Chapter 25
SIGURADO si Camilla na lahat ng lakas niya ay nawala sa kanyang katawan nang buksan niya ang pinto at makita kung sino ang nasa labas at naghihintay. Naging malakas ang tambol ng puso niya at dinig na dinig niya iyon.
Sinalubong niya ang malamig nitong tingin pero kaagad rin niyang binawi. Hindi niya alam kung paano ito tingnan sa mga mata.
Alam naman niya na magigising ito, pero hindi niya akalaing gano'n kaaga. Hindi tuloy niya alam kung ano ang gagawin at magiging reaksyon.
Napalunok siya. "V-Vaughn. You're aw—"
naiwan sa ere ang dapat sana niyang sasabihan at napasinghap nang yakapin siya nito.Ang kaninang kaba sa puso niya ay napalitan ng pagkagulo. Hindi niya alam kung para saan ang yakap na iyon. Pero sa huli ay tumugon siya at mahigpit itong niyakap.
Vaughn let out a small grunt and she realize why. Kaya naman mabilis siyang kumawala sa pagkakayakap rito. "I am sorry. Nakalimutan kong may pasa ka pa pala."
"It's ok." Sambit ni Vaughn pero mababasa sa mukha nito ang sakit. "Nakalimutan ko ring may sugat at pasa pa ako."
Mahina siyang natawa at gano'n rin ito.
Lumapas ang ilang segundo ay nagkaroon ng katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Ang mga mata ni Vaughn ay lumampas sa kanya at alam niya kung saan ito nakatingin.
"Pwede ba akong pumasok?" Tanong nito.
Tumango siya at tumabi upang makapasok ito. Dahan dahan itong lumapit sa natutulog na paslit. Narinig niya ang pagbuga ng hininga ni Vaughn dahil hindi makapaniwala.
Siya naman ay nakagat ang kanyang daliri dahil sa nerbyos. Hindi niya alam kung anong klaseng sumbat ang igagawad sa kanya ni Vaughn.
"Kamukha ko nga talaga siya." Hindi nito naalis ang tingin sa bata.
"I am sorry, Vaughn." Pagod na siyang sabihin ang katagang iyon. Naririndi na siyang bigkasin iyon, ngunit hindi niya alam kung paano siya makakapagpaliwanag rito.
"He has my nose. The eyes and lips." Gumaralgal ang tinig nito.
"Oo. He has every bit of you. Kaugali mo rin siya."
"Really?" Namamanghang ani Vaughn.
"Y-Yes. He's unpredictable sometimes."
"Then he is my boy."
"Hindi ka ba galit sa akin?" Nag-aalala at naguguluhang tanong niya. "Ang inaasahan ko kasing magiging reaksyon mo sa akin ay galit. I feel weird and confused with your reaction."
Humarap sa kanya si Vaughn at mataman siya nitong pinakatitigan. Naging matunog ang pagbuntong hininga nito saka ngumiti. "Ang pagmamahal ko sa'yo ay masyadong malaki at hindi kayang tapatan ng galit na nararamdaman ko. And I realize na may kasalanan rin ako sa lahat ng nangyari. Tinulak kita palayo na dahilan kaya mo nilihim sa akin si Van. I completely understand."
Hindi niya napigilan ang mapaluha sa labis na kasiyahan. Nawala ang mabigat na pakiramdam sa puso niya.
Kaagad na pinunasan ni Vaughn ang luha sa kanyang mga mata at pisngi. Dumukwang ito at ginawaran siya nito ng masuyong halik sa labi na buong puso naman niyang tinugunan.
Sa mga oras iyon ay nakalimutan niya ang mga nangyayari sa paligid. Nakalimutan niyang nakatali ito sa iba. At sa pagkakataong iyon ay nanaig ang nais niyang mahalikan ito ng walang pag-aalinlangan.
Naging mapusok ang kanilang halikan, animo'y uhaw na uhaw sa isa't isa. Hinapit siya nito atsaka binuhat siya naman ay yumakap sa balikat nito. Hindi nito alintana kung masakit man ang katawan.
BINABASA MO ANG
Vaughn and Camilla
Romans"I am ready for a little reality. If you are?" Second chance do come on every people's way. Gawa ba ng tadhana o dahil hindi parin mawala ang pagmamahal sa isa't isa? Paano kung sa pangalawang pagkakataon, may mga tao ng masasaktan? Are you willing...