Chapter 18

3.4K 150 19
                                    


Chapter 18

MAAGANG nagising si Vaughn at Michelle upang puntahan ang kanilang wedding planner. Nais kasing palitan ni Michelle ang ibang detalye sa kanilang kasal.

Malapit na nilang maayos ang lahat ngunit bigla nalang nagpahabol si Michelle ng pagbabago. Kaya naman kailangan muna niyang idaan si Lance sa condo ni Camilla. Mas gusto kasi ng kanyang anak na si Camilla ang makasama kaysa sa mga kasama nila sa bahay.

Napabuntong hininga siya nang maalala ang kanyang inakto kay Camilla. Sinusubukan lang naman niyang iwasan ito gaya ng gusto nito. Naiwasan naman niya ang dalaga kagabi ngunit halos isuklam niya ang sarili nang makapasok sila sa elevator.

"Ayos ka lang ba?"

Bumaling siya kay Michelle na may malalim na gatla sa noo.

"I am fine. Why?"

"Kanina ka pa nagbubuntong hininga."

"Well, traffic is kinda depressing." Dahilan nalang niya. Ayaw niyang mapahaba ang usapan nila ni Michelle.

"About pala sa bubuksan nating business, I want it to be household depot."

"Bakit iyon?" Kunot noong tanong niya. Household depot kasi ang Z-Plus. "Para makipag-kompitensya kay Camilla?"

"Well, I guess so."

"Are you out of your mind?" Mahinanon niyang sabi. Ayaw niyang marinig siya ng kanyang anak. "Well you stop being so immature?"

"Anong mali sa pagbubukas ng business."

"You can open up a pastry shop or parlor or anything that fits you, bakit mo pa kailangang magbukas na konektado sa meron si Camilla?"

"Are you siding her?"

"It's not about which side I take, Michelle. It's about you being so damn immature!" Hindi na niya napigilan ang magtaas ng boses. Mabilis siyang bumaling kay Lance na gulat namang nakatitig sa kanya.

Mariin niyang naipikit ang kanyang mga mata. "I am sorry, Lance."

"It's ok, Daddy. Are we almost there?"

Ibinalik niya ang tingin sa daan. Isang liko nalang at makakarating na sila sa condo building ni Camilla. Tanaw narin niya ang gusali.

Pero nakahinto ang mga sasakyan sa daan na patungo sa gusali.

"Traffic? At early in the morning?" Nababagot na tanong ni Michelle. "Maybe we should head back home."

"No!" Sigaw ni Lance. "I want to see Mommy."

Dahil sa traffic ay iparada nalang ni Vaughn ang kanyang sasakyan sa gilid ng daan. "Ihahatid ko si Lance, maiwan ka rito. We'll continue our conversation when I'm back."

Humalukipkip lang ito.

Bumaba siya sa driver seat at tumungo sa backseat upang kunin ang kanyang anak. Doon lang niya napansin na may mga sasakyan ng pulis na nasa tapat ng condo building.

Bigla siyang kinabahan. Buhat ang kanyang anak ay lakad takbong tinungo niya ang kinaroroonan ng mga pulis. Bago pa man siya makaabot sa yellow lane ay may dalawang pulis na humarang na sa kanyang daraanan.

"Sir, residente ho ba kayo ng building na ito?"

Umiling siya. "But my ex wife lives there. Anong nangyayari?"

"Sir, bawal ho kaming magbigay ng impormasyon kung hindi ho kayo taga-rito. Mabuti hong umuwi na kayo."

"No—"

Vaughn and CamillaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon