Andrea's POV
TODAY IS THE DAY! Hindi nga ako masyado nakatulog kagabi dahil sa sobrang excitement. Dahil makakasama ko si Dave at ang mga kaibigan niya sa beach. Plano din namin mag island hopping. Nagdala ako ng Go Pro camera para kahit nasa tubig pwede pa rin mag picture.
Nakasuot na sakin ang red na two piece na binili namin kahapon sa mall.
Magkakasama kaming lahat sa may Mcdonalds upang hintayin ang nirentahan naming van. Inabutan ako ni Dave ng hot choco at isang crispy chicken sandwich.
"Angelo, di naman halatang excited ka?" Tanong ni Dave kay Angelo na may suot ng salbabida at naka shades pa.
"Wala pang araw pero nakashades na. Ganyan ang sintomas ng mga nababaliw." Sabi ni Justin at agad siyang pinakyuhan ni Angelo.
Ang pwesto namin sa loob ng van ay sa first row: ako, si Dave, at si Samara. Sa second row: si Justin, Marc, at Natalie. Sa third row: Solo ni Angelo.
Hindi ko namalayan na nakatulog ako sa byahe. Naramdaman ko nalang na parang buhat ako ng kung sino. Nagmulat na ako ng mata at napagtantong maliwanag na. Buhat buhat ako ni Dave.
Hala sino ang nagbuhat ng mga gamit namin?
Angelo's POV
Pakshet talaga 'tong si Captain. Ako ang pinagdala ng mga gamit nila ni Andrea. Imbes na isang backpack lang ang dala ko at yung spongebob kong salbabida, naging tatlong bag pa! Kung sana lang hindi mabibigat ay okay lang e.
Tapos hindi man lang ako tulungan ng mga pakshet kong mga kaibigan.
Pero, in the other side... Fuckshet sobrang ganda sa rest house nila Marc. Yung cottages sobrang lapit sa beach. Parang 2 minutes walk lang nasa dalampasigan ka na. Tsaka halatang sariwa ang hangin at yung buhangin sobrang pino at moi sobrang puti. Walang sinabi yung sa Boracay.
"Captain, anong cottage number niyo?!" Pasigaw kong tanong kasi nauuna na sila.
"301!!!" Sigaw niya pabalik.
Pagkalapag ko ng gamit nila ay agad akong nagpunta sa beach front. Pinicturan ko agad ang tanawin. Sa kaliwang banda ng dagat ay may mga nakaparada na jetski. Subukan ko nga yan mamaya.
Nang mapalingon ako, kita kong hirap na hirap na si Natalie sa dala niyang bag. Tutulungan ko na dapat siya pero lumapit na sa kanya si Justin at kinuha ang bag na dala niya. HMMMMMMMM...
"Angelo! Mamaya ka na lumangoy dyan. Kakain muna!" Tawag sakin ni Samara. Ano ba naman yan! Binasa ko na ang paa ko eh. Badtrip.
Natalie's POV
BINABASA MO ANG
Lions Series Book 1: Deeper
General FictionLions Series #1 Andrea Falcon and Dave Llanes