Andrea's POV
"Wow, partner! Sobrang intense naman ng pageant na 'to." Sabi ng lalaking emcee.
"Sinabi mo pa! Kung isa ako sa mga judges, sobrang mahihirapan ako magscore. All of our contenders have the guts to win," Sabi ng babaeng emcee, "kaya huwag na natin patagalin pa ang paghihintay nating lahat. I'm sure super excited na kayong malaman kung sino ang bagong Mr. and Ms. Ochupa University."
"YEEEEES!" Dinig kong sigaw ng mga audience. Biglang kumalabog ng malakas ang puso ko. Never pa akong kinabahan ng ganito. Biglang umalis yung self-confidence ko. Ang daming tumatakbo sa isip ko like paano kung si Natalie ang manalo, paano kung silang dalawa ni Dave ang manalo, paano ako?
"Anong gusto niyo unahin natin? Sa boys or sa girls?" Ani ng emcee.
"Eto na ang envelope..." Hinarap niya iyon sa mga audience, "let's start with the boys!"
Nakita ko si Angelo na sobrang lapad ng ngiti at feeling mo siya na ang nanalo kahit wala pang sinasabi. Siniko naman siya ni Justin.
"Sino ang bet niyo maging Mr. Ochupa?"
Dave!!!!
Angelo!!!!
Justin!!!!
Iba iba ang sigaw ng mga audience. Ok lang naman sakin kung sino ang manalo sa kanilang tatlo pero syempre kung ako ang mamimili gusto ko si Dave.
"With an average score of 94.75 %, our Mr. Ochupa title goes to...."
May pakaba effect pa ang emcee at may kasama pang tunog na pang game show.
"It's still Dave Atticus Llanes!" Announce ng lalaking emcee.
Naghiwayan at palakpakan naman ang lahat ng tao sa auditorium.
"Grabe partner! First time in the history of the university ang may maka 3-peat-win sa pageant na to." -babaeng emcee
Nakita ko ang pag-alma sa mukha ni Angelo at mukhang susugudin na niya ang mga judges kung hindi lang siya hinila ni Justin sa loob ng backstage.
Dave's POV
I wasn't surprised ng tawagin ng emcee ang pangalan ko. Of course, I need to do my best para maka make love ako kay Andrea at hindi na ako mabitin. Naglakad na ako patungo sa stage para kunin ang trophy at sash ko.
This is the first time na masaya ako dahil ako ang nanalo. Maaasar ko na naman si Angelo. Hahahahaha.
"How are you feeling, Dave? Ikaw na naman ang Mr. Ochupa."
"Ok lang." Tipid kong sagot. "Pwede na bang iannounce yung sa babae?" Hindi ko na napigilan itanong kasi atat na atat na 'kong malaman kung sino ang panalo. Pakiramdam ko mananalo si Andrea. Si Andrea lang..
"Okay okay! Since nasa amin na din ang envelope for the girls. Sabay sabay na nating alamin kung sino ang makakasama ni Dave sa gitna ng stage."
Binuksan na ng emcee ang envelope. "Oh! This is really unexpected." Tinignan ng isa pang emcee ang result.
"They make a good couple, partner. Let's welcome our Ms. Ochupa for this year... Andrea Falcon! With an average score of 91.33 %. She won only with 2 points ahead of Natalie Villegas."
That's my Andrea. Siya lang ang bagay na maging Ms. Ochupa. Humarap ako sa kanya para senyasan siya na maglakad na papunta sa tabi ko. Mukhang hindi pa nagsisink in sa kanya na siya ang tinawag ng mga emcee.
Maya maya ay kumilos na siya at tinanggap na din niya ang trophy at sash. I hold her hand and whisper something, "I won and you won, baby. This means 'celebration'."
"Alam ko na yang celebration na yan, dorm mate! Pero sige, payag ako dyan. Hihihi." Kinurot pa niya ako sa tagiliran.
Nakita ko sa peripheral view ko na parang nagpunas ng luha si Natalie at mabilis na pumasok sa backstage. Habang kami ni Andrea ay panay ang ngiti kasi ang daming kumukuha ng picture namin.
Angelo's POV
"Marc! Samara! Justin! Bakit si Dave parin ang panalo?! Mas maganda ang performance ko kesa sakanya diba?" Pagmamaktol ko habang hinihintay sila Dave at Andrea.
"I don't know. Pero I like Dave's answer sa Q & A." Ani Marc habang nagbabasa ng libro na may title na Obey the Master. Minsan iniisip ko may pagka sadista tong si Marc eh.
"Alam mo kung bakit ka natalo?" Singit na tanong ni Justin habang natatawa pa.
"Bakit?"
"Kasi pinagmalaki mo titi mo kanina." Nag apir pa sila ni Sam. Kita ko din na natawa si Marc.
"Mga wala kayong kwentang kaibigan! Tsaka excuse me, malaki talaga to kaya proud ako." I smirked.
"Ano pinaguusapan niyo?" Tanong ni Andrea, andito na pala sila. Tinignan ko nang masama si Dave at ang loko at inirapan lang ako. Tangina neto ah.
"Dahil panalo kami Dave, manglilibre kami!" Masayang sabi ni Andrea.
"Yown ayos. Makakatipid na naman ako sa libreng pakain ni cap." Sabi ni Sam.
"Bakit ka ba kasi nagtitipid? Pwede ka namang manghingi ng allowance sa fiancee mo ah." Sabi ni Justin.
"Sus! Ayoko nga manghingi don. Lalaki lang ulo non."
"Para kayong mga tanga. Tagal niyo ng engage ganyan parin kayo. Hahahaha." Sabi ko kay Sam at sinapak naman ako sa balikat.
"Huwag ka na magsalita, loser!"
Marc's POV
Habang masaya kaming nagsasalo salo, nagvibrate ang cellphone ko. Nagtext si Natalie sakin.
Natalie:
Hi, Marc! Nasaan kayo?
I replied to her message.
Nasa samgyupsalamat kami. Mini celebration lang.
After ilang minutes. Dumating si Natalie. Nakita ko kaagad ang pagbabago ng mood ni Dave. Hinawakan ni Andrea ang kamay ni Dave para medyo kumalma ito.
Nawala sa isip ko na pwedeng magpunta si Natalie kung nasaan kami. Sila Samara, Justin, at Angelo ay tuloy lang sa pag gigrill ng karne.
"Ang sarap pala ng samgyup 'no mga pare?" Pagbasag ni Angelo sa katahimikan.
"Subuan mo nga ako Angelo." Natatawang sabi ni Sam.
"Hi, guys!" Bati ni Natalie samin dahil walang pumapansin sa kanya. Ngumiti naman si Andrea at naghello pabalik.
"Okay lang ba na makasama kayong magdinner? Sakto nagccrave din kasi ako sa samgyup."
"Uhmmm..." -Andrea
"Okay lang. Paalis na rin naman kami ni Andrea. Enjoy the dinner." Dave said coldly.
"Tangina! Nilamig ako pre." Sabi ni Justin at nagaction pa na nanginginig.
Tumayo na si Dave at hinila na niya si Andrea palabas ng kainan. Umupo naman si Natalie sa tabi ko.
"What's with Dave? Bakit pakiramdam ko iniiwasan niya ako?" Tanong niya sakin.
"Just eat, Nat." Iyon lang ang tangi kong nasabi.
BINABASA MO ANG
Lions Series Book 1: Deeper
General FictionLions Series #1 Andrea Falcon and Dave Llanes