Chapter 8PANAY ang hilot ni Camilla sa kanyang sentido habang binabasa ang reports sa kanya ng kanyang mga sales coordinator sa CEMC. Hindi niya akalaing gano'n kalaki ang ibinagsak ng kanilang produkto sa dalawang store na ngayon lang niya nalaman.
Tinawag rin niya ang sales manager at accountant niya upang tanungin sa bagay na iyon pero wala ring masagot ang mga ito. Hindi man niya gustong manermon ay nasermonan niya ang dalawa, gano'n rin ang kanyang mga sales coordinator.
"I want it fix, Jovy."
"Yes, ma'am."
"Gusto kong magreport ka sa akin at isama mo si Mark para i-pull out lahat ng mga expired na items. Gusto ko ring makipag-coordinate ka sa manager ng branch na iyon at gusto kong malaman kung bakit naging gano'n kalaki ang ibinagsak ng sales."
Tumango ito. "Opo, ma'am."
"Makakaalis ka na."
Bumaling siya kay Tess na naroon rin pero tahimik lang na nakikinig ng sermon niya. Batid niyang may pinagdaraanan ito. "Meron tayong bagong package na manggagaling sa Japan. Ikaw ang kukuha no'n sa airport."
Tumango ito. "Ok."
"You can go."
Naging matunog ang kanyang pagbuntong hininga nang makaalis na ito. Naiinis siya dahil sa nangyayaring kapalpakan sa kanyang kompanya. Hindi naman siya naging pabaya, medyo naging abala lang siya sa Z-Plus kaya hindi niya alam kung ano ang nangyayari sa sarili niyang kompanya.
Masama rin kasi ang pakiramdam niya ngayong araw at para bang mas lalo lang sumama dahil sa report na nabasa niya.
Wala sa sariling hinanap ng kanyang mga mata si Vaughn na abala naman sa ginagawa. Hindi niya alam pero mas lalong bumigat ang kanyang kalooban. Hindi pa kasi niya nakakalimutan ang pinag-usapan nilang dalawa kagabi. Hindi rin siya nito dinalaw sa opisina kaninang pagkarating niya.
Gusto niyang malaman kung galit ba ito sa kanya o hindi kaya naman pinatawag niya ito kay Tess. Kaagad naman itong tumungo sa kanyang opisina.
"Yes, ma'am?"
She hated the fact that they have that kind of label. She is the boss and he is her employee. Pero kung meron mang ayaw niya, ay ang malamig na tingin sa kanya ni Vaughn. Kung tutuusin ay pabor iyon sa kanya para narin sa ikabubuti nilang pareho, pero mayroon sa kanya na hindi talaga nagugustuhan iyon.
"Pwede ka bang sumama sa akin?"
"Saan ho?"
"Pupunta ako sa kompanya ng Papa ko for a meeting. Medyo masama kasi ang pakiramdam ko, pwede ka bang magdrive para sa akin?"
Tumango ito. "Ihahanda ko lang ang kotse." Hindi na siya nakatugon pa dahil kaagad na siya nitong tinalikuran. Nanlulumong sinundan niya ito ng tingin. Mukhang galit nga ito sa kanya.
Makalipas lang ang ilang minuto ay tumayo na siya sa kanyang swivelchair. Medyo nahihilo na siya at pinilit niya ang sarili na makalakad at makababa. Hindi na siya nagpaalam pa sa mga empliyado niyang nasa ibaba. Diretso lang siyang lumabas patungo sa sasakyan ni Vaughn.
Mabilis siyang nagtungo at pumasok sa driverseat nang pagbuksan siya ni Vaughn. Naipikit niya ang kanyang mga mata at isinandal ang ulo sa headrest dahil sa hilo na kanyang nararamdaman.
Naramdaman niya ang pag-galaw ng sasakyan at pagsara ng pinto. Hindi na siya nagmulat pa dahil umiikot na ang kanyang paningin.
Ilang saglit lang ay naramdaman niya ang kamay ni Vaughn sa kanang balikat niya. Kaagad niyang naimulat ang kanyang mga mata at bumaling rito. Natigilan siya nang makitang kaunti dipa lang ang layo nila sa isa't isa. Anumang pag-galaw niya ay magtatama na ang ilong nilang dalawa.
BINABASA MO ANG
Vaughn and Camilla
Romance"I am ready for a little reality. If you are?" Second chance do come on every people's way. Gawa ba ng tadhana o dahil hindi parin mawala ang pagmamahal sa isa't isa? Paano kung sa pangalawang pagkakataon, may mga tao ng masasaktan? Are you willing...