Chapter 9

4.2K 187 22
                                    


Chapter 9

HINDI alam ni Camilla ang kanyang gagawin sa mga oras na iyon. Pakiramdam niya ay naipit siya sa isang sitwasyon na mahirap takasan. Kung wala lang si Lance, paniguradong tatanggi siya sa gusto ni Zac na pagsasalo-salo nila sa isang mesa.

Tahimik lang siyang nakaupo habang sinasubuan ang aliw na aliw na si Lance. Sa kabilang gilid ni Lance ay si Vaughn na tahimik rin habang kumakain. Si Zac at Michelle naman ay nag-uusap tungkol sa mga bagay bagay. Hindi niya akalaing magkakilala ang dalawa.

"So, how about you Zac? Kailan ka naman lalagay sa tahimik?" Tanong ni Michelle nang maubusan na ito ng kwento.

Bigla ay nasamid siya dahilan para matuon sa kanya ang atensyon ng tatlo. Humingi siya ng paumanhin sa dalawa.

"Well, hindi pa sa ngayon. Ang totoo ay kakasagot lang sa akin ni Camilla."

Kita niya mula sa gilid ng kanyang mga mata ay tingin ni Vaughn. Halata rito ang pagkagulat.

"Talaga?" Halata sa mukha ni Michelle ang pagkagulat. Bumaling pa ito sa kanya upang kompirmahin ang ibinalita ni Zac.

Tumango siya. "Yes." Kakasagot lang niya kay Zac kanina. Gusto niyang subukang pumasok sa panibago at totoong relasyon ng sa gano'n ay makalimutan na niya ang nararamdaman niya para kay Vaughn.

"That's great." Ani Michelle. "This is something that we should celebrate."

Pinisil ni Zac ang kanyang kamay. "Kung hindi lang hectic ang schedule naming pareho, siguro ay lumipad kami ng amerika." Saad ni Zac habang pinaikot-ikot ang tinidor sa pasta. "Nang malaman kasi ng Mama at Papa niya ang balita, gusto nilang pumunta kami sa amerika para i-celebrate."

"I think you should." Alam niyang natutuwa si Michelle sa narinig na balita. Nakikita kasi niya na parang nawala na ang mabigat na pasan nito sa kalooban simula nang magpunta siya sa bahay ni Vaughn.

Pasimple siyang bumaling kay Vaughn at nakita niya ang pag-galaw ng panga nito, maging ang hindi maipintang mukha nito ay hindi rin nakaligtas sa kanya. Napalunok siya nang tingnan lang siya nito pagkatapos ay tumayo. "Excuse me."

Pinigilan ito ni Michelle. "Saan ka pupunta?"

"Sa banyo." Iyon lang ang naging sagot nito pagkatapos ay naglakad na ito palayo sa kanila.

"Congratulations." Bati ni Michelle. Itinaas nito ang hawak na baso.

"Salamat." Ani Zac.

Tipid na ngiti lang ang kanyang tinugon.

Ilang saglit lang ay bumalik na si Vaughn. Ang kaninang hindi maipintang mukha ay napalitan ng ngiti. Bumaling ito kay Michelle. "You want some ice cream, honey?" Malambing nitong tanong. Dahan dahan pa inilapit ang upuan sa tabi ni Michelle at ang isang braso ay ipinatong sa sandalan ng upuan ni Michelle.

"What do you think about the news, Vaughn?" Tanong ni Michelle patungkol sa relasyon nila ni Zac.

"Congratulations." Iyon lang ang sinabi nito. "You make a great couple."

"Sure we are." Ani Zac. Maging ito ay tumabi rin sa kanya. "Plano ko ngang dalhin siya sa U.S at—"

"No!" Lahat sila ay bumaling kay Lance nang bigla itong sumigaw.  Matalim ang tingin na pinukol nito kay Zac. "You can't take my Mommy away! No!"

Lumapit siya sa bata. "Lance. He's not taking me away."

"But he said.." Humikbi na ito. "A stranger said that he'll take you away from me. Mommy, don't leave me." Mahihimigan ang pagmamakaawa sa boses ng bata.

Vaughn and CamillaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon