Chapter 1

6K 187 3
                                    

Chapter 1

"WE REALLY do need a new investor, Miss Z." Suhestiyon ng sekretarya ng kanyang Mama sa kanya. Kanina pa nito iyon pinipilit sa kanya matapos mawala ang tatlo sa pinakamalaking investors sa kanila at lumipat sa iba. Dahil doon ay bumagsak nang bahagya ang Z-Plus Corp.

She didn't mind those three leaving the Z-Plus actually. Sakit naman kasi sa ulo ang mga 'yon na pilit siyang pinapaalis sa pwesto dahil hindi naman siya tunay na anak ng kanyang mga magulang. Tinakot pa siya na aalis ang mga ito at nang tinutuhan ang banta sa kanya ay hindi naman siya gaanong naapektuhan. Nakahinga pa nga siya ng maluwag.

Pero dahil sa malalaking investors ang mga iyon, ilan sa investors na natitira pa sa kanya ay nagbabago narin ang ihip sa kanya kaya naman palagi na siyang dinadarag ng mga assistant ng Papa niya na maghanap ng iba.

Napabuntong hininga na lang siya. Wala naman kasi siyang maisip na investors na pwedeng pumasok sa kompanya niya dahil wala naman siyang gaanong kilalang mayayamang tao.

Bukod kay Zac Cordoval na kilala ang pamilya sa businessworld ay wala naman siyang ibang kilala. Kahit pa kilala niya si Zac at matalik silang magkaibigan, ayaw naman niyang gamitin ito para lang bumalik sa dati ang Z-Plus. Mas gusto niyang paghirapan ang lahat.

"We'll find a new investors, not now but soon."

"Pero miss Z—"

"Cathy, please." Putol niya sa babae. Kanina pa kasi siya nai-stress rito. Batid niyang gusto lang nitong bumalik sila sa dati, ay hindi naman iyon kadali para sa kanya lalo na at hindi lang ang Z-Plus ang hawak niya. "Can I atleast have a peace of mind? Kanina mo pa ako dinadarag diyan. Saka nalang natin pag-usapan 'yan kapag hindi na ako nai-stress."

Napapahiyang tumango ito pagkatapos ay nagpaalam na sa kanya at lumabas na ng opisina niya. Naiwan siyang mag-isa sa opisina niya at pagkatapos ay malalim ulit siyang napabuntong hininga. Umikot ang swivel chair niya sa harap ng malaking salamin na natatanaw ang iba bang malalaking gusali.

Habang nakatitig siya sa malalaking kompanya ay bigla siyang nalula. Hindi niya akalaing o ni minsan ay hindi sumagi sa isip niya na siya ang magpapatakbo ng kompanya ng Papa niya.

Sakto na sa kanya ang dalawang palapag niyang kompanya at sa kaunting tao na hinahawakan pero ngayon ay tenth floor ay hahawakan rin niya. Mas lalo lang tuloy siyang na-stress. Mas magulo at mas matrabaho kasi ang Z-Plus kumpara sa CEMC niya.

Napukaw siya nang tumunog ang cellphone niya sa ibabaw ng table. Muli niyang inikot ang kanyang swivel chair paharap sa mesa at kinuha ang cellphone. Nangunot ang kanyang noo nang makitang mula sa unknown caller ang tawag na iyon.

Gayunpaman, sinagot niya ang tawag. Baka kasi importante iyon. "Hello?" Mas lumalim ang gatla ng pagkakunot ng noo niya nang wala siyang matanggap na sagot mula sa kabilang linya. "Hello? Sino 'to—" natigilan siya nang bigla ay humalakhak ang pamilyar na boses sa kabilang linya.

Para siyang tinakasan ng lakas nang pumasok sa isip niya ang mukha ng lalaking kahit kailan ay hindi niya pinangarap na makita pa.

"It's been awhile, Callia."

Hindi niya alam kung ano ang isasagot sa lalaki at hindi parin rumirehistro sa isip niya ang sitwasyong iyon. Gusto niyang isipin na panaginip lang ang lahat, na halusinasyon lang niya ang boses nito, pero sa tuwing sinasambit nito ang pangalan ng kanyang kapatid na matagal na niyang hindi naririnig ay mas lalo lang siyang kinakabahan.

Ang matinding tibok ng puso niya ang patunay na totoo ang boses na iyon at kausap pa niya. Gusto niyang patayin ang tawag pero ang nanginginig niyang mga kamay ay hindi magawang gumalaw.

Vaughn and CamillaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon