EPILOGUEMAINGAT na inayos ni Vaughn ang itim na kurbata ng kanyang anak nang mapansing hindi ito maayos. Mataman niyang tinitigan ang anak na ngayon ay labing anim na taong gulang na at ngayon ay gagraduate na ng highschool.
Hindi lang iyon. Aakyat siya sa stage na buong ipinagmamalaki ang anak dahil ito ang valedictorian sa kanilang batch. Matalino ito, pero hindi niya akalaing aabot ang anak sa gano'ng lebel.
Naniniwala naman siya sa kakayanan nito ngunit hindi niya inaasahan minsan ang anak. His son has always full of surprises.
"What's wrong, Dad?" Medyo nailang si Lance nang mapansin ang mataman niyang tingin rito.
"I am just proud of you." Aniya sa anak.
Lance had grown so much. Kahit labing anim pa lang ito at nasa edad palang ng kabataan ay nakikita niya kung gaano katanda ang kaisipan nito pagdating sa maraming bagay.
Ngumiti ito sa kanya. "Dad. All I am right now was because of you."
May kung anong humaplos sa kanyang puso. Lance being the sweetest boy he have ever known. Not all teenager can have the quality as his son have. "Alam mo naman na narito ako palagi—kami ng Mommy mo para suportahan ka."
"I love you, Dad. And ofcourse, Mom." Ngumiti ito.
"Dadalawin natin ang puntod ng mommy mo pagkatapos natin sa school."
Bumadha ang takot sa mukha ng kanyang anak. "Can we do that tomorrow?"
Natawa siya. "No, son. I am sure your Mom would love to see you in your graduation gown. And those medals." Pagmamalaki niya.
"Dad." Reklamo nito. "Gabi na."
"Do it. For Mom."
Bagsak balikat itong tumango. Ilang saglit pa ay narinig niya ang mabilis na yabag na palapit sa kanila. Hindi na niya kailangan pang magtanong. Alam niya kung sino iyon.
"Daddy!"
Napangiti siya saka binuhat ang limang taong gulang niyang anak, kasunod nito ang onse anyos niyang anak na si Van. Pumupungay ang mga mata nito, mukhang inaantok na.
"Can I come with you?" Nangungusap na anito sa kanya.
Ngumuso siya. "No, sweetheart. You need to stay with kuya Van." Bumaling siya kay Van. "Watch your sister, ok?"
Kunot noo itong tumango. Prenteng sumandal sa hamba ng pinto saka pinagkrus ang mga kamay.
Iba ang ugali nito kumpara kay Lance. Si Lance ay malambing at masunuring anak. Samantalang si Van naman ay may pagkatigasin ang ulo at malimit lang kung kumibo. Ngunit kahit ano pa ang ugali nito ay hindi niya ipagpapalit ang anak. Mahal na mahal niya ito at walang sinuman ang makapagbabago no'n.
"You are a strong boy, Van."
"Dad." Halata sa tono ng anak ang pagkairita na ikinatawa naman niya. "Have you been watching ben 10 again?"
Dinig niya ang mahinang pagtawa ni Lance. "Uh-oh. Look who's in trouble."
"Iyon ang gustong panuorin ni Callie."
"Dad." His son groaned. Bumaling ito sa anak niyang babae. "You are a girl. You should watch barbie."
Simula nang maipanganak si Callie ay naging maalaga ang anak niyang si Van rito. Ginampanan nito ng maayos ang pagiging kuya sa kapatid. Wala itong reklamo kapag si Callie ang pinag-uusapan. Iyon na siguro ang magandang pag-uugali ng kanyang anak.
"But I love ben10."
Napailing nalang si Van.
Ibinaba niya ang anak at lumapit naman ito kay Lance at malambing itong niyakap.
"Can I have one of your medal?"
"Sure, Callie." Ginulo nito ang buhok ng bata. "Be a good girl to kuya Van, ok. And sleep early."
"Ok."
"I love you." Hinalikan ni Lance ang kapatid sa pisngi.
Pagkatapos niyon ay tumakbo na ito palabas ng kwarto ni Lance. Sumunod naman si Van.
Nagkatinginan pa muna sila ni Lance bago sila sabay na natawa. Lumabas silang pareho sa kwarto at bumaba.
"I'll be out, Dad. Wait for Mom." Dinukot nito ang cellphone sa bulsa. Malamang ay tatawagan nito ang kasintahan.
Tumango siya. "Ok."
Ilang saglit pa ay nag-angat siya ng tingin sa itaas ng hagdan nang marinig ang huni ng stileto. Ngumiti siya nang makita ang maganda nitong mukha.
She was gorgeous woman; the kind who turned heads everywhere she went and stopped men in their tracks. Her long black hair flowed past her shoulders in subtle, yet graceful waves with a vibrant and a lively sheen as bright as the summer sun.
Her eyes were deep and brown. Her fair skin glowed warmth and tenderness and her lips were full and inviting.
She was more than just another pretty face. She was tall and slender and carried herself with confidence. Her long legs were a striking presence. She was one of a kind; a true beauty to behold, yet she never seemed to realize just how stunning she was.
"Done staring?" Nakangising anito. Hindi niya namalayan na nakababa na ito. "How do you like my dress?"
"Perfect." Sabi nalang niya. Pero hindi siya nakafocus sa suot nito kundi sa maamo at magandang mukha ng kanyang asawa.
Eight years later. He married a woman whom he loves the most. The woman whom he would risk his life for. The love of his life and the mother of his children.
Eight years of a perfect and happy marriage. Wala na siyang ibang mahihiling pa.
Tumabingi ng bahagya ang ulo ng kanyang asawa. Marahil ay pinag-aaralan rin ang ekspresyon niya.
"Let's just wait for my Mom before we leave. Para may kasama sila rito habang wala tayo." Ani Camilla. Isinampay nito ang kamay sa nakayupi na niyang braso.
Sabay silang naglakad palabas. Naghihintay roon ang kanilang anak na si Lance ngunit abala sa pakikipag-usap sa kabilang linya.
"Era?"
Tumango siya. "Who else?"
They both chuckle. Sabay nilang pinagmasdan ang kanilang panganay na anak. Hindi man sabihin ni Camilla, alam niyang magkahalong saya at lungkot ang nararamdaman nito.
"Callia would be very proud of him." Anito.
"I know." Bumaling siya sa asawa. "But she would probably be proud of you. You raised him well."
"Mahal ko siya. And I will do anything for him."
Dumukwang siya upang gawaran ng halik sa labi ang asawa.
Eight years later. Sinong mag-aakala na mabubuhay pa ito matapos na malagay sa delikadong sitwasyon ang buhay ng kanyang asawa. Maging siya ay muntik ng mawalan ng pag-asa para kay Camilla.
But Eros, he is a saviour. He save Camilla when she was a perishable being on the brink of death. He will forever owe him her life. And to God for granting his prayer and for allowing Camilla to spend her life with him.
Kung hindi dahil sa mga ito, wala sana si Camilla. Wala sanang babaeng ihaharap niya sa altar ng buong pagmamahal.
Nagtama ang kanilang paningin nang maghiwalay ang kanilang mga labi. Ngumiti siya nang maramdaman ang mabilis na tibok ng kanyang puso.
His heart still beat for Camilla. Malakas parin ang epekto nito sa kanya. Hindi parin nagbabago. At wala siyang planong baguhin iyon.
Whatever happen from now and on, his heart knows where it belongs. Sa isang babae na mahal na mahal siya at mahal na mahal niya. Sa pamilyang binuo nilang dalawa ng magkasama at buong pagmamahal na iningatan at ginabayan.
"I love you, Camilla."
Wala siyang ibang mahihiling pa, kundi ang tumanda at mamatay na si Camilla lang ang tanging nagpapatibok ng puso niya.
THE END
BINABASA MO ANG
Vaughn and Camilla
Romance"I am ready for a little reality. If you are?" Second chance do come on every people's way. Gawa ba ng tadhana o dahil hindi parin mawala ang pagmamahal sa isa't isa? Paano kung sa pangalawang pagkakataon, may mga tao ng masasaktan? Are you willing...