Chapter 27
NAALIMPUNGATAN si Camilla nang marinig ang tawanan ng kanyang anak, Lance at Vaughn. Kaagad siyang nagmulat at binalot ang sarili sa pag-aakalang nakahubad pa siya ngunit may suot na siyang damit pang-itaas.
Nakahinga naman siya ng maluwag, bumangon at pinagmasdan ang mag-aama. They're all playing tickles. Kinikiliti ng Lance at Vaughn ang kanyang anak habang ito naman ay walang hinto sa paghagikhik.
"Where is the tickle spot, arggghh!" Vaughn said playfully while tickling their son Van.
Ang kanilang anak ay patuloy lang sa paghagikhik."I'll save you, Van!" Sigaw ni Lance saka naman kiniliti ang ama nito sa bewang.
"Oh, no!" Kunwari'y natatalong anito.
Pinagmasdan niya si Van. Hindi niya akalaing madali lang itong mapapaamo ni Vaughn. Knowing the only person that can make her son smile is Zac, she thought that Van will never warm up on Vaughn. But now.
Napangiti siya at tahimik na pinapanood ang mag-aama. Seeing them makes her heart happy. Looking at their smiles and giggles makes her feel contented.
'My kind of perfect' aniya sa isip.
She just doesn't want to close her eyes. Afraid that it was just too good to be true. That she was just dreaming. Na kapag ipinikit at iminulat niya ang kanyang mga mata, ang tanging meron lang ay siya at si Van.
Sa kabilang banda, iniisip niyang sana ay nananaginip lang siya. Walang Willard na nag-aabang sa kanila. Walang gulo na makakasira sa pamilyang meron sila.
Ngunit meron nga bang pamilya kung hindi nangyari ang lahat? Kung sakaling hindi dumating si Willard, magkikita pa kaya sila ni Vaughn? Malalaman kaya nito na anak nito si Van.
Bago nangyari ang lahat, nangako siyang hindi na siya makikipagkita kay Vaughn. Kahit sobrang mahal na mahal niya ito ay hahayaan na niya ito at mag-isang itataguyod ang kanilang anak.
Mas madali sa kanya na mahalin si Zac. If it weren't for Willard, she could've been living a life contrary to what she's where now.
Gayunpaman, hindi niya mapapatawad si Willard sa ginawa nito sa kanya, kay Zac at kay Vaughn. Marahil ay nagtagumpay nga ito sa pang-gugulo ngunit hindi nito makukuha ang puso niya.
She will love Vaughn until she dies.
"Earth to Mommy!"
Napakurap siya at napabalik sa kanyang sarili nang marinig ang boses ni Lance. Bago pa man siya makapag-react ay nakatalon na ito sa kanya.
"Goodmorning, Mommy!" Bati nito sa kanya saka siya pinupog ng halik sa pisngi.
Pinakatitigan niya ito. "Goodmorning."
Lance may have never hers. He may never came from her womb. But deep inside her heart, she knows that Lance is her son. And she will love him no matter what.
"Mahal kita, Lance."
"I love you too, Mommy."
Lumapit ang mag-ama niya sa kanilang dalawa ni Lance. Hinalikan siya ni Vaughn sa noo at bumulong. "I will not ask for anything. Just you, Lance and Van. Just the three of you."
Mas lalong sumaya ang puso niya sa narinig. Sinikap niyang huwag maiyak sa sobrang saya kaya naman mabilis niyang kiniliti si Vaughn na nagulat sa kanyang ginawa.
Ngumisi siya. "Lance, find your Daddy's tickle spot."
"Oh no, you don't."
Mabilis na tumalon si Lance sa ama nito at siya naman ay kinuha si Van at lumayo sa dalawang naghaharutan.
BINABASA MO ANG
Vaughn and Camilla
Romans"I am ready for a little reality. If you are?" Second chance do come on every people's way. Gawa ba ng tadhana o dahil hindi parin mawala ang pagmamahal sa isa't isa? Paano kung sa pangalawang pagkakataon, may mga tao ng masasaktan? Are you willing...