Andrea's POV
Tumakbo ako hanggang makapunta sa malayong parte ng rest house nila Marc.
Sobrang bigat sa dibdib na kahit ang kaisa isang tao na akala mo maniniwala sayo ay di mo maaasahan.
Hindi ako galit kay Angelo kahit nag conclude siya agad na binuhusan ko si Natalie ng juice. I understand him, naging kaibigan rin niya iyon.
Umupo ako sa isang malaking bato at tinitigan ang kalawakan ng dagat. Papalubog na rin ang araw. Ang ganda sana pagmasdan kung wala lang akong dinadalang bigat sa dibdib. I can't help myself to stop from crying.
"Andrea?" May tumawag sa pangalan ko. Bago ko siya lingunin ay pinunasan ko ang mga luha na tumatakas saking mga mata.
Si Justin pala. Paano niya nalaman na nandito ako?
"H-hi, Justin." Bati ko sa kanya at medyo nanginginig pa ang boses ko. Humakbang siya papalapit sakin. Binalutan niya ako ng jacket na suot niya.
"Pagabi na tapos bakit nandito ka sa malayo?" Tinignan niya ako. "At bakit namumula ang mata at ilong mo? Were you crying?" Tanong niya sakin.
Umiwas ako ng tingin sa kanya. Pero hinuli niya ang mukha ko at pilit na pinapaharap sa kanya. "I heard a commotion sa terrace. Pero hindi ko na sinilip." Aniya at tumabi sakin, umupo siya sa malaking bato.
"Believe me, Justin. Hindi ako ang nagumpisa non." Sabi ko kahit hindi naman niya nakita o alam ang totoong nangyari. Si Angelo, Dave, ako at si Natalie lang naman ang nasa terrace non.
"Alam ko naman na hindi mo magagawa yun." Inakbayan niya ako at mas nagbigay iyon ng init sakin kaysa suot kong jacket. Sinandal ko ang ulo ko sa balikat niya at muling humikbi. Hinaplos haplos niya ang likod ko, medyo gumaan ang pakiramdam ko kahit wala siyang sinasabi sakin.
Okay na rin ako dahil naiintindihan ako ni Justin. Ngayon ko lang napansin ang sweetness niya. He seems to be a good guy. Kahit ang tingin sa kanya sa university ay playboy at fuckboy.
"I understand Natalie naman. She said that she still have feelings for Dave." Panimula ko. Nakikinig naman siya sakin.
"Tapos?"
"Ayun na. Medyo nagkataasan kami ng boses. Hindi ako ang nagbuhos ng juice. Ako nga dapat ang bubuhusan niya pero hinawakan ko lang yung kamay niya." Paliwanag ko na parang bata. I pouted because I am so frustrated.
"Tapos, si Dave at Angelo di pa naniniwala sakin. Gusto ko nalang umalis dito." Dugtong ko. Justin holds my hand and it is totally fine with me. Wala akong nararamdaman na awkwardness sa kanya. Maybe, I liked Justin first bago si Dave. Pero, si Dave talaga ang tumatak sa puso ko.
"Andrea.." Ani Justin. Humarap ako sa kanya. Ang bilis ng pangyayari. Hindi ko totally maisip na magagawa niya iyon.
BINABASA MO ANG
Lions Series Book 1: Deeper
General FictionLions Series #1 Andrea Falcon and Dave Llanes