Dave's POV
"Hindi ba pwedeng icancel yang lakad niyo ni Jamie?" Tanong ko kay Andrea. Tinanghali na nga kami ng gising dahil naka ilang rounds din kami. Ang hirap pigilan kapag siya yung katabi ko sa kama.
"Hindi no! Tsaka nagpromise na ako sa kanya na ililibre ko siya dahil nanalo ako sa Ms. Ochupa." Sagot niya sakin habang nakaharap sa salamin at naglalagay ng lipstick.
"Wag ka na masyado mag make up. Mamaya may kumausap sayo sa pupuntahan niyo. Isama niyo na lang kaya ako?" Ngumisi ako. Pero nakita kong sumimangot siya.
"Hala! Si Dave ang possessive. Tsaka girls day out nga ang tawag diba? Kaya girls lang ang pwede. Uuwi rin naman kami after kumain at manuod ng sine." Niyakap niya ako at hinalikan sa labi. Akala siguro niya mawawala yung tampo ko sa kanya.
"3pm. Dapat nandito na kayo." Sabi ko.
"9pm?" Tawad niya. Agad naman akong umiling.
"No. 7pm."
"Okay deal dormmate! I love you." Hinalikan niya ulit ako sa labi at lumabas na ng kwarto.
Hays. Ano ng gagawin ko? Ang boring kapag wala si Andrea.
Andrea's POV
"Anong papanuorin natin na movie?" tanong ni Jamie. Kakababa lang namin sa kotse niya.
"Hmmm.. Gusto ko panuorin yung Maleficent 2. Mukhang maganda eh."
"Oo nga! Napanuod ko rin yung movie teaser non."
Kumakain kami ngayon sa Greenwich. Lasagna with chicken ang inorder ko habang siya naman ay one piece chicken with rice.
"Kayo na ba ni Dave?" Out of the blue niyang tanong.
"Kami na? You mean kung mag boyfriend-girlfriend na kami?" Tumango naman si Jamie at patuloy sa pagkain. "Oo kami na ni Dormmate! Sobrang nakakakilig siya."
"Sana all, Ands! Nakakainggit ka. Alam mo ba lahat ng babae sa school natin gusto maging ikaw. Close ka kasi sa Red Lions eh."
"Mababait naman kasi sila at madali silang iclose. Sumama ka kaya samin minsan sa lunch." Aya ko sa kanya.
"Ok sana yan kung hindi ako puputaktihin ng mga haters. Alam mo naman. Konting dikit mo sa Red Lions, malalagay ka sa bulletin board. And I don't like that. Ayoko ng exposure. Charot!" Malakas na tumawa si Jamie.
Maya-maya may lalaking lumapit samin.
"Hi girls." bati ng lalaki na naka long sleeves pero nakatupi ito hanggang siko, naka wax ang buhok, at naka acid washed na pants.
"Uh, Hello?" Pagaalinlangan na pagbati namin sa kanya. Of course, we don't know him tapos bigla siyang susulpot.
"Can I sit with you guys?” tanong niya at doon ko lang napansin na may tray siyang hawak. Tumingin naman loob ng kainan, wala na ngang available na upuan.
"Okay, sure. Patapos na rin naman kami eh." Sabi ni Jamie at nagpunas ng nguso at naghand sanitizer.
Nilapag ng lalaki ang tray na hawak niya sa lamesa at pormal na nagpakilala samin. "I'm Jared btw. You are?"
BINABASA MO ANG
Lions Series Book 1: Deeper
General FictionLions Series #1 Andrea Falcon and Dave Llanes