Dave's POV
Naglalakad kami nila Justin para maghanap ng matatambayan. Wala naman kasing prof may sakit daw. Kaya magaadventure nalang kami.
"Mga pare hindi niyo ba namimiss yung mani ni Aling Criselda? Shit. Ang sarap non. Tara doon nalang tayo." Sabi ni Justin. Sumang ayon naman kami, namimiss na rin talaga namin.
"Himala di mo kasama si Andrea ngayon." Sabi ni Samara sakin sabay tapik sa balikat ko.
"Sabi niya kasi bigyan ko kayo ng quality time. Kasi laging naman daw kami magkasama sa dorm."
Ayun, lakad lang kami ng lakad hanggang marating na namin yung tindahan. Ang haba ng pila. Grabe. Ang benta talaga ng mani niya.
Si Angelo, nilabas niya ang phone niya para magCOC. Si Justin, nakikipagsop. Si Marc nagbabasa ng libro, nakita ko yung title. The fuck. "The Deepest Sea." Parang double meaning no? Siguro sisisid si Marc. Si Samara naman ay nakikipagusap sa unahan namin. Lumalandi pa eh ikakasal na. Isusumbong ko ito sa chuchu niya.
Sa wakas, after 10 minutes na paghihintay kami na ang bibili.
"Aling Criselda! Kami po ito! Sila Dave." Sabi ko kay Aling Criselda. Tinignan niya pa kami ng mabuti.
"Oh kayo pala. Ang tagal niyong hindi napadpad dito ah." Ngumiti siya samin.
"Aling Criselda, masarap ba mani niyo? Hindi nagbago ng lasa?" Tanong ni Angelo.
"Oo naman. Ganon parin. Kaya mas lalong rumami ang bumibili. Tikman niyo."
"Oh guys. Tikman na natin ang mani ni Aling Criselda!!!!" Sabay na sabay na sigaw namin.
-
Nandito na kami ngayon sa room. May klase na pero nagdadaldalan lang kami nila Marc.
"Di parin ako makaget over sa mani. Bumalik tayo don ha mga pre." Sabi ni Samara habang nagsusulat ng notes.
"Bakit hindi nalang mani ni Juliene ang tirahin mo. Hindi pa nauubos." Suggest ni Angelo pero agad sayang binatukan ni Samara. Kawawa naman.
"Guys at the back! Nakikinig ba kayo?" Sita samin nung prof.
"Yeah continue teaching. Don't disturb us here. MYOB." Sabi ni Marc habang nagbabasa parin ng libro.
"MYOB?" Tanong namin ni Justin. Ano ibig sabihin non?
"Mind Your Own Business."
"Ah. Yun pala."
-
Naglalakad na kami papunta sa mga dorm namin ng makasalubong namin yung Captain ng Almanacs. Ano ginagawa ng gagong iyan dito?
"Ready na ba kayo sa laban next month?" Tanong ni Zeus samin. Yun ang pangalan niya.
Ngumisi ako sana sumagot, "Oo ready na kaming makitang talunan ulit kayo."
"Boom Penis!" Pangaasar ni Angelo kay Zeus.
"Tignan lang natin. May oras din kayo." Sabi niya sabay naglakad na palayo.
"Ang yabang ng isang iyon. Mukhang nasagasaan naman ng pison ang mukha. Pwe." Sabi ni Justin.
"Kapag ako nanggigil dyan, babayagan ko siya kahit mukha na siyang bayag."
"Xyril!" Sigaw ni Angelo sabay tumakbo na at umakbay kay Xyril. Pero tinanggal agad yun ni Xyril. Buti hindi pa sumusuko si Angelo sa babaeng yun. Ang sungit.
BINABASA MO ANG
Lions Series Book 1: Deeper
General FictionLions Series #1 Andrea Falcon and Dave Llanes