Chapter 24

1K 15 14
                                    

Andrea's POV


"What happened to her?" tanong ko kay Dave dahil akay akay niya si Natalie papunta sa isang sun lounger.


"She lost control while driving the jetski."


This isn't the right time to get jealous. Get hold of yourself, Andrea. Malay mo nawalan naman talaga ng control si Natalie. And, of course Dave is just being a gentleman. He loves me. Only me.


"Natnat, I'm so sorry. Di ko sinasadya." Sabi ni Samara habang nakasunod kanila Dave.


"Okay lang, Sam. It's not your fault. Ako ang muntik na bumanga sayo." Ani Natalie habang nakaupo na sa upuan at nagpupunas ng buhok.


Inabutan siya ng tubig ni Angelo. Nakapalibot kaming lahat sa kanya.


"May masakit ba sayo? Pwede kong ipatawag ang family doctor namin para icheck ka." Sabi ni Marc na mukhang nagaalala rin sa kanya.


Natalie's POV


I didn't know na ang simpleng aksidente lang sa jetski ang maglalapit ulit sakin kay Dave. Kung alam ko lang ay matagal na akong nag yaya sa kanila na mag-outing.


Nararamdaman ko naman kasi talaga na may pakialam pa sakin si Dave. Of course, ako ang first love niya. Well, siya ang nagsabi non nung kami pa. Kaya hindi ako nagaassume.


"Thank you, Marc. Pero hindi na kailangan. I'm good and still in one piece. Thanks to Dave. Ang bilis niyang kumilos to save me." Tinignan ko pa si Dave. Pero hindi siya tumingin sa pwesto ko. Magkausap sila ni Andrea at hinahaplos pa niya ang pisngi neto.


"Okay, sabi mo yan ah. But if ever na makaramdam ka ng kakaiba. Pwede mo sabihin sakin kaagad. Tatawagan ko lang ang care taker magpapahain na ako ng lunch natin." Ani Marc at kinuha ang cellphone sa bulsa.


Hinawakan ni Sam ang braso ko. "Hey, Natalie. Sorry talaga. Hindi ko napansin na magkasalubong na tayo. I hope you're not mad at me."


Nginitian ko siya, "Oo naman! Ano ka ba? Parang yun lang eh."


Dave's POV


"What happened to her?" Tanong sakin ni Andrea after kong ipaupo si Natalie sa isang sun lounger.


"Just a minor accident. Hindi niya napansin si Sam. Buti nasabihan siya ni Justin."


"You did save her?"


Tumango ako. "Yes, I did. But it doesn't mean that I love her or I like her."


"Hindi naman ako nagiisip ng ganyan." Sabi ni Andrea at nagiwas ng tingin sakin. Anong akala niya sakin hindi ko mababasa kaagad ang kinikilos niya. Alam kong nagselos siya sa ginawa kong iyon. Pero for me, I just did the right thing. Ayoko naman na after ng outing, may aattendan kami na burol or lamay.

Lions Series Book 1: DeeperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon