Chapter 29

4K 159 6
                                    

Chapter 29

HINDI parin maalis ang tingin ni Camilla kay Olivia na magkakrus ang kamay at nakangising nakatingin sa kanya. Sa lahat ng taong maiisip niya, ni minsan ay hindi sumagi sa kanya na ang mismong ito ang magdadala sa kanya ng kamalasan.

Of all people, who would've thought that Olivia is capable of doing things. Specially to their own father.

"Hey, sis."

"Hindi na ako magtatanong, I already know the answer." Aniya.

"Pero nagulat ka? Hindi mo inakalang ako ang makakaharap mo?"

"You b**ch!"

"Call me whatever you want. Wala ka naman ng magagawa."

"Kapag nakatakas ako rito, sisiguraduhin kong sa empyerno ang bagsak mo!"

Olivia just gave her a smug look. "You think that'll happen? Sa totoo lang wala naman akong pakialam kung ano ang gagawin sa'yo ni Willard. Pero syempre gusto kong makita kung paano ka magdusa."

"Ano pa ba ang gusto mo? You already took the company. Nasa iyo na ang lahat."

"Not all, Camilla. I still can't earn the favor of my father. That is because of you." Bumaling ito kay Willard. "Why is she not dead? I want her dead! That is our deal, Willard."

Pumasok naman si Agatha at natatawang napailing. "Sa tingin mo gagawin yan ni Willard? He was obsessed with her."

"You fool!" Singhal ni Olivia. "Binigay ko sa'yo lahat ng kailangan mo. I told you I want her dead!"

Umiling si Willard. "No. I don't want her dead."

"Are you out of your mind?!"

"Siguro." Humalakhak ito saka inangat ang kamay na may hawak na baril. Sa isang iglap lang ay umalingawngaw sa kanyang pandinig ang malakas na tunog ng baril na siya namang pagbagsak ni Olivia. "I love her."

Napakurap siya habang pinakatitigan ang nakahandusay na si Olivia. Hinahanap kung saan tumama ang bala.

Halos manlamig ang buo niyang katawan nang makita niya ang dahan-dahang pagtulo ng dugo sa noo nito. Naramdaman niya ang pag-ikot ng sikmura niya kaya dali dali niyang inalis ang tingin saka tinakpan ang kanyang bibig.

Mahinang natawa si Agatha na hindi manlang apektado sa nangyayari. Iminulat niya ang kanyang mga mata at nanlilisik na bumaling kay Willard.

Olivia may be mean but she was still her father's daughter. Hindi ni Olivia alam kung gaano ito kamahal ng kanilang ama. Ngunit dahil sa selos at galit nito ay hindi na nito makita pa.

"She is my sister!"

"Callia is your sister." Walang emosyong anito. "In flesh. Yet, you let her suffer while you are living otherwise." Hindi siya nakapagsalita kaya naman napabuntong hininga ito. "You are right. Hindi ikaw si Callia. I can see that. Si Callia, ipinaramdam sa akin kung gaano ako kaimportante sa mundo. Pinapagaan niya ang loob ko. Kapag kasama ko siya, para kaming nasa ibang mundo, masayang masaya. But when it comes to you. I feel nothing."

"Kung gano'n, bakit mo ito ginagawa?" Naguguluhang tanong niya. "Kung wala ka naman palang nararamdaman sakin, bakit mo kailangang guluhin ang buhay namin?"

"I never said I don't love you. But I will fixed you." May dinukot ito sa bulsa at ipinakita sa kanya.

Nanlaki ang kanyang mga mata nang makita kung ano ang mga iyon. Iba't ibang kulay ng tabletas.

It was hallucinogens. The same drugs he use to drug her before. "Don't do it!" Humakbang siya paatras. Sinikap na makalayo kay Willard.

"These will fix you, Camilla." Nag-iba ang tono ng pananalita ni Willard. Animo'y sinusuyo siya. "Just like the old times, honey."

Vaughn and CamillaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon