na ako for tomorrow. Ang tagal din kasi natin hindi nakapag outing diba?" Pambabasag ko ng katahimikan. Wala kasing naguusap panay kain lang sila.
"Ako rin Angelo!! Excited kasi ang tagal ko na hindi nakakapunta sa beach eh." Ani Andrea at nilagyan ng manok ang pinggan ni Dave.
"Hindi mahilig sa manok si Dave." Bulalas ni Natalie habang kumukuha ng pizza at ilalagay din sa pinggan ni Dave. Oh Fuck!! Bakit may ganitong scene? Akala ko sa mga tv serye lang ito makikita.
"Madaming nagbago sakin Natalie. Paborito ko na ang manok." Sabi ni Dave at kinagatan ang manok na nilagay ni Andrea sa kanya. Kinuha naman ni Justin ang pizza sa plato ni Dave. "Okay akin nalang tong pizza ah?" Sabi ni Justin at hilaw na tumawa.
Nasasaktan din ako sa pinapakita ni Dave kay Natalie kasi kahit papano naging parte rin siya ng grupo namin pero syempre hindi maiiwasan sa pagmamahalan ang sakitan. Kaya minsan ayoko na maniwala sa lecheng pag ibig na yan. Binabaliw lang nyan ang tao eh.
"6:00 AM tayo aalis bukas. Para hindi masyadong mainit at makarating tayo doon ng 9:00 AM." Sabi ni Marc.
"Noted, ssob." Sabi ko at kumain ulit.
SEE YOU TOMORROW GIRLS AND BEACHES. HAHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHA.
****
Author's Note: Another update para sainyo my dear readers. Comment and like para ganahan ako magupdate. Hehehe.
BINABASA MO ANG
Lions Series Book 1: Deeper
General FictionLions Series #1 Andrea Falcon and Dave Llanes