Chapter 30

4.5K 186 17
                                    


Chapter 30

NAKAHINGA ng maluwag si Vaughn nang makita niya ang kanyang kapatid nang dalhin siya ni Agatha sa kinaroroonan nito. Naroon rin si Michelle na takip ang mga tenga habang nagtatago sa gilid.

Tulad ng silid na kinasadlakan niya kanina ay wala ring gamit na naroon, maliban sa upuan kung saan nakagapos si Vincent.

May mga tablang nakatambak malapit sa sira at basak na bintana. Sira sira ang pader at sunog ang kisame.

Tinulak siya ng isa sa mga tauhan ni Agatha papasok sa silid. Dahil nakagapos pa ang kanyang mga kamay ay hindi niya naprotektahan ang kanyang sarili nang mabuwal siya.

He grunted.

"Kuya!" Tawag sa kanya ni Vincent at pilit na kumakawala sa pagkakagapos. "Kapag nakawala ako rito, papatayin kita, Agatha."

"Kapag nakawala ka." Nakangising anito. "It'll be a matter of time before I kill you. So give me your best and get yourself free." Pagkasabi niyon ay isinara nito ang pinto at iniwan sila roon.

Bumaling siya sa kapatid. "Nasaan si Camilla?"

"Hindi ko alam. Isang linggo na namin siyang hindi kasama."

"What do you mean?" Aniya.

Umiling ito. "Hindi ko alam kung nasaan siya. Pero alam kung nandito lang siya sa lugar na ito. Paano mo kami nahanap?"

"Hindi na mahalaga." Bumaling siya kay Michelle. Wala itong tali. "Michelle, pwede mo ba kaming kalagan?"

"No." Sambit ni Vincent. "Masasaktan siya kapag kinalagan niya tayo. Sigurado akong may mga taong nakabantay diyan sa labas at minu-minutong titingin sa atin. Hindi na tayo makakalabas rito."

Napabuntong hininga siya. Bago pa man siya makapagsalita ay nakarinig siya ng sunod sunod na putok sa labas na siya namang ikinasigaw ni Michelle. She was screaming and panicking in terror.

Siya at si Vincet ay inilukob ang sarili. Nagdadasal na huwag silang tamaan ng ligaw na baka.

Sa pintuan ay isa-isang gumuhit ang ilang hugis bilog na tingin niya ay bala. Nakarinig siya ng kalabog mula sa labas at huminto ang mga putokan.

Bumukas ang pinto at pumasok roon si Heather. "Hey."

"H-Heather?" Surpresang aniya. Hindi niya inakalang si Heather iyon.

She is wearing her over all white fitted suit and a white leathered jacket. Maging ang bota nito ay kulay puti rin. Sa magkabilang  tagiliran nito ay ang dalawang baril na nakasuksok sa belt nito.

"Surprise! Sabi ko sayo di'ba tutulong kami." Saad nito at lumapit sa kanya. Kinalagan siya nito at isinunod naman si Vincent.

Mabilis siyang bumangon at hinilot ang kamay niya na may bagas ng tali. Bumaling siya kay Vincent. "You were saying?"

"I'll take it back." Nauutal nitong sambit.

"Let's go." Ani Heather saka nito inabot sa kanya ang isang baril. "You'll need it."

"Wait!" Ani Vincent na lumapit kay Michelle. "Can you stand up?"

"Oh, kasama ka pala?" Namamanghang ani Heather saka natawa nang makita kung ano ang hitsura ni Michelle. "Nasaan ang tapang niyan? The last time I check she was asking for a fight." She mocked.

"It's not the right time to joke around!" Singhal ni Vincent kay Heather.

Heather chuckled. "Sa likod ko lang kayo." Sumunod naman siya kay Heather. Ang kanyang kapatid ay binuhat na si Michelle dahil hindi nito magawang lumakad.

Vaughn and CamillaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon