Chapter 21"BAKIT hindi ka pa natutulog?" Tanong ni Vaughn sa kanyang anak nang maabutan itong gising pa.
Kaagad itong bumangon sa pagkakahiga at nakangusong tumingin sa kanya. "Kailan ko po makikita si Mommy?"
Nanlulumong napabuntong hininga siya at lumapit sa kanyang anak. "Makikita mo naman ang Mommy mo. Hindi lang siguro sa ngayon."
Bumagsak ang balikat ni Lance. Bakas sa mga mata nito ang pangungulila. "I miss her."
Umupo siya sa tabi nito at niyakap ang anak. "I know, buddy. I do too." But I am afraid that your Mom doesn't like us anymore. Bulong niya sa isip.
"You know, her son looks like me, Daddy." Kwento nito.
"Oh, really?" He asked. Hindi pa pala niya natatanong ang anak tungkol sa pagbakasyon nito kasama si Camilla. "Kambal kasi ang dalawang mommy mo kaya natural lang na magkamukha kayo."
"But he also looks like you."
He was taken a back. "How so?" Kunot noong tanong niya.
Nagkibit balikat ang bata. "Grandma showed me your baby picture. You look like Van, Dad."
Hindi niya maintindihan ang anak.
"Is that possible, Daddy?"
"Tell me about Van? What kind of boy is he?"
"He is cute. Kind of funny and do a lot of crazy stuff." Pagku-kwento ng bata. "Sometimes he is timid."
"What else?" Napuno siya ng kyuryusidad. "Nakilala mo na ba ang daddy ni Van?"
"Lola said Mommy got pregnant after she left us. He has no Daddy."
Parang kidlat na mabilis na tumama iyon sa buong katawan niya. Tumindig ang kanyang balat at hindi niya maipaliwanag ang kanyang nararamdaman.
Baby number two. Olivia. The woman from restaurant just mentioned about the baby number two. She is the half sister of Camilla after all.
Could it be? Nagbunga ba ang nangyaring iyon sa kanila? At kung nagbunga man. Bakit itinago sa kanya iyon ni Camilla? Ayaw ba nitong malaman niya na may anak sila?
Pinagtagpi-tagpi niya ang lahat. At iisa lang ang naging sagot niyon sa kanya.
Ng mga oras na iyon, hindi niya alam kung ano ang mararamdaman niya. Naghalu-halo ang emosyon sa kanya at hindi niya alam kung ano ang tumitimbang.
But one thing is clear. Labis ang kasiyahan na nararamdaman niya dahilan para mapaluha siya.
"Dad?" Nag-aalalang sambit ng anak. "Bakit ka umiiyak?"
Umiling siya. "Wala anak. Meron lang nalaman si Daddy. Thank you."
"Oh." Nakikita niya sa mga mata nito ang kyuryusidad ngunit piniling manahimik nalang. "You are welcome, Daddy."
"Yes. You must." Muli niyang hinalikan ang anak sa ulo. "Matulog ka na. Bukas ay pupunta tayo sa Mommy mo."
Kahit pa malinaw na sa kanya iyon. Gusto niyang sa mga labi mismo nito manggaling ang sagot sa katanungan niya. Nakahanda siya sa anumang magiging sagot nito at kung ano man ang mararamdaman niya kay Camilla dahil sa paglilihim nito. Marami itong dapat na ipaliwanag sa kanya.
Ngunit sa ngayon ay nais muna niyang makilala si Van. Gusto niyang mahagkan ito at ipakilala ang sarili. Kung sakaling anak nga niya ito. He is looking forward for it.
Sumilay sa mukha nito ang tuwa at kaagad namang tumalima. Bumalik ito sa pagkakahiga at kusang ipinikit ang mga mata.
Mataman niyang tinitigan ang mukha ng anak. Nang masigurong naidlip na ito ay saka siya lumabas ng kwarto nito.
BINABASA MO ANG
Vaughn and Camilla
Romance"I am ready for a little reality. If you are?" Second chance do come on every people's way. Gawa ba ng tadhana o dahil hindi parin mawala ang pagmamahal sa isa't isa? Paano kung sa pangalawang pagkakataon, may mga tao ng masasaktan? Are you willing...