Dave's POV
"Last 3 minutes for the 1st Quarter! 24-16. An 8 point lead for the Lions. Llanes dribbling the ball. He passed to Angelo Valdez." sabi ng announcer.
Tumakbo sa corner si Angelo at shinoot ang bola. "Another 3 points for the Lions!" Lumakas lalo ang hiyawan ng makapoints ulit kami. Ngumisi at kinindatan ako ni Angelo at pinakyuhan ko lang siya.
2 minutes break bago magumpisa ang 2nd quarter. Tinapik ni Justin ang balikat ko at tinuro niya si Angelo. Si Angelo naman ay ngiting ngiti nakikipagusap kay Xyril. "Nakita mo yung 3 points ko? Ang galing ko diba? Edi crush mo na ako nyan?" Kumunot naman ang noo ni Xyril sa sinabi ni Angelo.
"Hello? ayun kaya ang first mong tira na shoot. Yabang mo. Tsaka nakikita kita na sinisiko yung number 10 player ng Jupiters."
"Eh, siya kasi ayaw niya tumabi sa dinadaanan ko." Parang nagsusumbong na sabi ni Angelo.
"Back to the ball game!" Sigaw ni Coach at agad kaming pumunta sa court. Tumingin ako sa bleachers at wala parin si Andrea sa nireserve ko na pwesto niya. Damn! I missed her so much.
Andrea's POV
"Very good mga amiga! Mas nagimprove kayo kesa nakaraan. Falcon, nice body shape. Bet na bet ko ang pagtalbog ng joga mo habang nagcacat walk." papuri sakin nung nagtuturo. Kating kati na ako manuod ng game nila Dave.
Pagkasabi nung nagtuturo sa amin na tapos na ang practice, kinuha ko kaagad ang phone ko upang itext si Dave na papunta na ako. Tinakbo ko ang Auditorium hanggang Gym. Rinig na rinig ko kaagad ang sigawan at hiyawan ng mga tao.
Umupo ako sa sinasabi ni Dave na nireserve niya sa akin.
"Hi, Andrea. Buti nandito ka na. Pumapalya kasi ang ibang shoot ni Dave." Ani Jamie sakin na katabi ko sa upuan.
Huminga ako ng malalim, "Go, Dave! Go dorm mate! Galingan mo!" malakas kong sigaw. Tumingin siya sa pwesto ko at ngumiti. His smile showed me that he's now relieved because I'm here, watching his game.
Pinasa sa kanya ni Justin ang bola and from the center he shoots the ball. Pumasok iyon sa ring! 3 points.
"Foul number 4, may chance ang Lions to have a 4 point play. Kapag nashoot ito ni Captain Llanes." Sabi ng announcer. Pumunta naman si Dave sa free throw line. Nagdribble siya and nashoot niya ulit. 4 points ang nakuha niya.
"Score board, Lions lead 45-39. We have 5 minutes left in the 2nd quarter." - Announcer
"Andrea? Andrea!" tawag sa akin ng isang player sa kabilang bleacher. Parang familiar siya sa akin. Tinignan ko lang siya habang naglalakad siya papalapit sa akin.
"Andrea? Di mo ba ako maalala? Ako to si Greg. Classmate mo nung grade 6." Pakilala niya sa sarili niya. Nginitian ko naman siya, "Hi! Oo naaalala pa kita. Its been years since last tayo nagkita. Naglalaro ka pala for Jupiters."
"Sa Ochupa University ka pala nagaaral. Nagentrance exam ako dito kaso no luck, hindi ako natanggap. Btw, mas lalo kang gumanda ngayon ha?" He smirked. I was stunned when he caressed my cheek. "You're so cute when you blush." I am blushing because you are freaking me out. I don't like some guy being touchy unless it is Dave!
Lumayo ako ng konti at pilit na tumawa. Binalik ko ulit ang atensyon ko sa court. Nakita ko si Dave na diretsong nakatingin sa pwesto namin. Nanlilisik ang mga mata niya, sumenyas siya sa referee na magtatime out ang Lions. Pumito ang referee.
"Timeout Lions!" - Announcer
He jogged until he reached my place. He immediately snaked his arms around my waist. Acting possessive now, aren't we?
He brushed his lip against my ear, "Who's he?" he asked. I just shrugged my shoulders and looked at him lovingly.
"You played so well, Dave. Mas lalo kitang minamahal." Nilakasan ko ang boses ko para umalis na ang nagpakilalang Greg sa akin.
Napakamot siya sa batok niya ng tignan siya ni Dave ng masama, "Sorry, alis na ako Andrea. Nice game, pare." Aniya kay Dave.
"Seloso mo." pangaasar ko kay Dave. He just rolled his eyes. Kinurot ko ang tagiliran niya.
"Aw!" ngumuso siya. "Ayoko lang na may lumalapit sayo. Don ka nga sa kabilang dulo umupo. Nanggigigil ako e."
"Seloso mo, Cap. Bago sa paningin namin yan." Ani Samara na nagpupunas ng pawis.
Sa huli nanalo ang Lions laban sa Jupiters sa score na 98-82.
Marc's POV
Nakatanggap ako ng isang text mula kay Natalie. Agad akong lumayo kanila Dave bago basahin ang message niya.
From: +639496******
Hi, Marc! It's me Nat. I hope you're still using this number. I saw you once in my class. Classmates pala tayo pero you never approached me. Nakakatampo. Btw, I'm looking forward to hang out with guys. Huwag mo muna sabihin kay Dave na nakabalik na ako. I'll surprise him kasi.
Surpise my ass. Baka ikaw ang masurprise kapag nalaman mong nakamove on na si Dave sa panggagago mo sa kanya.
"Marc." Tawag ni Angelo sakin. "It's time to parteeeeh!!!! Panalo tayo!!!!" Akala ko seryoso na yun pala hindi. Bakit hindi pa ako nasanay kay Angelo.
Nandito kami ngayon nila Angelo sa dorm nila Dave. Nagiinuman kami ngayon.
"Nalimutan ko na the last time I tasted Jack Daniels. Smooth ang hagod." Ani Justin at pinasa kay Dave ang shot glass.
Panay pa rin ang text sa akin ni Natalie.
"CR muna ako." sabi ko. Paglabas ko ng CR ay hawak na ni Andrea ang phone ko. How idiot am I para maiwan ang phone ko.
"I wanna see Dave right now. I missed him, Marc. Tell him to see me. -Natalie" Basa ni Andrea sa text ni Natalie sakin. Nanlaki ang mga mata namin at halos mawala ang tama ng alak sa aming katawan.
"Dave, gusto ka raw kitain ni Natalie. Diba siya yung girlfriend niyong lahat? Pero bat si Dave lang ang namimiss niya?" tanong ni Andrea, mabilis kong hinablot ang phone ko sa kamay.
"It is disrespectful to read someone's message in someone's phone!" hindi ko napigilan na pagtaasan siya ng boses.
"Marc, stop. Umalis na tayo. Dave... Andrea... Mauna na kami." paalam ni Angelo.
"Sorry, Marc." Malambing na saad ni Andrea.
I should be the one saying that, Andrea.
BINABASA MO ANG
Lions Series Book 1: Deeper
General FictionLions Series #1 Andrea Falcon and Dave Llanes