Dave's POV
Nauna na akong gumising kay Andrea. She looks so peaceful yet fucked up. Nagiinit ako kapag naaalala ko yung nangyari samin kagabi. First time ito, kasi kapag yung iba ang kasama ko sa kama wala naman akong nararamdamang ganon.
Nagtext sakin si Marc, may training daw kami ngayon sa basketball. Naligo na ako at nagbihis ng jersey. Nagiwan din ako ng note sa mini table.
Bago ako umalis, binigyan ko siya ng halik sa noo.
*
"Bro!" Tawag sakin ni Angelo. Nakipagbrofist ako sakanila. Pinatawag na kami ni coach.
"Guys, we need to practice hard. Malapit ang opening ng basketball season. Narinig ko from our trusted source na nagpapratice na ang mga Almanacs." Shit bricks, Almanacs. Yan yung natalo namin last season. Muntik pa ngang makabugbugan kasi nagkainisan kami sa court.
Nakita kong umigting ang panga ni Samara at Justin.
"Kayang kaya yan coach!" Sabi ni Justin. "Sisiw lang yan." Dagdag ni Samara.
"Hindi dapat tayo maging kampante." Sabi ko. Ako kasi ang team captain.
Nagumpisa na kaming magwarm up. Si Angelo, ang pinagaaralan niya yung sa 3 point shooting. Dyan kasi siya nageexcel. Si Marc at Samara sa lay up.
Nasa kasagsagan kami ng training nang may narinig akong nasisigawan sa gym entrance.
"Sabi ngang bawal ka pumasok. May training ang mga Lions." Sigaw nung babaeng red ang buhok.
"Pero nandyan si Dave. Nandyan yung dorm mate ko!!" Sumisigaw na rin si Andrea. Siguro naiinis na sa mga babaeng nakaharang sa entrance. Lumapit na ako don. Baka kasi ano pang gawin nila.
"Excuse me." Sabi ako at dumaan. "Oh, gising na pala ang prinsesa ko." Umiwas naman yung mga babae. Hinila ko si Andrea upang makapasok sa loob ng gym.
"Hindi ka ba nila sinaktan?" Tanong ko sakanya. Umiling naman siya. "Kumain ka na ba?"
"Hindi pa." Ngumiti siya. "Nagugutom na nga ako eh."
Tinawag ko yung bagong salta sa team. "Clinton! Halika ka dito." Sinenyasan ko pa siya na lumapit sa kinakaroonan namin.
"Yes captain?"
"Bumili ka ng hot choco at pizza sa canteen. Dalian mo lang." Sabi ko sakanya at nagabot ako ng 500 peso bill.
Tumakbo na ito palabas.
"Kamusta ka?" Tanong ko sakanya habang nagpupunas ng pawis.
"Hoy captain. Break muna. Lumalandi ka na dyan tapos kami dribble lang ng dribble. Aba abuso ka captain." Sabi ni Angelo.
"Sige. Break 10 minutes."
"Okay lang ako. Medyo mahapdi at masakit ang pu---" tinakpan ko ang bibig niya. Sasabihin pa niya ng malakas yun. Grabe. Ang dami kayang lalaki.
Pinalo na yung kamay ko kaya tinanggal ko iyon. Dinilatan ko siya.
"Bakit mo ba tinakpan bibig ko? Kadiri ang alat. Lasang pawis." Sabi niya na nakakunot ang noo.
Bumulong ako sakanya. "Bawal mo sabihin sa public yung mga terms about sa sex. Kapag tayong dalawa lang ang pwede." Tumango tango lang siya. Buti nagkakaintidihan kami. Maya maya pa ay dumating na si Clinton dala yung mga pinabili ko. Pinakain ko na si Andrea sa may bench at bumalik na agad kami sa practice.
Nagshoshooting ako ng lumipad ang tingin ko kung saan nakaupo si Andrea. May lumapit sakanya. Si Reid. Tangina. Ang init talaga ng dugo ko sa taong yan. Ang landi landi niyan. Pati ba naman si Andrea, bibiktimahin. Lumapit ako sakanya.
BINABASA MO ANG
Lions Series Book 1: Deeper
General FictionLions Series #1 Andrea Falcon and Dave Llanes