Chapter 14

2.9K 121 5
                                    

Chapter 14

CAMILLA was embraced with the warm hugs by her parents. Sari-saring pakiramdam ang nararamdaman niya sa mga yakap na iyon. Pero hindi mapapantayan ang yakap na ibinigay sa kanya ng kanyang anak dahilan para bumuhos ang kanyang emosyon.

She missed him so much! Sa sobrang pangungulila niya sa anak ay ayaw na niya itong bitawan pa.

"Ma-ma." Van tried to call her.

"Aw." Usal niya habang hindi parin nahihinto sa pag-iyak. "My baby." Umupo siya upang pantayan ang laki ni Lance na naninibago parin sa klima ng bansa. "This is kuya Lance." Pakilala niya. Si Van ay inosenteng bumaling sa batang kasama niya at walang alinlangang ngumiti.

"Hi, Van." Bati ni Lance at nilaro laro ang kamay ng kapatid. "I am your kuya!"

Nagkatinginan sila ng kanyang ina pero kaagad rin niya iyong binawi. Gusto niyang pagmasdan ang dalawa niyang anak.

"Mabuti na ba ang pakiramdam mo?" Tanong ng Mama niya sa kanya. "I heard what happen. Nagkita na ba kayo ni Tess?"

"Tinawagan ko siya."

Her Mama sighed. "Alam mo bang hirap na hirap akong itago sa Papa mo ang nangyari sa'yo? Ayokong maapektuhan siya at makasama sa kanya kaya minabuti kong huwag magpadala sa emosyon kahit alam kong anumang oras ay sasabog na ako." Nangingilid ang mga luhang ani ng kanyang Mama. "I am worried sick!"

"Ma, I am here. Don't worry to much." Nag-angat siya ng tingin kay Heather. "She's here to protect me."

"I'll double the pay, masiguro mo lang na maayos ang kalagayan namin."

"Hindi ho ako nagpapabayad." Nakangiting tugon ni Heather. "Food and a room is enough for a payment, Mrs. Zeundiverte."

Napakurap ang kanyang ina habang napapantastikuhang nakatingin sa babaeng kasama niya.

Kalaunan ay iginaya ng ina si Heather sa guestroom ng bahay habang naiwan naman siyang pinapanood ang dalawa niyang anak.

Inilapag niya si Van sa ibaba at gumagapang ito patungo kay Lance. Nang makalapit ito kay Lance ay dahan dahan itong humawak sa dibdib ni Lance upang tulungan ang sarili na makatayo. Lance has his older brother instinct, he helped his brother to stand up.

Van made his cute giggling sound, so as Lance.

"Mommy, he looked like me!" Ani Lance.

"Yes."

"And Daddy!"

"Y-Yes."

"Is he Daddy's baby too?"

"Y-You want to eat?" Pag-iiba niya ng usapan na kaagad namang kinagat ni Lance dahil tumango ito. "Gutom ka ba?"

"Oo, Mommy." Sagot nito. Kahit nahihirapan ay binuhat nito ang kapatid. "Mommy, I am happy that I am kuya na."

She smiled. "I know, baby."

Dinala niya ang dalawa sa dining table saka niya binuhat si Van at inilagay sa highchair nito. Van aren't a fan of highchair but he was occupied with Lance's presence so he didn't mind sitting on it.

Habang nasa kusina siya ay naglalaro naman ang magkapatid.

"What do you want to eat, Lance?" Malambing na tanong ng kanyang Mama dahilan para lingunin niya ang mga ito.

"Lola, what's your favorite?"

"Pesto." Sagot ng Mama niya. "I am a vegetarian so I only eat veggies."

Ngumiwi si Lance. "Eww."

Her Mama chuckled. "Mas healthy ang veggies. Try it sometimes, ok." Dagdag nito saka naglagad patungo sa kanya. "Bumili na ako ng mga karne, ikaw nalang bahala kung ano ang iluluto mo. Huwag mo lang sabihin sa Papa mo at baka maexcite kapag nalaman niyang may karne."

Vaughn and CamillaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon