PROLOGUEKAAGAD na lumapit sa akin si Mama nang ako ay pumasok sa dining area at bumeso sa akin. "Hello, dear. How's work?" Tanong niya sa akin.
I sighed. "Stressful. Medyo nagkaroon ng problema sa delivery kanina pero naayos naman kaagad."
"Kailangan mo kasing i-train ang mga empliyado mo. I heard that they're all intern."
"Nandoon naman si Tess para magbantay sa kanila. You have nothing to worry about. Nasaan si Papa?"
"Sa itaas," sagot ni Mama. "pinagpahinga ko na siya dahil hindi siya pwedeng mapagod. You know him."
Tumango ako at kaagad na umupo sa bakanteng upuan. Naging tahimik kami ni Mama sa hapag pero napapansin ko ang pasulyap sulyap at pagtikhim na kanina pa niya ginagawa. Nangangahulugan lang no'n na meron siyang sasabihin sa akin.
"What is it?" Ako na ang unang nagtanong.
"Bakit kaya hindi nalang ikaw ang humawak sa Z-Plus Corp?" Mungkahe sa akin ni Mama dahilan para matigilan ako. Ang buong akala ko kasi ay dinner lang ang dahilan kung bakit niyaya ako ni Mama pero mukhang iba ang gusto niyang mapag-usapan.
Nitong mga nakalipas na buwan ay naging mahina ang pangangatawan ni Papa at hindi masyadong nababantayan ni Mama ang kompanya dahil sa mas binabantayan niya si Papa. Kaya naman nahati ang oras ko sa Z-Plus at sa C Essentialz
Ibinaba ko ang aking kubyertos at bumaling ako kay Mama. "Hindi pa naman luge ang kompanya, diba?"
"Hihintayin pa ba nating maluge? I mean Essentialz is getting bigger because of you."
"Because I am competitive. I want the best for my company."
Naging seryoso si Mama. "And I want the best for ours too. Sa'yo rin naman mapupunta ang Z-Plus kapag nagkataon. Bakit hindi mo na pamahalaan habang maaga pa."
"Ma."
"Camilla, your Papa is not well, you know that. Kung hindi mo pamamahalaan ang Z-Plus, marami sa kamag-anak niya ang magkaka-interes sa kompanya."
"That's the point." I said. "Aatakihin lang nila ako kapag sa akin niyo ipinamana ang Z-Plus. I mean, I am just adopted. Wala akong karapatan."
Bumagsak ang balikat ni Mama at nagsusumamo ang mga tingin sa akin. Iyon ang ayaw na ayaw kong gamitin niya laban sa akin dahil alam niyang mapapapayag niya ako.
I sighed. "Fine."
She clapped in happiness. "Wala ng bawian."
"As if I have a choice." Sabi ko. "Pero kapag nagreklamo ang mga pinsan ko, dapat backup ko kayo ni Papa."
"Oh, dear, don't worry to much."
Muli akong napabuntong hininga.
Hindi nagtagal at naiba ang aming usapan. Hindi rin nakaligtas ang pangalan ni Jay sa aming dalawa at panay naman ang iwas ko roon.
Matagal na kasi kaming hindi nagkikita ni Jay, simula nang mabalitaan kong nagpakasal na pala siya sa amerika dahil may nabuntis siyang isang babae.
BINABASA MO ANG
Vaughn and Camilla
عاطفية"I am ready for a little reality. If you are?" Second chance do come on every people's way. Gawa ba ng tadhana o dahil hindi parin mawala ang pagmamahal sa isa't isa? Paano kung sa pangalawang pagkakataon, may mga tao ng masasaktan? Are you willing...